Chapter 1: General Conversation (7-8): "Have You Been to Spain"?

3 0 0
                                    

Haizzsst!!! Super excited na talaga ako sa shift ng new career ko. First day ko ngayon bilang isang certified online English teacher eh. Di naman po ko ganun ka-fluent mag-English, pero dahil super fan talaga ko ng mga KPop groups eh  eh ang beauty ko, handang maging die hard ESL teacher.

Maaga akong nakarating sa office at maayos naman akong na-orient kung anong siste sa unang araw ko ng pagtuturo. User friendly din naman ang tools nila na binubuo ng soft phone na may embedded dial pad, web cam, at syempre online books na rin na guide namin sa topics to discuss.

"I'm glad you arrived on time, Teresita; sabi ni TL Meng. Usually kasi pag first day medyo agitated pa mga first timers sa pagtuturo sa mga students namin eh. Anyways, here is your schedule for today. Look at this screen, see in the left hand corner is the list of all your students for today. No need to manually dial in the number, just "click to call", and call the students in their English name para di ka na rin mahirapan basahin ang pangalan nila, alright?"dagdag pa nya.

Noted po, TL.; sagot ko naman.

I ran through my schedule and list of students for the day. I checked on their names and even searched on Google what their names would mean. At syempre, super basa rin ang lola nyo ng mga articles about Korea para maka-rapport naman ako ng bonggang-bongga di ba?



Si Sakura Kobayashi ang first student ko. Fifth grader pa lang pero, ok na naman ang basic grammar nya. Medyo may konting issues lang sa "L and R", but over all, workable naman ang isang iyon dahil very passionate and highly disciplined naman na bata. Si Lee Min Shi naman ang next student ko, medyo advanced in years na dahil forty plus na pero cute at young looking pa rin naman. Ang kwento nga nya sobra eh, kahit halatang super struggle mag-English dahil nakakalimutan nyang gumamit ng linking verbs at articles at conjunctions. Nakakaaliw sya kasi super promote sya ng Ginseng at kung anu-anong herbs na effective for maintaining healthy body daw.

Pero ang huli kong istudyante ang talagang medyo turning point ko. Siya si Kim Boon Hyo. Spencer ang English name nya. Medyo tahimik at unfriendly.

"Hi Spencer, this is Tere. I'll be your teacher for today". What were you doing before I called you?", ang mega rapport attempt ko sa last student ko sa aking unang araw bilang ESL teacher.

"Hi Tere. Busy. I busy. Faster, faster. No no no small talking. I, not want to talk much" ; ang antipatikong sagot ng istudyante ko.

In fairness kahit andaming grammar lapses at nagmamaktol na itong si Spencer eh, napakacute pa rin nito. Kahit hindi ko na halos makita ang mga mata nito na nangliliit pa lalo sa inis ay di maitatangging handsome pa rin ito kahit ano pa kanyang gawin.

"Alright Spencer. This won't take too much of your time. Do you have your online book with you now?" ang pilit kong pag-eeffort na manatiling kalma at composed pa rin kahit medyo nakakaasar na rin talaga ang antipatikong Koreano na ito.

Now, our lesson for today is General Conversation 7-8: "Have you been to Spain", intro ko.

No, teacher... I not been to Spain! I here only Korea. No, no, been to other places! pag-aalma ni Spencer.

It's alright, Spencer. Korea is such a nice country after all. That must be something you're really proud of..., pagpapakalma kong sinabi sa kanya.

Nag-dialogue role playing kami sa lesson na yun. Syempre, ang topic? "Have you been to Spain" nga po! (Peace).

Me: Ok let's get started! Spencer, since you have with you your online book, we'll do a dialogue role play. I'll read sentence A's and please read all sentence B. Does it make sense?

Spencer: Yes, teacher.

Me: It seems perfect to go out of the country for a vacation.

Spencer: Oh rearry? (r-e-a-l-l-y)

Me: Yes, it's been quite some time when I went out to see the world farther from here.

Spencer: What do you have in mind then?

Me: "Have you been to Spain"?

Spencer: Teacher, why asking me? Korea my country. I not want Spain!

Me: Just a second... What happened Spencer? Why did you stop? We're in the middle of the conversation. You're supposed to read the lines, right?

Spencer: Teacher, I angry! I said I not been to Spain. I only stay Korea. I not want Spain. Why you so very can't understand?

At yun nga po ang kinahinatnan ng first session ko sa huling klase ko nung araw na yun! Kung sinuswerte ka nga naman, oh!!! Napakaayos ng mga nauna kong klase sa istudyante kong Haponesa at Koreana naman na si Lee Min Shi, kung bakit ba naman kasi napaka-antipatiko na nga eh, saksakan pa ng mokong nitong si Kim Boon Hyo? Ewan ko ba kung bakit parang may sanib ito? Every time kasi na maririnig nya ang salitang Spain eh parang nagtratransform ito na para bang si "Incredible Hulk eh".

"Alright, I think we don't have much time to cover the remaining exercises for this lesson, Spencer. So, I'll leave with you the next sentences and drills as your homework." So, til our next session. And don't forget to take Steps 3 and 4. (at syempre hang-up kagad).

"Naku!!! Ka-asar talaga to the nth power!!!"

Oh, Tere! Lumalaki na naman butas ng ilong mo ahh! Umuusok na naman yang tenga mo. Bakit ba?"

"Wala po TL. Bad trip lang talaga tong huli kong istudyante eh". Pwede bang ilipat nyo na lang to sa ibang teacher?, tanong ko Kay TL Meng.

"Oh bakit naman? Eh di ba ikaw nga tong excited mag-ESL dahil fanatic ka ng KPop? He he..", pang-aalaska pa nya.

"TL naman!!! Oo nga po sinabi ko na gusto ko talagang magturo sa foreigners lalo na sa mga Koreans. Pero, parang di naman Koreans mga magulang ng isang ito eh kasi mukhang sa sama ng loob ito pinaglihi eh.", pangangatwiran ko.

"Tere, pagpasensyahan mo na lang. Total naman di mo naman sya physically nakakasama eh and less than an hour naman ang class mo sa kanya. At isa pa, don't forget na kung di sa mga antipatikong Koreano kagaya niya eh, wala kang trabaho ngayon di ba?", paliwanag ng aking TL.

In fairness, bahagya namang humupa ang Magnititude 8 na lindol sa dibdib ko (kung meron man) ng marinig ko ang mga paalala nya. Tama nga naman na less than an hour ko lang syang estudyante (kahit mistulang isang buong mahabang, miserableng araw dahil sa taglay nyang kasungitan at kayabangan minsan). So, bakit ba ko magpapaapekto eh ako naman ang teacher at sya tong kailangan ang service ko para matuto naman sya kahit papanong mag-English.

So, lagot talaga sa akin yang pikit na Koreanong yan! Haha. (evil laugh)
***************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Perfect ImperfectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon