ep 2: killing starts

18 0 0
                                    

Michael's pov

"kasalukuyan ngayong inilalabas ng mga pulis ang bangkay na natagpuan sa mismong bahay ng biktima. Natagpuan ang biktima kanina alas 5 ng umaga ng gisingin ito ng kasambahay. Tadtad ito ng saksak sa iba'ibang bahagi ng katawan. Nasa unang taon sa kolehiyo ang biktima sa **** school. Ang ibang detalye mamaya."

Napailing ako sa napanood ko. Ang aga aga masamang balita agad ang bubungad.

"naku, laganap na talaga ang krimen ngayon." si papa habang napapailing sa tabi ko.

"oo nga, kaya nag aalala ako kay jeanie. Madalas wala ang daddy niya. Mga kasambahay lang ang kasama." si mama.

"tama ka." papa

"ano kaya kung dito natin patirahin si jeanie?" suhestiyon ni mama.

"ma?! Ano ba?" ako

"ganun din naman yun michael, magkasintahan na kayo dun din ang punta niyo sa huli ang magpakasal. At tsaka para din yun kay jeanie, mabuti na nandito siya at least madami siyang kasama." si mama.

"oo nga naman michael, kakatawag lang kasi ni uncle eddie mo kagabi ang sabi matatagalan siya dun sa singapore. Ibinilin niya satin si jeanie." si papa.

"bahala kayo." sagot ko na napapailing. Ayaw ko din naman na mapahamak si jeanie pero mukha kasing ang pangit tingnan na dito na siya titira gayung hindi pa kami kasal. Iniisip ko din ang sasabihin ng iba kay jeanie.

"sige aalis na ko." paalam ko. Dinaanan ko na din si jeanie sa bahay nila. Magkapitbahay lang kasi kami at matalik na magkaibigan ang parents namin. Pero lumaking walang ina si jeanie dahil namatay ang mommy nito noong pinanganak siya.

"good morning honey." bati niya pagkasakay niya ng sasakyan. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at nag drive na.

**************************

Jeanie pov

"naku nabalitaan niyo ba yung college student na pinatay kagabi?" si jon jon

Kasalukuyan kaming naglulunch kaya nakakapag kwentuhan kami.

"oo napanood ko yun kanina. Ang gross tadtad daw ng saksak yung babae." si nina.

"at ang balita kasambahay lang yung kasama niya sa bahay.! Si leo.

"naku jeanie, di ba kasambahay lang din ang kasama mo sa bahay?" nag aalalang tanong ni vicki.

"hoy! Huwag niyo nga akong takutin ng ganyan." natatakot na sabi ko.

"guys isolated case lang yun ng robbery, siguro nahuli siya nung college student kaya niya pinatay." sagot ni audrey habang abala sa pagtetext.

"at tsaka huwag niyong takutin si jeanie, kasi kawawa naman siya." si terrence.

Sa totoo lang kinabahan din ako sa sinabi ni leo dahil madalas nga na kasambahay lang ang kasama ko sa bahay. Si daddy kasi masyadong busy sa trabaho. Pero hindi ko magawang magalit kasi kung ibang daddy siya, malamang pinilit niya akong mag take over ng kompanya. Pero hindi niya ginawa yun. Hinayaan niya lang ako na kumuha ng kursong gusto ko.

"your mother is calling you."

(ringtone ng cellphone ko)

Dali dali kong sinagot ng makita kong mama ni michael ang tumatawag.

"tita napatawag po kayo?"

"jeanie anak, may good news ako sayo."

"ano po yun.?"

"sa bahay ka na titira, nakausap ko na ang daddy mo at payag naman siya kasi matatagalan pa siya sa singapore."

"pero tita bakit naman po sa inyo eh magkatabi lang naman po tayo ng bahay eh."

"ah basta, mamaya na tayo mag usap.tumawag lang ako para ipaalam sayo na kukunin ko na yung mga gamit mo.ba bye."

"tita? Tita!"

Napasimangot ako dahil pinatayan ako ng cellphone.

"oh jeanie? Ano yun?" usisa ni terrence.

"ha? Ah wala. ." sagot ko at tinuloy na lang ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay balik na naman sa klase.

*******************************

Third person pov

Nang makita niya ang taong kanyang inaabangan ay agad niyang inihulog ang mga libro. Agad naman siyang tinulungan nito.

"salamat ha?" sabi niya sabay ngiti ng matamis.

"ok lang, bakit kasi pumasok ka pa kahit may bali pa yung kamay mo, tingnan mo tuloy." sagit ng dalaga.

"kailangan eh, thank you talaga. Gusto mo hatid na kita sa inyo." alok niya.

"ha?naku huwag na. Nakakahiya."

"ok lang yun noh, tinulungan mo naman ako eh." at parang nananadya na biglang bumuhos ang ulan.

"naku halika ka na." yaya niya at pinasakay ang babae.

Pagkasakay ay agad niyang pinaalis ang sasakyan. Nagulat ang katabi niya ng gamitin niya ang kanang kamay niya na naka sling pa.

"t-teka di ba bali yang kamay mo? "

Ngumiti lang siya at agad na inihampas ang ulo ng biktima sa dashboard at pinaharurot ang sasakyan.

Pagdating sa lugar na iyon ay agad niyang itinali ang babae. Binusalan din niya ang bibig upang hindi ito makasigaw. Umupo lang siya sa tabi nito hanggang sa magising ito. Nginitian niya lang ito ng matamis.

Tahimik itong umiyak pero bale wala iyon sa kanya. Inilabas niya ang kutsilyo at hiniwa ang pisngi niya. Kitang kita niya ang takot at sakit sa mukha ng babae pero balewala iyon sa kanya. Sinunod niyang hiwain ang mga braso nito. Pagkatapos ay pinagsasaksak niya ito. Hindi na niya napansin kung saan niya ito nasaksak. Ang gusto niya lang ay mamatay ito. Nang tumigil siya sa pag saksak ay tsaka niya napagmasdan ang mukha nito. May malaki itong butas sa pisngi, braso , tiyan. Nang masiyahan na siya sa itsura nito agad niyang tinanggal ang tali, at umalis na sa lugar na yon.

psycho on the looseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon