"Ahuhuhu! Next tissue please!""O," inabot ko yung tissue na binigay sakin ni Aila at siningahan ito ng malakas.
"AHUHUUHUHU! AJUJUJUJU! AWOOWOO! UWAAAA!"
*!!!!----WAPAK-----!!!!*
"Aray! Bakit mo ako sinapak, Aila!" (T^T)
"Magtigil ka nga sa kakaiyak mo, mukha ka ng asong ulol dyan. Tignan mo nga 5box of tissue na nauubos mo! Maawa ka sa mother Earth, maawa ka sa bawat punong pinuputol para lang makagawa ng tissue na walang pakundangan mong sinisingahan!"
"Eh Aila naman kasi, look at this picture!" I hand her out my "TeenMag"na nakatiklop sa right article na gusto ko ipakita sa kanya, "Look how horrible I am in that picture! Para akong ginahasang multo dyan! Hindi ko pinangarap na humarap sa SyncBabes ko na mukhang espasol na may mga lipstick stains sa katawan!!!" (T________T)
"Eh sino ba kasi may kasalanan? Sino bang nagplanong buhusan ang sarili ng sandamakmak na pulbo at sinulutan ng lipstick ang katawan tapos sumugod sugo sa backdoor ha?!"
"Ako..." nanlulumo kong sabi, "Ako may kasalanan..." (T3T)
"Yun naman pala eh! Kaya tumahan ka na dyan!"
"Bakit napaka-comforting mong kaibigan?" sarcastic kong sabi, "Imbis na damayan mo ako at sabihang 'ok lang yan friend, you looked like snow white naman there eh' eh dina-down mo pa ako lalo."
"Down-down mo mukha mo, I'm just being straight forward Momo."
"Can't you curl backward at times?"
"Ha?" (??__??)
"Lagi ka kasing straight forward, mag-curl backwards ka naman." T3T
*!!!!----WAPAK-----!!!!*
Sinapak nanaman po ako, battered bestfriend na talaga ako. Brutal masyado 'tong kaibigan ko. =___=
"Wag ka ngang korni. Umayos ka nga ng buhay mo Momo, kaya ka nato-trouble eh puro ka kasi kalokohan. Wala na tayong magagawa, andyan na yan eh. Nangyari na ang nangyari, na-expose mo na ang sarili mo sa madlang people, sikat ka na at #1 ka na sa laughing stock or target ng SE?LOVE fansclub at other madlang people. Just look on the bright side, bukod sa nakita mo ng sobrang lapit ang SE especially ang SyncBabes mo eh sinong may alam, baka binabasa rin nila itong article na 'to at currently pinaguusapan o bukambibig ka na rin sa usapan ng Syntax Error. Who knows baka nakuha mo na talaga ang attention ng Syncbabes mo. Atleast he knows your existence na! Diba that's something great?"
"Maganda, magandang hypothesis," pumalakpak ako sarcastically, "Alam nya na nga existence ko pero sirang sira naman ang image ko sa kanya at sa buong SE." =___=
"Well, hindi lang naman sa SE. Remember, sa madalang people ka mas in trouble. Pag lumabas ka sa malls especially sa concert tours ng SE ay malaki ang possibilities na may makakilala sayo at who knows kung anong pede nilang gawin sayo? Pero I'll bet na kukuyugin ka lang naman nila or pede rin namang bugbugin ka nila or mas better, ilalagay ka nila sa sako then itatapon sa ilog pasig." *big smile*
![](https://img.wattpad.com/cover/7140589-288-k735862.jpg)