Chapter 1: Assuming

70 10 7
                                    

Faith's POV

Tutulog, gigising, kakain, maliligo, magbibihis, papasok, mag-aaral, tapos uuwi, tutulog, gigising, kakain, maliligo papasok at mag-aaral muli yan ang cycle ng buhay ko. Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko pang matulog o kaya kumain magdamag kaso hindi puwede lalo na kung merong expectation sayo ang mga magulang mo.

Kayo guys kaya niyo bang magpatakbo ng isang malaking kompanya? Ako kasi hindi, di ko nga alam kung paano ko mapapatakbo yun isa pa di ko alam kung kakayanin ko ba ang ganung kalaking responsibilidad.

Sigurado akong malulugi yun kapag ako na ang nagpatakbo. Di ko din alam kung paano ako makikisama sa mga empleyado dun gayong wala akong karanasan sa pakikipag-usap dahil wala naman akong kaibigan man lang. Mabuti sana kung nung sanggol pa lang ako ay may nagtuturo na sakin kung paano maghandle ng ganung business pero imposible namang mangyari yun.

Ako nga pala si Faith Han 16 years old, 4th year highschool sa Ammeritan Academy isang international school na pagmamayari ng isang British-American. I'am a spoiled brat lahat ng gusto ko nakukuha ko like new gadgets and other material things. But then I realize that these things can't satisfy me because what I really need is friends that I can be with. My families are always there for me masaya ako pagnandiyan sila pero siyempre di ko din naman maiwasang maghangad na magkaroon ako ng kaibigan.

We all live with different dreams and goals in life and I think my wildest dream is to be notice by someone and I will include that as my goal also. Tsaka nga pala nung elementary sa USA ako nag-aral kaya wala din akong mga naging kaibigan doon. So enough with this boring story telling and let's start the adventure!

"Manong tara na po" pagtawag ko dun sa driver namin na relax na relax sa pagkakaupo.

"Si Sir Alex po ba hindi sasabay?" Si Alex yung kuya ko next time ko na siya ipapakilala sa inyo pero bilang teaser I just want you to know na hot ang kuya ko kaya ihanda niyo na ang mga balde niyo dahil sigurado akong magtutuluan ang laway niyo pagnakita niyo si kuya hahaha.

"Pabayaan mo na yun manong may motor naman siya" lumabas na ako ng gate namin na mas mataas pa sa first floor ng bahay namin. Over protective parent's namin eh kaya ayan nagpatayo ng ganang kataas na gate para daw safe kami palagi. Every weekend lang kasi sila umuuwi dito sa bahay gawa nung business kaya kaming dalwa lang lagi ni kuya ang nandito. Wala si kuyang hilig sa pakikipagsocialize kaya ako ang napili nilang magpatakbo nung kompanya, ayaw niya din ng responsibilities at commitments kaya never pa siyang nagkagirlfriend.

"Ma'am saan po kayo pupunta?" tanong ni manong

"Sa labas po manong sasakay sa kotse" si manong talaga makakalimutin.

"Eh ma'am nandito po yung kotse sa loob" Oh anong gagawin ko kung nasa loob yung kotse? Gusto niya bang ako pa ang maglabas? Bumalik ako dun sa loob at hinarap si manong.

"Ganito po manong ibigay niyo po sakin yung susi ng kotse ako na po ang maglalabas tapos kayo po lumabas na po kayo ng gate dun niyo na lang po hintayin yung kotse nakakahiya po kasi sa inyo baka mapagod kayo" kaasar si manong paiinitin kagad ulo ko.

"Sige po ma'am" tuwang-tuwa na inabot sakin ni manong yung susi tapos dumiretso dun sa labas at pumwesto kung saan ako nakatayo kanina. Loko toh ah sinunod nga yung sinabi ko.

"Manong! Di ako nakikipagbiruan sayi ha! Kuhain mo po itong susi sakin at ilabas mo na yung kotse dahil pagnalate ako ay tatamadin na akong pumasok!" sigaw ko kay manong di naman ako galit inis lang ang masunurin kasi ni manong.

"Sorry po ma'am akala ko po kasi totoo yung sinabi niyo kanina" paghingi ng paumanhin ni manong.

"Okay lang yun manong basta wag mo ng uulitin" inhale-exhale baka mamaya bigla pa akong hikain.

Inilabas na ni manong yung kotse kaya naglakad na din ako palabas kaso may biglang humatak sakin.

"Hoy panget! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang sisigaw pag may natutulog!" bulyaw ng hot kong kuya na kasalukuyang nakatopless. (A/N: abangan niyo na lang yung formal introduction ng kuya niya hahayaan ko muna kayong maglaway xDD)

"Magdamit ka nga kuya akala mo kung sino kang gwapo" binitawan niya na yung pagkakahawak sakin at bumalik na sa loob sabay taklab nung pinto. Highblood nanaman si kuya hay nako! (Onyok's Style [Ang Probinsiyano]hahaha! Naisingit pa eh)

"Ma'am tara na po malelate na po kayo" pagtawag sakin ni manong.

Dali-dali akong lumabas at samakay na sa kotse. Mga 15 minutes din ang travel time mula sa bahay namin hanggang sa school kaya nakarating naman ako kagad. Pinauwi ko na si manong at sinabi sa kanyang sunduin na lang ako mamayang 5PM.

Nagsimula na akong maglakad sa hallway, dahan-dahan lang akong lumalakad baka sakaling may pumansin sakin. Tapos medyo binabangga ko din yung iba kong makakasalubong nagbabakasakali kasi akong mapansin nila. Yan ang adventure ko araw-araw ang magpapansin sa pasimpleng paraan pero wala pa ding magandang result.

Bokya nanaman ako kaya naglakad na lang ako ng matiwasay kaysa naman umasang mapapansin ako ng mga makakasalubong ko. Mas mabuti pang tapatin niyo na lang ako at sabihin sakin ng harap-harapan na ayaw niyo sakin kaysa naman umasa pa ako ang sakit kaya.

Dahil wala akong makausap habang naglalakad sa hallway ay iniikot ko na lang ang mata ko sa paligid ng may mahagip ang mata ko na isang nilalang na nakatingin sakin at nakangiti. OMG sa wakas may nakapansin na sa akin finally! Unti-unting naglakad yung lalake papunta sakin habang nakangiti kaya nginitian ko din siya. Kinawayan niya din ako kaya kumaway din ako Lord Thank You So Much po dahil may pumansin na sa akin.

Lumakad ako papalapit dun sa lalaki at akmang yayakapin siya ng may biglang umimik na babae sa likudan ko.

"Hi babe buti naman pumasok ka na" tapos yumakap yung babae dun sa lalake.

"Sorry babe promise babawi ako saya so tara na baka malate pa tayo" tapos nagbeso yung lalake dun sa babae at naglakad na sila paalis.

Ano ba yan akala ko sakin nakatingin yung lalake yun pala sa girlfriend niya babe kasi so understood na yun. Mas lalo tuloy akong nasaktan ang baliw ko kasi kaya Faith sa susunod wag kang masyadong assuming!

Itutuloy...

Author's Note
Walang taong perpekto kaya pagpasensiyahan niyo na po pag may typo at wrong grammar. Enjoy guys! ^_^
Dedicated po pala ito kay dreamerdork

The Girl They Never Notice (#Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon