Con.
"Bigla siyang nagsalita... Masakit... sinabi niya na masakit, ang sakit , paulit-ulit niyang sinasabi habang umiiyak siya. Kaya umalis na lang ako at nag iwan ng panyo sa may likuran niya. Simula noon humiling ulit ako sa daddy ko na sa pilipinas nako mag-aral, nung una di niya ako pinayagan pero pinilit ko siya nang pinilit hanggang pinayagan na niya ako pumunta sa pilipinas. Sa sobrang saya ko nakita ko ulit yung babaeng hapon. Mukhang marami siyang kaibigan, sinundan ko ulit siya hanggang sa makauwi siya sa bahay niya at narinig ko rin ang isang babae na sinabi ang pangalan niya na "Faith", Faith ang pangalan niya."Faith: "Luke..."
Biglang lumiwanag yung paligid, nagkaroon ng fireworks at biglang humarap sakin si luke at niyakap ako...
Luke: "Happy Birthday Faith"
Yung 3 words at 18 letters na sinabi niya saakin... Ang siyang nagpaluha sakin ng sobra at nagpasaya sakin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero niyakap ko na lang siya ng mahigpit at nagpasalamat ng sobra.
Ako pala yung dahilan kung bakit siya nandito. Yun ang pinakamagandang birthday na nangyari sakin. At hinding hindi ko makakalimutan yung pangyayari na iyon. :)
March 2015
Magbabakasyon na. 1 week bago ang bakasyon nagyaya yung isa naming kaklase ng swimming. Yung iba di pinayagan. Pero marami pa ring sumama.Bakasyon na, ito rin yung araw ng swimming. Nagenjoy ako ng sobra... Day and night kami dun kaya nagenjoy talaga lahat. Habang naglalakad ako sa garden ng resort, inisip ko na rin yung nararamdaman ko palagi pagkaharap ko si luke. Yung bilis ng tibok ng puso ko, yung init nararamdaman ko. Habang nagiisip ako, biglang dumating si mel. At tinanong ako kung anong iniisip ko.
Faith: "Mel... Ano ba yung tawag sa pakiramdam na ang bilis ng tibok ng puso mo at bigla kang maiinitan at hindi ka na makahinga pag may kaharap kang isang tao?"
Mel: "hala! Faith! Baka heart attack na mangyari sayo!"
Faith: "ayy grabe... Ganun ba yun?"
Mel: "hahhaaha.. Sempre hindi!...
Alam mo faith "pag-ibig" ang tawag jan sa nararamdaman mo"Faith: "pagibig?"
Mel: "oo, ibig sabihin may nagugustuhan ka ng isang tao, hindi lang basta tao, lalake, faith."
It means...may gusto ako kay luke!!!! :O
Nang makauwi ako sa bahay... Iniisip ko parin yung sinabi ni mel. Para akong nababaliw na kinikilig. Omay!! I don't know what to do. It feels.. Ummm.. Hayyyy.
June 2016
Grade 9 na ako. Hahahaha...
Kasection ko parin sila mel. Pati si Luke....
Magkakasama kaming magkakaibigan hanggang uwian. Si jv naman may nalalaman pang new school year celebration. Hahaha... Kumain kami ng isaw,barbeque, tenga ng baboy etc. Hahaha... Habang magkakasama kami, pumasok nanaman sa isip ko yung feelings ko para kay luke... Di ko alam kung may feelings rin siya saakin. Hanggang hinila ako ni mel at sabi niya sabay daw kaming umuwi. Nagpaalam pa nga siya kay Luke eh. -_-Habang kasama ko si mel sinabi niya sakin na susuportahan niya daw ako sa nararamdaman ko kay luke. -.- gulat na gulat ako. Di ako makatanggi at parang natulala.
Mel: "Wag kang mag-alala faith, sumunod ka lang sa nararamdaman mo. May pag-asa ka."
Sa mga sinabi niyang yun napaisip ulit ako... Lalo na sa sinabi niyang "May pag-asa ka."
Saan? Di ko talaga gets -_-January 2017
Maraming buwan na ang lumipas. 2017 na nga ngayon..
Magkakasama parin kaming magkakaibigan at wala talagang iwanan saamin. Niyaya parin ako ni luke kumain nang kami lang dalawa pero sa iba naman. Nakakagulat at sa Shakeys na kami kumakain. Hahahhaa.. Yayamanin talaga. Hahhaaha.. Oo, dati mayaman din kami pero nawala lahat ng kayamanan namin simula nang mawala ang pamilya ko.February 2015
Nagannounce yung teacher namin na parating na ang JS Prom. Nakakatuwa kasi mararanasan ko ng magprom.Sigurado na rin ako na marami ng maghahanap ng partner nila para sa js.
Kinabukasan...
4 days before prom. Nakakagulat din na maraming nagtatanong kung pwede ba nila akong maging partner... Pero tinaggihan ko silang lahat.2 days before prom. Hinihintay kong tanungin ako ni luke. Malapit na pero sinusubukan ko paring maghintay sa kanya.
1 day before prom. Ang tagal... Di niya parin ako tinatanong. Mukhang meron na siyang ibang partner.
Pumunta ako sa library at nagbasa. Habang nagbabasa ako, pagkabuklat ko may nakita akong isang papel. Nagulat ako nang makita ko yung nakasulat sa papel na iyon. "Will you be my date?" . gulat na gulat. At biglang nagsalita si Luke sa likuran ko at sinabi "Faith, pwede ba kitang magingdate sa prom".
Sa sinabi niyang yun.. Namula ako at pumayag ako ng todo. Hindi ko akalain na gagawin niya yun. Oo, date ko na siya sa prom. :D. Partner ko ang kaisa-isa kong bestfriend na si Luke.
Prom Night
I'm so happy na kasama ko siya hanggang JS prom. :DAt yung first dance ko, ay nangyari pa sa bestfriend ko, sa gusto kong lalake. Hindi matanggal sa mukha ko ang saya at ang matamis kong ngiti. Para akong lumilipad. Sinabihan pa niya akong, "Maganda ka Faith, Araw-araw". Siya yung first and last dance ko. Hinding hindi ko makakalimutan yung experience na toh.
BINABASA MO ANG
U & I
RomanceIto ay isang simpleng storya na magbibigay ng kaibig-ibig na damdamin sa lahat ng mga mambabasa. Isang storya ng isang babaeng Hapon na namatayan ng pamilya at napilitang tumira kasama ang kaniyang tita sa Pilipinas. Na kung saan, nakilala niya ang...