Act 1

7 0 0
                                    

Act 1 - Prologue

Kezeah's Point of View

*alarm clock ringing*

Pagbukas ko pa lang sa aking mga mata ay agad ko na itong sinara.

Masakit sa mata ang sikat ng araw, lalong lalo na kung antok ka pa.

Matutulog na sana ako nang marinig ko ang sigaw ng aking nanay.

"Kezeah Rose Gonzales, bumaba ka na!" Gustuhin ko pa mang matulog ay hindi na pwede.

Dahil kung hindi ako bababa, siguradong magagalit na naman ang dragon.

"Opo!"

Pinilit kong binuksan ang aking mga mata at umupo ako sa aking kama.

Agad kong sinuot ang aking tsinelas at nagsimulang maglakad. Antok pa ako.

Habang lumalakad, biglang nawala ang aking antok nang may naamoy akong malinamnam.

"Nay, bacon ba iyan?" Tanong ko habbang tumatakbo patungo sa kusina.

"Oo bacon nga, pero dahil ang tagal mong bumaba akin na ang share mo" Nag-pout ako dahil sa sinabi niya habang si nanay naman ay tumatawa.

"Oo na, oo na, heto na ang bacon mo" Kinuha ko ang plato at nilagay ito sa mesa "Tawagin mo na si Rick. Baka ma-late na naman siya."

Pumunta ako sa may hagdan at sumigaw ng "Mr. Allerick Gonzales III pag hindi ka bumaba ngayon din ay kukunin ko ang iyong mga drawing at ipapakita kay Frederick!"

May narinig akong nahulog sa kaniyang silid pero hindi ko na pinansin yun. 9 seconds pagkatapos kong sinabi yun ay nasa baba na siya.

"Bakit mo naman gagawin yun?!" Sigaw niya sa akin.

"Wala lang." Sabi ko at nag-shrug.

"Pinuntahan mo na lang sana ako sa aking silid at ginsing" Nagrarap ata siya.

"One year lang naman ang age gap natin, dapat ginising mo na lang ang sarili mo" Sabi ko at napasimangot siya.

Pagkatapos naming maghanda ay naglakad na kami patungo sa paaralan. Pumunta na si Rick sa kaniyang silid-aralan kaya nag-iisa na lamang ako.

Habang papalapit na ako sa gate, may nakita akong lalakeng nakatayo sa harap ng gate. Nilapitan ko siya at nagtanong "Excuse me, saan po ba makikita ang section 0?"

Mukha siyang nabigla nang nakita ako pero naging isang ngiti ito habang nagsalita siya "Ikaw po ba yung bagong transferee?"

Tumango ako at nagpakilala "Kezeah Rose Gonzales, nice to meet you"

"Alyx Xander Martinez" Ngumiti siya sa akin at pinapasok ako sa paaralan.

Napakalaki pala ng paaralan na 'to. Merong tatlong library, isang cafeteria, dalawang canteen, at iba pa.

Huminto kami sa idang building na may nakalagay na 0.

"Wow, ang laki!" Sabi ko na-amaze ako sa laki.

Natawa si Alyx sa sinabi ko "Ang labas lamang ito, halika na pasok na tayo"

"Ikaw po ba ang transfer student?"

Note:
Revised version! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Section 0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon