<pre style="line-height: 16px; text-align: start; background-color: #f0f3f3;">
"Guys, maaga ang gising bukas ha?" naalimpungatan ako sa nagsalita "May practice pa kayo para sa bago nyong music video."
T-teka?! Asan ako?! Bakit nasa ilalim ako ng upuan ng kotse? Bakit nararamdaman kong gumagalaw 'to?!
~~~ Woosh FLASHBACK ~~~~
Yikes! Pumasok nga pala ako dito as only hope of escape sa mga serial killers ko! >_< Pero... nauntog ata ako ng pagkalakas? Actually, ang sakit pa nga ng ulo ko, bumukol ata. >__<
"Sync," what?! May nagbanggit ng pangalan ng SyncBabes ko?! Teka boses ata yun ni Zeke ng SE? O___O
"Oh?" teka... yung nag-"oh" ba ay si Syncbabes? At nanggagaling sa taas ko yung boses nya. O___O
"Patingin nga kung andyan yung pouch ng guitar picks ko..." hindi ako nagkakamali, boses nga ni Zeke ng Syntax Error yung nagsalita at kung ganun...
Bukod sa nakaupo sa taas ko si Syncbabes ay... nasa mismong van ako ng Syntax Error! I can't believe this! Kyaaa! Kinikilig ako pero hindi ko magawang i-express kasi konting galaw at ingay ko lang eh mabubuko ako ng hindi oras. Matotrouble nanaman ako pag nagkataon. >___<
Pero teka... bakit may kamay na kumakapa sa sahig... at teka, palapit na sakin yung kamay, sinubukan kong umurong pero wala naman akong mauurungan kaya nahawakan nya ang braso ko... yikes! Pinisil pisil nya pa! Diyos ko po, wag Nyo naman po sanang hayaang mabuko nila ako. Sana isipin nya na marshmallow lang yung nahawakan nya. >__<
Tumigil sya sa pagpisil at bumitaw sa braso ko, hihinga na sana ako ng maluwag ng bigla biglang lumuhod ito sa sahig at sinilip ako...
Nagsalubong yung mga mata namin...
( *_*) --> eye to eye <-- (*_* )
then...
( >_<) --> eye to eye <-- (o___O)
"Sino ka?! Anong ginagawa mo dyan?!!!"
"He-he-he..." hindi ko alam ang gagawin ko pinagpapawisan ako kahit de-aircon ang kotse, "Hi?"
"STOP THE VAN!" mabibingi ata ako sa sigaw nya na nagpatigil ng biglaan sa van at bigla nyang hinawakan ang pulso ko at hinigit ako palabas ng van. Kikiligin na sana ako kasi hinahawakan nya pulso ko pero imbis na kilig ang nananaig sakin eh takot. Kasi naman sino bang hindi matatakot sa mga naninigkit nyang mga mata? >_<
"Sino ka?!" pagkababang pagkababa sa van eh binitawan nya ako at itinulak, napasandal tuloy ako sa van.
"Woah, woah. Saan nanggaling yan?" unti unti ng nagbabaan ang members ng SE pati na rin yung driver at isang babae mula sa front seat ng van.
Hindi ako makaimik dun, kagat kagat ko ang labi ko habang nakatungo at nakasandal ako sa may van. Pinapaligiran nila ako. >__<
"Sino ka?! Anong ginagawa mo sa loob ng van namin ha?!" uwaaa. Sinisigawan ako ni SyncBabes. Hindi ko pinangarap na masigawan ng idol ko. T__T
Paano ba ako makakatakas sa situation na 'to?! Baka anytime ay mamukhaan na nila ako. >_<
Isip Momo, isip isip ng paraan. >____<
*TWEAK!!*
"Look! May octopus na lumilipad!" sa sinabi kong iyon mga nagsilingunan sila sa direksyon na itinuro ko kaya ginrab ko na yung chance na makatakas.
Tatakbo na sana ako ng may nakahawak sa dulo ng buhok ko, "Saan ka pupunta!!"
"Ayo!!!" napasigaw ako kahit hindi masakit yung pagkakahigit nya sa buhok ko, ang kaso lang... sa pagkahigit nya ay natanggal ang wig ko tapos hinawakan nya agad ako sa braso para hindi ako makatakas. >_<
![](https://img.wattpad.com/cover/7140589-288-k735862.jpg)