U & I : We met

198 6 2
                                    

2014
Hi. Ako si Faith. I'm a half Japanese and a half Filipino. Tumira ako sa Japan sa loob ng 13 years. Mapayapa kaming namumuhay sa loob ng mga taon iyon ngunit may isang pangyayari na sumira sa pamumuhay namin doon. Ito yung pangyayari na hinding hindi ko makakalimutan at ang dahilan kung bakit sa Pilipinas na ako titira.

Nakalipas na ang tatlong buwan at nakatira na ako sa Pilipinas sa probinsya ng Bulacan kasama ang aking tita. Nag-aral akong magtagalog. Napakahirap lalo na't matagal akong nanirahan sa Japan at hindi man lang ako nakapuntang Pilipinas at dito magaral.

June 2015
June na... Pasukan na... Bago pa mag june na master ko ng magsalita ng tagalog -.- kaya sa sobrang saya ko, ayan.. Magaaral ulit ako... Grade 8 nako at inenroll ako ng aking tita sa GSS... Atttt.... Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non... Hehe.. Sorry na -.-.

July 2015
Nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Isa rin ako sa mga achiever ng buong grade 8. Nung First day of school halos lahat sila nakatingin sakin... Naisip ko na natural lang kasi Mukha akong Japanese. At alam mo kung anong sinabi nila nung una nila akong kinausap? Tinanong nila ako kung naghahapon ba daw ako,Naiintindihan ko ba daw sila, Nagtatagalog ba daw ba ako, may lahing hapon ba daw ako... -_- para akong artista :3. Sinagot ko nalang sila ng tagalog at natawa na lang sila... Haysstt... Dibali na. Nalaman ko na rin kung ano ang ibig sabihin ng GSS "Grace of Shekinah School" pala.

August 2015
Inexcuse ng adviser namin yung president... At nagtaka kami kung bakit kasi ineexcuse lang ng adviser namin yung president kapag recess or lunch... Nung bumalik na yung president namin, tinanong ng mga kaklase ko kung ano yung sinabi sa kanya ni maam.. Sabi niya may transferee daw na magaaral dito.. Di niya daw alam kung lalaki o babae at galing pa daw ito ng ibang bansa. Sempre yung iba na curious at yung iba naexcite -_-.

Kinabukasan...
Maagang pumasok yung adviser namin sa room at may pinakilala... May pumasok naman na lalaking nakayuko... Napaisip na akong yun yung transferee... Humarap siya samin at nagpakilala. "Hello Classmates, my name is Luke Gregor, I'm 13 years old and i live in Korea. Nice to meet you all, please take care of me". Nung pagpasok at nung unang pagsalita pa lang niya andami ng kinilig at nagpacute sa kanya. Oo, pogi siya, maputi, may pagkasingket at maganda ang ngiti. Pero napansin ko yung pangalan niya hindi pang koreano. -_- English eh.. Hahaha.. ;)...

Recess--
Naglalakad ako sa hallway nang makita ko siya na kumakain mag isa sa isang gilid. Nilapitan ko siya at nagpakilala ako... Bago ko pa man sabihin yung pangalan ko, naunahan na niya akong sabihin ito... Nagulat ako.. Dahil sa sobrang gulat ko tumawa nalang siya at sinabi "hahahaha.. Nakita ko sa ID mo". Tumawa na rin ako at tinago ang ID ko. Di ko makalimutan yung pangyayari na iyon.

Nakalipas ang 2 linggo at mas lalo pa kaming naging close sa isat isa. Kasabay ko siya pagrecess,lunch at uwian.. Palagi kaming naguusap at magkasama. Di na rin maiwasan yung mga babaeng nagseselos dahil parati kaming magkasama pero lagi niyang sinasabi sakin na hayaan ko lang daw sila. Nagsasabihan na din kami ng mga sikreto.

October 2015
Di pa kami masyadong tumatagal naramdaman na namin na magbestfriend na kami... Sa pagkakataong iyon. Niyaya niya akong gumala. Kami lang dalawa. Sempre papayag ako. Sinabi niya na susunduin niya daw ako sa bahay sa sabado ng hapon.

Sabado--
Kakagising ko lang. Yung oras na yun dun ko palang sinabi sa tita ko na may darating na bisita. Nung marinig niya iyon, bigla niya akong sinabihan na maglinis na ako ng bahay pagkatapos ay maligo at magpaganda. Hahahaha... Tinanong niya rin ako kung lalake ba o babae. Sabi ko lalake tas bigla na lang siya ngumiti. Anyway... Tapos na rin ako maglinis,maligo at magpaganda kagaya ng sinabi ng tita ko na dapat kong gawin.
Pumunta ako sa kusina at nakita ko yung tita ko na naghahanda ng pagkain. Tinanong ko siya " Auntie,anong hinahanda mo?".
"Sushi, para sa inyong dalawa, ipakain mo sa kanya ang masarap na sushi box na ginawa ko ha! Wag mong itatago. Kainin niyo!" Sabi ni tita. May biglang nagdoorbell... Mukhang si Luke na ito. Tiningnan ko sa bintana at siya nga.. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinapasok. Pinakilala ko muna siya sa tita ko bago kami umalis. Sinakay niya ako sa sasakyan nila, hindi si luke yung driver. Meron silang driver talaga. Masyado pa kasing bata si luke para magkaroon ng lisensya at magdrive. Kitang kita naman natin na mayaman sila. -_-
Pumunta kaming Circle sa quezon city. Dun kami gumala ni luke. Pagkatapos ng pagbabike namin,paglalakad, at paglalaro. Kumain na kami... Umupo kami sa isang bench na may table doon kami kumain. Pinakita ko sa kanya yung sushi box na ginawa ng tita ko para samin, at aba! Di ko rin akalain na may dala rin siyang pagkain "Songpyeon,Rice Cake" daw ang tawag sa pagkaing dinala niya... Natawa kami dahil nagdala ako ng japanese food at korean food naman yung sa kanya. Pagkatapos naming kumain. Naglakad lakad muna kami bago kami umalis. Ito na yung pagkakataong nagsabihan na kami ng mga di makalimutan at mahahalaga naming sikreto.
Luke: "Faith..."
Faith: " o?"
Luke: "Pano ka nga pala napadpad dito sa Pilipinas?"
Faith: "ako?... Umm... Christmas eve... Kumakain kami nang biglang may sumisira sa pinto namin na nagdadabog. Takot na takot ako nun at biglang hinawakan ako ng mommy ko at tinago ako sa basement namin. Sinabi niya sakin na huwag akong aalis sa lugar na ito at huwag gagawa ng ingay. Iniwan niya ako at nakarinig na lang ako ng putok ng barel at sigaw. Isang sigaw na mas lalong nagbigay sakin ng takot. Sigaw ng aking inang pinatay.. Pinatay ang pamilya ko... Kahit isang patak ng luha walang lumabas sa aking mga mata, simula noong mangyari iyon. Kaya sinundo ako ng tita ko at pinatira ako dito sa pilipinas kung saan ako ligtas.
Luke: "Mabuti naman at ayos ka lang. Sigurado akong nasa itaas na yung pamilya mo lalong lalo na ang mommy mo, binabantayan ka. Hayaan mo, dito lang ako sa tabi mo, iingatan at poprotektahan kita."
Faith: "Thank you Luke".

~~~~
 

U & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon