February 9, 2016
"Hi Pau, Kakapalan ko na ang muka ko, hehe. May sasabihin ako sana sayo.." sabi ni James sakin habang nakatayo kami sa gitna ng college building namin.
Ang dami daming tao ngayon dito, lahat sila nakatingin sa amin mapa babae, lalaki lalong-lalo na mga baklang mukang froglet. Nako maingget sila, akin ang araw na 'to.
"Ahh, ano ba yung sasabihin mo James?" kinikilig na sabi ko habang hinahawi ko yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. Pero siyempre di ko naman pinapahalata 'yun baka kung ano pa isipin niya at hindi pa ituloy kung ano man ang balak niyang sabihin sa akin.
Pero sa loob-loob ko, OMG OMG OMG! Looord, jusko maraming salamat, mukang aamin na din siya na mahal na mahal niya ko ko simula nung nakita at nahawakan niya mga kamay ko sa isa sa mga concert niya dito sa Fairview Terraces.
"Pau kasi simula nung nakita kita at nahawakan ko ang mga kamay mo..." Dug dug dug dug, juskoooo grabe na ang tibok ng puso ko. Ang lakas nadin ng mga tili ng mga tao sa gilid namin. I think im going to faint pero NO! nakakahiya sa harap niya.
"Ah oh James ano meron dun?" bigla uminit ang mga pisngi ko pagkasabi na pagkasabi ko ng mga salitang yun.
"Pau, sa tingin ko gu-gu-gu"
Malapit niya na masabi yung salitang pinaka aantay ko pero bakit ganun parang ang sakit ng tagiliran ko parang may kumukurot?
"Hoooy ikaw bata ka late ka na naman gumising! Hala bumangon ka na diyan at malalate ka na naman sa klase mo. Anobayan ang baho naman dito sa kwarto mo parang hindi babae" sigaw ng mommy ko sa akin habang ginigising ako sa kurot sa tagiliran.
"Juuuuuuskoo naman ma!! Ang ganda ganda na ng paniginip ko eh, magpropropose na daw sakin si James Reid. " sigaw ko pag kagising ko habang pinipunasan ko mata ko at si mommy naman eh hinahawi ang kurtina dito sa kwarto ko.
"Nako Maria Paulina tigil-tigilan mo ko jan sa kaka-James Reid mo ah, isa pa at makakatikim ka na talaga sakin pag 'di ka pa bumangon!" Pa-sigaw na utos niya sakin.
Agad naman ako bumangon ng padabog at umupo sa kama ko tapos chineck ko yung IPhone 6S Plus na bigay sakin ni daddy nung Christmas. At napatingin sa Orasan malapit sa door ng room ko.
"Oh My Goooood!! Maaaaa naman alas eight-thirty na! bakit ngayon mo lang ako ginising huhuhu" sabi ko, habang si mama naman tuloy padin ang daldal habang kinukuha ang mga used clothes ko sa laundry basket.
Nako bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng malobat cellphone ko pa? Naalala ko chinarge ko 'to sa tabi ko bago ko matulog. Punyemas naman.
Buti na lang ang ganda ng panaginip ko. Buhay na buhay na naman ang diwa ko nito mamaya sa school.
Nilagay ko yung charger ko sa phone ko at in-open para magbasa ng mga bagong chismis sa twitter.
Pagkabukas ko ng phone ko ang dami agad lumabas na notification and mga messages galing kay Charles ang pinaka mabait, sweet gwapo, mayaman at masarap na boyfriend sa lahat!
Oo masarap, masarap kasi siya magmahal. Kayo talaga mga utak niyo.
Nakooo, oo nga pala meron kaming usapan ngayon ni Charles na susunduin niya ko at ihahatid papasok sa school. Hindi kasi kami nakapag kita last week dahil busy siya sa pagrereview para sa exams nila. Kaya ito ngayon bumabawi siya para naman daw matuwa ako. If I know na miss niya lang ang kasexyhan ko.
Agad – agad ako nag prepare kasi ang kitaan namin ay 9 am sa may SM Fairview, nag text na din ako sakanya.
"Good morning my bebe loves!! Nalowbat ang phone ko, magprepreare lang ako tapos diretso na ako sa sm! Promise I'll be quick :* <3 <3"
Pagkatapos ko maligo at magbihis nagpunta na agad ako, 10 mins lang naman ang byahe from our house. Kaya 9:15 na ko nakapunta at pag baba ko sa taxi nakita ko na yung car niyang Black Honda HRV.
"Hi, Baby" yan agad ang bungad niya sakin pagkaupo na pagkaupo ko sa front seat. Grabe sobra talaga akong kinikilig sa taong 'to. Ang bango bango niya, sarap singhutin kasi lalaking-lalaki, idagdag mo pa yung buhok niyang naka top knot. Juskooo ako na nga ata ang pinaka maswerteng babae sa buong Quezon City.
"Hello, Baby. Sorry, im late. Hindi kasi nag alarm phone ko, kaya late na ko nagising" sabay pa-cute at dagdagan mo pa ng pouty lips. Nako kilalang kilala ko yan si Charles, magpa cute lang ako ng konti kikiligin na ng sobra yan.
"HAHAHAHAHA Wag ka nga ganyan, di ako makakapag focus nito sa pag ddrive eh".
Grabe ang gwapo niya talaga mag smile, makalaglag underwear. Every time na ngingiti siya lagi nagsslowmo ang paligid tapos naaalala ko yung araw na sinagot ko siya at naging official kami sa harap ng pamilya ko.
YOU ARE READING
Epitome of Forever
RomanceThis is my first story! i would really appreciate it if you'll leave any comments,suggestions and violent reactions about it! Hahaha im not pro in writing stories! Disclaimer lang Haha <3