November 2015
Walang pasok ngayon kasi undas daw sabi nila... Di ko alam yun pero di ko na pinakielaman.Kinabukasan...
Sa school, nag announce yung teacher ng Field Trip at sempre na excite lahat. Sa November 28 yung FieldTrip pero haharap muna kami sa mga exams namin. Kaya nanghihina yung iba. Hahaha.. Anyway... Nung uwian, pumunta kami ng Mcdo ni Luke. First time kong kumain sa Mcdo dito sa Pilipinas kaya medyo naexcite ako... Mas naexcite pa ako nung nilibre niya ako.. Hahahaha. Pagkatapos pumunta pa kaming amusemement park at naglakad lakad kami. Sa pagkakataong iyon nagtanong ako sa kanya.
Faith: "Luke..."
Luke: "Yes?"
Faith: "ikaw ba? Pano ka napunta dito sa Pilipinas?" :/
Luke: "Ang totoo kasi niyan... Di naman talaga ako koreano eh...
Faith: "huh?"
Luke: (sign)
Faith: (napatingin sa itaas)
"Ang ganda ng langit noh :)"
Luke: (ngumiti at napatingin na rin sa itaas)
"Oo nga :) "Sa pagkakataong yun... Paluha na siya kaya iniba ko muna yung atmosphere.. Hehe.. Mukhang di pa siya handang sabihin yung kwento niya sakin.. Kaya... Hahayaan ko muna siya :)
Novemeber 27 2015
Tapos na rin ang exam... Hayyyy... Nakaraos narin ako -.- . Bukas na yung Fieldtrip kaya niyaya ako nila Aya, Migs, Bea at Mel na magwalter. Ahh sila? Sila yung mga babae kong kaibigan :)
Habang nasa walter kami, nakasalubong namin sila Luke, Brent at Jv. Bibili rin daw sila ng mga baon at kakain na rin. Kaya nagsama sama na kaming lahat. Sumabay na kaming kumain sa kanila. Marami kaming pinagusapan. Pumunta pa kaming arcade saka umalis.Field Trip
Bus no. 8 kami... Maaga akong nagising,naghanda at nagayos... Tinext ako ni Luke na aabangan niya daw ako sa labas ng bus.
Nakita ko siya at sabay na kaming pumasok sa bus. Tinabi niya ako sa kanya kaya halos lahat ng mga babae tiningnan kami... Sinubukan kang umalis pero hinawakan niya yung kamay ko at sinabi "Dito ka lang." Natauhan ako sa sinabi niya... Kaya nagstay lang ako sa tabi niya.Stop over namin sa MOA. Wala pang katao tao kaya sinulit nanaming magkakaibigan. Kumain kami sa Jollibee,nagpicture,naglakadlakad at nakasalubong ulit namin sila luke. Niyaya kaming Magskate.. Dahil first time ko palang magskate sempre todo payag ako. Hahaha... Kinakabahan ako na naeexcite... Nakahawak lang ako sa gilid.. Nang may humawak sa mga kamay ko at inalis ang mga paa ko sa pwesto kung saan lang nakastuck at nanghihina yung mga paa ko... Si luke pala yun... Nakangiti siya at magkaharap kami sa isa't isa. Tumibok yung puso ko nung pagkakataong iyon... Hindi ko alam yung nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong tawag sa pakiramdam na ito...
Tinulungan niya akong magskate hanggang sa matuto ako. Sinabihan pa nga niya akong "Fast learner" hahahaha.. Kahit naka ilang bagsak na ako... Naramdaman ko parin yung saya habang kasama ko siya..
Marami pa kaming pinuntahan na magkasama. Binilhan pa niya ako ng souvenir.hehe...
Nung papauwi na kami,maraming nakatulog dahil sa sobrang pagod. Isa na rin si luke. Habang natutulog yung karamihan, nagulat na lang ako at bumilis yung tibok ng puso ko nung bumagsak yung ulo ni luke sa balikat ko. Napakabilis ng tibok... Bigla akong nainitan at pinagpawisan. Sinubukan kong alisin yung ulo niya sa balikat ko nang maingat.
