Part 3

2 0 0
                                    

Paolo's

Tuwang tuwa talaga ako ngayon. May aatendan na dinner night si Nicole pero natutuwa ako ng malaman ko sino ang escort nya . Si Shan na Pinsan ko. Alam kong hindi nya ako gaguhin . natutuwa ako kasi inisip muna ako ni Nicole bago sya pumayag sa dinner night. Napaka swerte ko talaga kung tutusin pag iba pag nagaya sa kanya di ko talaga papayagan at magaaway kami

"Mr. Quintos?" Nagulat ako ng may lumapit sakin

"Yes?" Sabi ko sa kanya

"Can we talk?" Tanong nya

"Why?" Taas kilay kong tanong at bumalik sa paglilinis na ginagawa ko.

"Paolo naman eh." Sabi nya na mukhang pinapahinahon yung boses nya

"ANO BA KAILANGAN MO EUNICE!?" Napasigaw nako dahil bigla syang yumakap sakin at naramdaman ko ang luha nya sa likod ko

"Bitaw!" Sigaw ko ulit

"I just want you back." Sabi nito at hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya papunta sa isang kwarto na tambakan ng mga panglinis

Hinawakan ko ang dalawa nyang braso at pinunasan ang luha nya

"Eunice. . " Sabi ko at hinawakan ko ang baba nya para tumingin sa akin ng diretso

"Listen. . . di na tayo maibabalik sa dati. Papakasalan ko si Nicole. Mahal ko sya mahal na mahal ko sya Eunice, walang magbabago dito" Sabi ko sabay turo sa puso ko "Magmove on kana. diko na alam kung gano na tayo katagal na naghiwalay pero tapos na tayo. Itong puso kong 'to? kay Nicole to. Kay nicole lang naiintindihan mo bako?" Sabi ko sa kanya at binatawan ang braso nya

Tumungo tungo naman sya at pinunasan ko ang luha nya at lumabas na kami dahil wala naman makakita sa amin eh.

Nagbalik na ulit ako sa paglilinis at tinignan ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Nicole at nakasagot ito. Mula kanina paba? Nakarinig ako ng malakas na hikbi kaya tinapat ko ito sa tenga ko

"Love?" Sambit ko

"Gustong gusto kita yakapin sa mga oras na ito love. Narinig ko ang usapan ninyo ni Eunice. Ewan pero sobrang saya ko na marinig ko ang mga salitang iyon mula sayo. Tumawag talaga ako para sabihin na nandito na ang pinsan mo at paalis na kami."Sabi nya na maiyak iyak pa ang boses

"Ganun kita kamahal love. Pwede ba magusap muna kami ni Shan?" Sabi ko rito

"Okay I love you."

"I love you too."

"Insan!" Sigaw ng kupal kong pinsan

"Hoy shan yang girlfriend ko ha!? Sinasabi ko sayo mababawasan ng Quintos sa mundo pag may lumandi dyan! Akin na yan!" Pag aaking ko kay nicole sabi ko kay Shan

"Oo pre! ako bahal basta si alam mo na ha?" Sabi nito

"Oo ilalakad kita dun pag nakamove on na sya ha? Sige na pre umalis na kayo!" Sabi ko dito

"oge pre i love you!"

"Kadiri ka! Pakibigay nga sa girlfriend ko!" Sigaw ko dito

"Kiss ko muna?" Pang aasar ng pinsan ko

"Sira! Ibigay mo na kasi!"

"Goodbye love i love you!" Sabi nya sakin

"I love you too! Take care!"

AT naputol na ang usapan. Gusto ko pa syang makausap dahil miss na miss ko na ang boses nya miss na miss ko na ang mga tawa nya pag kausap ako. Miss ko na ang mga korny nyang jokes. Basta miss ko na ang lahat lahat sa kanya. Miss na miss ko na ang Mahal ko.

Nicole's

"Nandyan ba si Nico?" Kausap ko ngayon yung babaeng nagpaiyak sa kuya ko sa labas ng bahay namin

"Pake mo?" Pagtataray ko

"Nicky please?" Paglalambing nya at hawak sya sa kamay ko at inalis ko naman

"Don't touch me!" Sigaw ko

"Kolkol anak? Anong nangyayare sa iyo dyan?" Rinig kong sigaw ni daddy

"Nothing dad. I'm fine go back to bed" Sigaw ko pabalik at narinig ko naman na bumaba sya ng hagdan

"Go away!" Pagtutulak ko kay Ate KC

"Dad. . ." Sambit ni Ate KC dahil nasa likod ko na si Daddy

"Anong ginagawa mo dito?" Mariin na tanong ni daddy

"Dad. . . I'm pregnant with Nicolo."

"Get inside Kei." Mariin na sabi ulit ni daddy at wala na akong nagawa .

At agad kong tinawagan si Paolo para ibalita ang sinabi ng Ate nya.

"It can't be Nicole. We're getting married." Naiiyak na sagot ni Paolo matapos ko ikwento sa kanya ang nagyari .

Naiiyak na rin ako diko na alam kung anong nangyayare bakit kung kailan ayos na ang lahat tsaka pa mawawala.

The distance between the two of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon