Chapter Three

173 4 2
                                    


Charles' POV

Maaga ako ngayon nagising, may usapan kasi kami ni pau na magkikita kami sa SMF ng 9 am at magbrebreakfast kami sa isang resto malapit sa school. Mahilig kasi siya sa pancakes tapos may isang resto na kakabukas lang malapit sa school.

Sakto 6:00 pa lang pwede na muna ako mag jogging pagtapos gigisingin ko na si pau ng mga 7:30 para makapag handa na siya, nako kasi sobrang tagal nun magising. Isa yan sa mga dahilan kung bakit late siya lagi sa mga klase niya.

After ko mag jogging, tinext ko siya.

"Good morning baby! :*"

"Rise and shine gorgeous <3 <3 <3"

After 10 mins. hindi padin siya nag rereply. I tried to call her pero mukang nakapatay ang kanyang phone. So I pm-ed her nalang using FB Messenger.

8:00 am

"Gisssssing na po!!! <3"

8:25 am

"Pag di ka gumising, pupuntahan kita diyan tapos hahalikan kita ng hahalikan hanggang sa magising ka! Hahahha"

8:30 am

"Uy di talaga siya angrereply oh, gusto niya totohanin ko yung sinabi ko. HAHAHAHAH Hoy Ma. Paulina Magno, gising na may lakad pa tayo!"

After 5 mins. nag text back na siya sa akin.

"Good morning my bebe loves!! Nalowbat ang phone ko, magprepreare lang ako tapos diretso na ako sa sm! Promise I'll be quick :* <3 <3"

"Hahaha kaya pala di ka nagrereply, sayang naman papunta na sana ako!"

Pag katext ko ng last message ko sakanya ay nagready na din ako.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na agad ako. Sinuot ko yung binigay niya sa akin nung birthday ko, Long tee na kulay maroon. Tapos nag pants ako and sinuot yung Nike Airmax na binili namin sa isat isa nung 2nd year anniversary namin tapos nag pabango ako. Lagi niya kasi ako inaamoy pati kilikili ko inaamoy niya kapag kaming dalawa lang magkasama. Minsan na-aasar ako pero siyempre once na magpouty lips ulit siya tapos hahawakan ang braso ko di ko mapigil ang kilig, mawawala na agad asar ko.

15 minute drive lang ang biyahe papuntang SM Fairview mula dito sa village namin kaya sakto 9 am ay nakarating na ako.

Malapit lang bahay nila sa bahay namin pero di ko na siya sinundo sa bahay nila kasi gusto ko sana siya isurprise ngayong umaga.

Dumaan muna ko sa simbahan malapit sa SM, dahil February na naman marami nagbebenta ng roses dito. Bumili ako ng isa para ibigay sakanya pagdating niya.

"Baby, Kakarating ko lang. Ingat ka." Text ko sakanya.

Pag dating niya after 15 mins. binuksan niya ang pinto at umupo sa tabi ko.

"Hi Baby" bati ko sakanya.

"Hello, Baby. Sorry, im late. Hindi kasi nag alarm phone ko, kaya late na ko nagising" sabi niya sa akin sabay pout ng lips. Hay grabe ang sarap talaga nitong girlfriend ko, ang sarap sarap mahalin! Sobrang swerte ko talaga na naging kami.

Nagdrive na ko papuntang Ally's

Pagkarating namin nag order na agad ako para sa aming dalawa.

Habang kumakain nagkakwentuhan kami tungkol sa kung ano ang mga subjects namin sa araw na 'to.

"Baby, ano subj mo ngayon?" ang sabi niya.

"Strategic Operations Mgt! Nako quiz pala namin mamaya" bigla ko na alala na may quiz pala kami mamaya.

"Oh, diba nagreview ka naman? Kagabi? For sure madadalian ka lang dun. Good Luck baby! I know you can do it!" tapos nag smile siya. Grabe yung mga ngiti niya at titig niya nakakatunaw. Bigla tumitigil mundo ko kapag ginagawa niya yun.

"Thank you! Hah sana magdilang anghel ka!" ang sabi ko sakanya.

"Papaano?! Hahahaha" natatawang reaksyon niya.

"Sa sinabi mong I can do it. Haha Anghel ka naman na sa paningin ko eh kaya hindi ka na din siguro mahihirapan."

Pag katapos namin kumain dumiretso na kami sa school. Hinatid ko siya sa klase niya at as usual agad agad lumapit sa amin ang mga kabigan niya na naging kaibigan niya na din.

Margo: "Hello! Good morning lovebirds!!" pasigaw na bati nito.

Angelo: "Oy Tropa! Kamusta?"

Lexi: "Good morning frieeeeeeend! How're you?" sabay beso kay Pau.

"Hello! Sige una na ko, bantayan niyo future wifey ko ah! Hahaha." Ang sabi ko sakanila sabay kiss sa noo ni Pau.

"Good luck baby!" sagot ni Pau.

Epitome of ForeverWhere stories live. Discover now