Hayy... Grabe talaga yung naramdaman ko kanina.. -.- .. Para akong niluluto.December 2015
Foundation Day na namin... Ngayon lang ako nakaexperience ng mga booth kaya sinulit ko na. Lalo na yung horror booth. Hahaha... Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko biglang may humatak sakin,tinakpan ang mga mata ko at hinila ako ng maingat... Nagulat ako at hindi ako makapagsalita... Sumunod na lang ako. Pinaupo ako at may humawak sa mga kamay ko ng mahigpit. Nanginig ako at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Tinanggal na yung panyo na nakatakip sakin at nakita ko si luke na nakatakip din yung kanyang mga mata... Natulala ako at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil hindi ko na kinaya yung lakas, tumakbo ako at pumunta sa Restroom.
Naghilamos ako at huminga ng malalim... Saka ako lumabas.December 16 2015
Exam nanaman... At malapit na rin ang Birthday ko. Walang nakakaalam kung kailan ang birthday ko maliban sa Tita ko. Wala rin akong sinabihan kung kailan ito. Pagkatapos nung foundation nagsorry kami sa isa't isa ni luke dahil sa mga nangyari. Ayos na rin ako dun. Lumalabas parin kami at kumakain.December 17 2015
Tapos na rin ang exam... :) inaya ulit ako ni Luke na lumabas pero sa iba naman daw... Dinala niya ako sa tabi ng kainan malapit sa school namin. Sabi niya sakin maghintay daw ako.. At nang makabalik siya may dala siyang parang uod na....ewan..
Sabi ko "Ano yan?"
"Ang tawag dito isaw, tikman mo, masarap." Sabi niya.(Tinikman ko)
Kakaiba yung lasa, ngayon lang ako nakatikim ng ganung pagkain. Sabi niya rin sakin Street food daw ang tawag sa kinain namin. Namangha ako dahil marami siyang alam dito sa pilipinas kahit galing siya sa ibang bansa.
December 18 2015
Christmas Party namin ngayon.
Marami kaming ginawa. Nagpicture, naglaro, kumain at nagexhange gift. Bago ako umuwi, may humawak ulit sa mga kamay ko at hinatak ako papalayo... Hindi na lang ako umimik at sumunod na lang sa humahatak ng kamay ko. Tumakbo at sumakay kami sa jeep. Hanggang sa huminto siya at binitiwan ang mga kamay ko. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nasa circle kami. Lahat ng ilaw nakapatay na tila sarado yung park.Bigla siyang nagsalita...
???: Hindi ako koreano, nung maliit pa lamang ako sa pilipinas na ako nakatira. Pero pinatay yung mga magulang ko. Only child lang ako. Iyak ako nang iyak... Hanggang inampon ako ng isang koreano. Simula noon tumira na ako sa korea. Pero napagisipan kong gusto kong magaaral muna at manirahan sa pilipinas. Humiling ako sa Step daddy ko na magbakasyon saglit sa pilipinas. Nagbakasyon lang talaga ako dito sa pilipinas... Pero nagbago lahat ng iyon simula nung makita ko ang isang babaeng Hapon na naglalakad na tila may hawak na libro at binabasa ito. Nabighani ako sa babaeng iyon at sinundan ko pa siya. Yun din ang unang pagkakataong nakita ko siyang umiyak sa isang hardin sa damuhan kung saan siya ay nakaupo. Balak ko siyang lapitan.. Pero...bigla...bigla siyang....Tbc.
BINABASA MO ANG
U & I
RomanceIto ay isang simpleng storya na magbibigay ng kaibig-ibig na damdamin sa lahat ng mga mambabasa. Isang storya ng isang babaeng Hapon na namatayan ng pamilya at napilitang tumira kasama ang kaniyang tita sa Pilipinas. Na kung saan, nakilala niya ang...