Part 4

3 0 0
                                    


Nicole's

Limang araw na nakakalipas simula nung malaman namin na buntis si Ate Kei . Limang araw narin mula nung nagkabalikan sila. Limang araw narin akong umiiyak . Di ko na alam gagawin ko

Kailangan ba namin isakripsyo ang relasyon namin para sa isang bagong pamilya na mabubuo?

Mahal ko si Paolo. Sobra ko syang mahal at di ko na alam mangyayare pa sakin kung sakaling maghiwalay kami .

"Kuya" katok ko sa kwarto ni kuya

"Nicole? Pasok ka." Mahinahon na sabi ni kuya at pumasok na ako

Umupo ako sa kama nya . Tinignan ko ang makalat nyang kwarto

"Bawal na yung ganito kuya!" Pagbibiro ko sa kanya

"Anong bawal?" Isang pekeng tawa naman ang naging sagot nya

"Bawal na ang makalat na kwarto. Kailangan maging responsable ka na. Magiging tatay ka na aba!" Pagaasar ko muli at di na napigilan tumulo na ang luha ko

"I-I'm so-sorry kolkol." Nanginngig yung boses nya samantalang ako ang dalawang palad ko ay nasa mukha ko dahil nagtutuloy tuloy na yung mga luha sa mukha ko at naramdaman ko naman na niyakap nya ako humihikbi narin sya

"Sorry nicole di ka naingatan ni kuya. Sorry nasaktan ka ni kuya." Sambit pa nito na lalong nagpaluha sa akin

Nagpunas ako ng luha at ngumiti sa kuya ko . Napakarami na nyang sakripisyo para sa akin maaring ito na ang kabayaran ko sa kanya .

Ngumiti ako sa kuya ko at hinawakan ang mukha nya

"Kuya. Ikaw naman. Congratulations" sabi ko at niyakap syang muli at pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Kuya ay nakita ko si Ate KC

"Congrats ate." Sabi ko at tinapik pa ang balikat nya at tumakbo nako papunta sa kwarto ko para magbihis at  pumunta sa bahay nila Julie

"Shhh please stop crying!" Pagtatahan sakin ni Julie . Ewan ko ba kung bakit ayaw tumigil ng luha ko

"Ano ba naman yan kolkol!" Mukhang nayayamot na si Aki

"Listen to me! Kilala ko si Paolo alam kong di nya hahayaan na magkahiwalay kayo makakagawa sya ng paraan . Si paolo paba?" Dagdag ni Aki at ngayon ko nalang nasilayan ang kanyang ngiti kasi naman ayaw nyang ngumingiti eh

Sa sinabi ni Aki napayakap ako sa kanya at nagyakapan kaming tatlo dito sa kwarto ni Julie .

"Juleng" katok ng mama ni Julie

"Meryenda oh-anong nangyare sayo kol?" Nakatanggap naman ako ng isang yakap mula kay Tita jaja

Simula nung sumakabilang bahay yung nanay ko sya na naging nanay ko . Pero di ako galit sa mommy ko tapos na ang gulo samin bata palang ako at pwedeng pwede ako kela mommy pumunta anytime dahil narin may kapatid pako dun .

Paolo's

Simula nung nalaman ko yun hirap na hirap nako . Hirap nako kumilos . Ilang araw narin kaming hindi naguusap ng maayos ni Nicole naiiyak na talaga ako . Babatiin nya lang ako sa umaga, papaalalahang kumain, mag goodnight minsan wala pang 'i love you'

Nakayukom ang mga palad ko . Di ako umalis ng bahay di ako pumasok kasi nababaliw na talaga ako sa hirap

Bigla naman tumunog ang skype ko . Si Julie tumatawag . Agad agad ko itong sinagot at di ko nagustuhan ang nakikita ko ngayon . Ngayon ko lang sya nakita nagiinom .

'Ayoko na be. Kung di kaya bitawan ni kuya ang pamilya nya kailangan kong bitawan si Paolo.  Mahal ko sya pero nahihirapan din ako. Buhay na ni kuya ang iniskripsyo nya sakin noon ngayon na ang oras para bayaran lahat yun.'

Yun lang at binaba ko . lasing lang si Nicole . Lasing lang sya kaya nya nasabi yun . Mahal nya ko eh mahal nyako

Di ko na napigilan ang sarili ko tinawagan ko na si Ate. 

"Paolo."

"PATRICIA KIECATH QUINTOS TANGINA NAMAN!" Sigaw ko rito

"Im sorry Paolo." Naiiyak na sabi sakin ni Ate

"Patricia ano bang problema mo!?" Naiiyak na sabi ko

"Paolo!" Boses ni kuya Pat

"Kuya! Wag sakin magalit dyan sa malanding yan oh! Kung kailan kami nakasettle na ni Nicole tsaka nya sasabihin na buntis sya!?" Sigaw ko sa telepono

"2 buwan ng buntis ang ate mo nung umalis ka may nangyare sa kanila ni Nicolo kasi inaaway si Patricia ni mama kasi ayaw ni Patricia sumama sayo kung ano anong sinasabi ni mama kay Patricia at si Nicolo lang natakbuhan nya at sobrang lasing nilang dalawa." Pagpapaliwanag ni Kuya

"Sige magsasama kayo dyan!" Bumagsak na ang tuhod ko . At binaba ko na ang tawag

Siguro kailangan na namin maghiwalay ni Nicole . Para kay ate.

Nanginginig akong sagutin ang tawag ni Nicole sa skype .

"May sasabihin ako." Sabay naming sabi nang sagutin ko ang tawag

"You go first" Sabi nya

"No you should" Mahinahon kong sabi

"Okay then. We need to end this. I can't take my brother's happiness away from him."  Naluluha nyang sabi at ako naman diko na napigilan umiiyak nako sa harap nya

"I think you're right let's end this." Sagot ko at pinatay na ang tawag

So this is the end of our story goodbye Nicole.

The distance between the two of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon