Chapter 8: Mission in Anime World Pt. 2

527 21 1
                                    

Cyrie POV

Underground Library?? Saan ko naman yun hahanapin? Hay... Malakas parin ang ulan. Medyo malaki naman 'tong waiting shed kaya hindi ako nababasa.

*Shine*

May biglang lumiwanag sa harapan ko at napapikit ako. Tapos bigla itong humina kaya iminulat ko ang mata ko.

"Huh?"

Teka... ano yun?? Para siyang bola na lumiliwanag, sinundan ko yun at......

*kidlat*

"?!"

Huh? Nasaan ako? Napunta ako sa ibang lugar. Nasa loob ba ako ng school?? Nilibot ko ang paningin ko, ibang school ito. "Cyrie Rivena... Pumunta ka sa likod ng school building na malapit dito doon mo makikita ang hinahanap mo..."

Bigla kong naalala yung sinabi nung lalaki. Sa likod ng building na 'to, makikita ko ang hinahanap ko. Naulan parin ng malakas. Sinumulan ko nang bumaba, nasa ika-limang floor ako ng school building.

"Mama.... *snif* mama....." boses ito ng isang batang umiiyak.

"May tao ba dyan??" sabi ko at napatigil sa pagbaba.

"Hahahaha!!"

Umiiyak, natawa, ano ba talaga?

"Uf!"

May biglang tumabig sa akin pababa ng hagdan. Hindi ko alam kung ano ito o sino, naririnig ko ang yabag nito papalayo sa akin kaya sinundan ko.

"Uy! Teka!"

Sinundan ko lang siya. Hanggang sa nakarating ako sa likod ng school building. Nasaan na yun?? Bigla siyang nawala.

*beep*

Biglang tumunog ulit yung relo ko.

[Cyrie! Cyrie! Ayos ka lang ba??]

Yung boses na yun...

[Michel? Papaanong-]

[Cyrie, nasa loob ka ng mismong anime world!! Mag-ingat ka! Lahat ng may kinalaman sa anime nanyayari dyan!! Na- panga- a-]

[Helo? Michel hindi kita maintindihan!]

[Ma- I- k-]

*beep*

Ano ba talaga ang nanyayari??

"??!!"

Mix POV

"Oh! Kelan ba tayo eeksena?"

"Wag kang atat, malapit na...." sabi niya sabay walk out.

Alex... ang lalaking mahilig mag-walk out. Hay nako.....

* Suyasuya yume wo miteru * -- Last night good night by Miku Hatsume

Biglang tumunog yung cp ko. May tumatawag-si boss!

[Helo boss?]

[Kamusta na Mix! ^_^ Alam mo ang sarap talaga ng strawberry cake na 'to]

[Alam mo-]

[Grabe talaga, ang lagkit ng tingin sakin ng mga babae dito...=_=]

[Boss yan-]

[Alam mo ba? May nakita akong cute na panda na marunong mag kung fu!!]

[Boss!! Ano ba?!] grabe talaga ang leader namin di mo malaman kung may sayad ba o wala.

[Hahaha! Sorry napakwento ako-]

[BAKIT KA BA TUMAWAG??!]

[Huhu... T_T Hindi na ako mahal ni Mix!...]

[Okay! Okay! Mahal na mahal kita!! Bakit ka ba tumawag??]

[Yehey! Mahal ako ni Mix! (^_^)]

=_=

[Alam mo.. nagkamali tayo ng akala kay Sarus, hindi lang siya marunong magpagalaw ng mga manika, marami pa siyang pwedeng gawin. Marami na ang nagbago sa kanya nung huli natin siyang makalaban...]

Naging seryoso na ang boses niya. Malaking problema ang kakaharapin namin.

[Hmm.... ilan ba ang gusto mong anak??]

[Ha?] Nabigla ako sa tanong niya dahil malalim ang iniisip ko.

[(^_^) Ilan ang gusto mong maging anak natin?~]

[SHUT UP!!!] Baliw talaga ang leader namin!!!!!

??? POV

[SHUT UP!!!]

*beep*

Binabaan niya ako.....

"Huy!"

"Oh! Michael bakit ang bilis mo??"

"Syempre! Bagong buhay! Hindi na ako mala-late ngayon"

"Hahaha! Kailangan mo pa pala makalbo para tumino ka!"

*batok*

"Aray!"

"Manahimik ka nga! Dahil sayo nakalbo tuloy ako!!"

"*peace sign* Past is past (^_^)"

"=_="

Michael Naran, siya ang kapatid ni Mix. Ang kaso nabura sa alaala ni Mix ang kuya niya. Ang kapangyarihan niya ay ang gun magic. Isa siya sa 8 original na myembro ng Zero's Code. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili nila na maging leader, pero pumayag ako.

Lumakad na kami papunta sa meeting place. Ngayon ang pinaka goal namin ay ang protektahan ang Lyrica. Isa si Sarus sa mga miyembro ng Dark Illusion isa sa mga dark guild na ang layunin ay mapasakamay ang Lyrica. Para magawa iyon kailangan nila ang susi, at ang susi ay si Cyrie Rivena.

"Okay guys, eto ang plano...."

Sabi ko sa kanila at pinaliwanag kung anong gagawin. Pagkatapos non ay gumamit ako ng teleportation magic para makapunta kami sa kinaroroonan ni Cyrie.

END OF CHAPTER 8

Anime High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon