✔Chapter Twenty

3.2K 109 0
                                    



Taylor's PoV



I stared at myself, Formal na ba ang isang Simple white flowing dress? Baka kasi ma-overdressed ako sa kung anumang pupuntahan namin ni King. Sabi din niya susunduin niya ako sa Dorm namin, gusto ko sanang isama sina Juven at Marian pero wala si Juven dito sa Dorm dahil kasama niya si Chase sa kung saanman, si Marian naman eh nag-i-stroll sa mall kasama yung mga kaibigan niya na nakilala niya sa Academy.



No choice. Ako lang ang pwedeng pumunta, ako lang din ang nag-ayos sa sarili ko kaya di ako confident na maganda ako, hindi nga ako marunong magmake-up, I don't even know the word fashion. Di ko alam kung ano ang ipapartner na sapatos sa isang White flowing dress kaya I end up wearing simple flats.



"Knock... Knock..." 



My heart struck a bit. This is so not me, I don't really care kung anong magiging itsura ko sa araw-araw pero bakit ngayon feeling ko kailangan kong maging maganda? Dahil ba sa good looking ang makakasama ko?



I bit my lips and headed towards the door, nag-aalangan pa ako kung anong pagbati ang sasabihin ko. Good evening King! Mali! That will sound so excited and so fangirl. Good eve, that will sound bored and sick. 



Binuksan ko agad ang pinto and it hit me. Napaka-guwapo niya. He is wearing a white tux that well complimented his grayish complexion and of course my dress in tonight's event. "Hi," I simply greeted and he smiles at me.



Agad na may kumabog sa puso ko, Behave Veena's heart! Hindi yan tatakbo. 



"So?" he checked me out, from head to freaking toe. "Shall we?" inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin, I smile at him and clung unto him.



"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya, agad niya akong inalalayan papasok sa shotgun seat nang kotse niya.



"That... will be a secret, don't worry uuwi ka naman nang one piece, I won't chop you down," pag-a-assure niya sa akin, Okay, Secret it is. 



Agad siyang pumasok sa driver's seat matapos niya akong alalayan na maka-upo nang maayos sa sarili kong upuan. Ilan na kaya ang naisakay niya ditong babae? I shook my head, syempre sino pa ba? It's Veena. 



Hindi ko alam pero nagseselos ako, Nagseselos ako sa taong patay na, nagseselos ako sa taong nag-bigay nang pangalawang buhay ko, nagseselos ako sa taong may-ari nang pusong to. Nagseselos ako kay Veena.

Heart of a Fearless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon