Chapter 22

205 5 1
                                    

Sa isang napakalaking puno sa gitna ng kagubatan na nababalot ng puting usok nakaupo si Cyrie. Umiiyak ang nakapikit na mata. Madiin niyang itinatakip ang mga kamay sa kanyang magkabilang tainga. Nanginginig at nababalot ng takot.

"Ayoko na..... *sob* Ayoko na..... Bakit ko pa kaipangang....maalala??.... Pakiusap *sob* .... Tama na! Tama na!!" Pasigaw niyang sinabi. Puno ng takot at galit....

"Cyrie.... Cyrie....." Maya-maya pa ay may isang boses ang tumawag sa kanya.

Unti-unting iminulat ni Cyrie ang kanyang mga mata. Nakita niya ang isang napakandang babae.

"L-Lyrica?!" Gulat niyang itinanong.

"Cyrie.... Ito na ang oras para magising ka..... Cyrie...... Halikana....mahal kong anak, Eyric"

Ang maamo at napakagandang mukha ng dyosang si Lyrica ay nagbago. Lumaki at lumuwa ng kaunti ang mga mata niyang ngayon ay nanlilisik. Lumaki ang bunganga at napuno iyon ng matutulis na ngipin.

"Ayoko! Ayoko na!! Tumigil kana!!!-"

◼◻◼◻◼◻◼◻◼◻◼
Alex POV

"Sugooood!!!"

Tsk....

Pinapanood ko ang mga miyembro ng Zero's Code at ang Sonic sa pakikipaglaban nila sa mga shadow na lumalabas sa bungang ng bulkan na dating bundok. Napuni ng maitim na ulap ang kalangitan. Dahil sa gabi ngayon ay mas lalong dumilim. Nakatali ako sa kahoy ng krus na nakalutang sa ibabaw ng tuktok ng bulkan.

Wapang kwenta ang pakikipagpalan... Si Steinel, Cyrie at Lyrica lang ang may kapangyarihang baguhin ang kapalaran namin ngayon...

Nakakatawa... Sobrang nakakatawa.... Hindi ko inakala na..... Ang landas na tinahak ko para makatakas mula sa kanila ay ang papatay sa akin.... Ang buhay nga naman, buhay padin kahit anong mangyari....

Eyric. Ang halimaw na halos sumira na sa buong Fantaria na sinasabing hinuli at ikinulong ni Lyrica. Kapag hindi ito napigilan... Mamatau kaming lahat..... Sana tama si Steinel.... Sana lang.

Flash Back

"At kapag nangyari iyon, maari na kaming lumaya.... "

"Huh? Anong ibig mong sabihin??" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mata. At ngiti... Biglang umamo ang mukha ni Steinel....

"Kami.... Ako at ang kapatid kong si Leo. Nasa loob kami ng iisang katawan..... Tutal, may oras pa ikukwento ko ang mga nakaraan. Sa panahon bago magawa ang Fantasy Realm.

Anime High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon