ep 3: feared

12 0 0
                                    

Jeanie's pov

Nanlalatang umupo ako sa upuan ko. Nananakit pa rin ang katawan ko matapos naming maglaro ni tita ng bowling sa game room nila. Kahit ayaw ko pinilit niya pa rin akong matulog sa kanila. Naghanda pa siya ng kwarto para sakin. At dahil tapos na ang midterm exam ko, nagkayayaan kaming maglaro ng bowling. At ngayon nananakit ang katawan ko. Inabot na yata kami ng hatinggabi sa paglalaro. Kung hindi pa kami pinuntahan ni michael sa game room para pagsabihang hating gabi na siguro hindi namin mamamalayan ang oras. Mas gusto akong kasama ni tita dahil matagal na daw niyang pangarap na magka anak ng babae. Para ko na nga siyang ina eh. Dahil mas madalas pa niya akong asikasuhin kesa kay michael at kapatid niya. Kaya tuwang tuwa siya ng maging kami na ni michael. Matutupad na daw ang pangarap niyang maging anak ako pag nagpakasal kami. Napangiti na lang ako.

"para kang baliw kung makangiti." si jon jon na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

Agad ko siyang hinampas sa balikat.

"ikaw ang hilig mong manggulat. Nakakainis ka."

"FYI, kanina pa ko dito. Ikaw lang yung tulala." sagot ni jon jon.

"ano ka ba?masakit kasi yung katawan ko. Iniisip ko yung ginawa namin-

"oh my god!!!!!jeaniei huwag mong sabihin na first night mo pa lang sa bahay nila michael may nangyari na agad sa inyo?!!" tili ni jon jon

Agad kong tinakpan ang bibig niya ng magtinginan samin yung mga kaklase namin.

"ano ka ba?ang ingay mo at ang dumi ng isip mo." bulong ko.

"may nangyari na sa inyo ni michael jeanie?" biglang sulpot ni terrence.

"wala, madumi lang tong isip ni jon jon." sagot ko.

"pero ang sabi mo iniisip mo yung ginawa niyo ni michael. At nananakit ang katawan mo." depensa ni jon jon.

"hindi ka kasi nakikinig at hindi pa tapos yung sinabi ko. Ang ibig kong sabihin, iniisip ko yung ginawa namin ni tita kagabi, naglaro kasi kami ng bowling hanggang hating gabi kaya masakit ang katawan ko." paliwanag ko.

"ah" napatango na lang si jon jon

nagsidatingan na din sina nina, vicki, at leo.

"big news guys," si nina

"you remember ashley from our the other section?"

napatango kaming lahat. kilala namin siya dahil siya ang muse ng naming mga first year.

"she's dead." si leo.

"ha!?" nagulat kaming lahat.

"p-paano- "

"she got killed," ani ni audrey na bagong dating.

napatingin kaming lahat sa kanya. namumula ang mga mata niya na tila kakagaling lang sa pag iyak.

"oh, audrey. " agad ko siyang niyakap. naalala ko na matalik niyang kaibigan si ashley noong highschool pa sila.

nakita kong gusto pa sanang magtanong ni terrence pero nanahimik na lang ito.

"she don't deserve it, you know." naiiyak na sabi ni audrey.

nagkatinginan kami. hinayaan lang namin si audrey na maglabas ng sama ng loob.

" alam niyo kasalanan ko to eh." audrey.

"audrey wala kang kasalanan." si vicki

"oo nga audrey." si leo.

"no, alam niyo ba kung san siya pinatay? sa room niya. "

"alam niyo ba dapat sa bahay siya matutulog, na dapat sasamahan niya ako sa bahay." histerikal na si audrey.

"audrey, calm down, wala kang kasalanan." pag aalo ni terrence.

"dalhin na kaya natin siya sa clinic, " bulong ko kay jon jon.

"uminom ka ng tubig, " si nina.

"audrey, tama na ang iyak ha?" pag aalo ko.

"kung ihatid ka kaya muna namin sa clinic para makapag pahinga ka" si jon jon.

tumango na lang si audrey.

************************

andito na ko sa room ko sa bahay nila tita. pagkatapos ng nangyari kay ashley na walang awang pinatay sa sarili niyang bahay habang nasa business trip ang parents niya, parang ayoko na ding umuwi sa bahay.

"jeanie, " si michael.

"pasok,."

"kumusta na si audrey?" tanong niya.

"ayon, sinisisi niya pa rin yung sarili niya." sagot ko.

tumabi siya sa akin at niyakap ako. gumanti din ako ng yakap.

"gusto mo samahan kita dito?" alok ni michael.

tumango ako bilang sagot.

"alam mo michael naawa ako kay ashley, ang bata bata pa niya para mangyari sa kanya yun. natatakot din ako. paano kung mangyari yun sakin, o sayo o sa kahit sinong kaibigan natin?"

niyakap ako ng mahigpit ni michael.

"huwag kang mag alala jeanie. andito lang ako, hinding hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo."

nakatulog ako na yakap yakap si michael.

michael's pov

napangiti ako ng makitang nakatulog na si jeanie. banayad ko siyang hinalikan sa noo at marahan akong tumayo sa kama. kahit naman payag ang parents ko sa relasyon namin ayoko pa ring lumagpas kami sa limitasyon namin. nag paalam na din ako sa parents ko na sa kwarto na ni jeanie matulog. kinuha ko ang extra na kutson at pinuwesto sa tabi ng kama ni jeanie. sinigurado kong nakalock lahat ng bintana pati ang sa balcony. pati pinto namin ay ni lock ko na din.

ang totoo natatakot ako. hindi pa man inaamin ng mga pulis, malakas na ang kutob ko na mayroong serial killer. na iisa lang ang pumatay kay ashley at sa isang dalaga nung isang araw. at base sa ginagawa ng killer, wala siyang takot. pero may isa pa kong kutob na ayokong maging tama.

"sana hindi siya malapit samin."

psycho on the looseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon