ep 4: new victim

11 0 0
                                    

nina's pov

andito ako ngayon sa bahay at naglalaro ng candy crush. hatinggabi na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. dapat pupunta ako kina vicki pero maaga akong pinauwi nila mommy. may lalakarin daw siya at kailangan kong mag baby sit ng kapatid ko. speaking of kapatid pinuntahan ko ang room niya at sinilip. nakita kong nahulog na sa kama ang kumot niya kaya kinuha ko at ipinatong sa katawan niya. banayad kong hinalikan ang noo niya at bumalik na sa kwarto ko.

saktong kakasara ko lang ng pinto ko ng biglang may humampas ng matigas na bagay sa batok ko at nanilim ang paningin ko.

paggising ko ay nasa loob pa rin ako ng room ko. napansin ko na nakatali ako sa upuan. sisigaw sana ako pero meron akong busal sa bibig. inilibot ko ang paningin ko. tanging ang computer ko lang ang nakabukas. hanggang sa merong aninong tumayo sa harap ko. hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa ilaw ng na nanggagaling sa computer. tinangka kong magsalita pero ungol lang ang lumabas sa bibig ko.

kuminang ang talim ng kutsilyo na itinapat niya sa mukha ko. napailing ako, ayoko pang mamatay. initapat niya sa leeg ko ang kutsilyo at tinanggal ang busal ko.

"ssshhhh, huwag maingay ha?" bulong niya

"p-please please ayoko pang mamatay. madami pa kong pangarap. ayoko, huhuhuhuhu." pakiusap ko sa kanya.

"but this is your destiny nina, afterall i'm just making you a favor." bulong niya habang pinapagapang sa leeg ko ang kutsilyo.

"p-please don't do this, if you want i will you give you everything, anything. mayaman kami, ibibigay ko- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ibinalik niya ulit ang busal sa bibig ko.

napaiyak na lang ako habang umiiling.

hindi ako paladasal na tao pero sa oras na yun wala akong ibang ginawa kundi manalangin, na sana walang mangyari sakin. naalala ko ang kapatid ko at lalo akong naiyak.

"please Lord, kunin niyo na ko huwag lang ang kapatid ko."

hinanap ng paningin ko ang taong yun. lumapit ulit siya sakin at itinapat sa leeg ko ang kutsilyo.

"rest in peace" bulong niya. at inundayan ako ng sak sak sa tiyan. ramdam ko ang hapdi sa tiyan ko, ang sakit.

lalo akong naluha ng maramdaman kong inikot niya ang kutsilyo mula sa pagkakasaksak sa tiyan ko.

"uuuuummmmmmm!!!!!!!" ungol ko.

ang sakit sakit. wala akong ibang gusto kundi matapos na lang ang buhay ko. pero tila hindi pa siya tapos sakin.

bigla niyang hinila ang kutsilyo mula sa pagkakasaksak at muling ibinaon sa tiyan ko.

*******************************

killer's pov

napangiti ako ng makita ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa pagkakasaksak ko. halos maghalo na ang sipona at luha niya. nakita kong may lumalabas na din na dugo mula sa bibig niya.

binunot ko ulit ang kutsilyo at itinapat sa mukha niya. madiin ko itong pinadaan sa kaliwang pisngi niya.

pinilit niyang sumigaw dahil sa sakit pero ungol lang ang lumabas sa bibig niya. ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. dahil sa takot dahil sa sakit.

nakaramdam ako ng kakaibang saya mula sa nakikita ko.

akmang hihiwain ko na ang kabila niyang pisngi ng biglang may kumatok.

"nina baby are you still up?" boses ng isang babae.

psycho on the looseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon