Chapter Two

190 5 0
                                    


Flashback to February 14, 2013

Andito ako ngayon sa sala namin, inaantay si Charles. Magkikita daw kasi kami tonight dahil may importante daw siya na sasabihin sa akin.

Mag kaklase na kami ni Charles simula pa lang first year high school tapos naging maging mag close lang kami na kaibigan nung second year na kami dahil napasama ako sa grupo nila magkakaibigan.

Sobrang saya maging kaibigan si Charles kasi sobrang caring tapos palatawa. Isa pa sa mga nagustuhan ko sakanya ay yung smile niya na sobrang nakakatunaw. Minsan kasi kapag mag bibitaw ng joke ang isa sa circle of friends namin lagi niya hindi pinapakita na natatawa siya, lagi niya lang pipigilan yung pagtawa tapos nako ewan ko ba bakit parang everytime na makikita ko siyang ganun parang may kung ano akong nararamdaman sa tyan ko .

Nuon pa lang I'll admit na I have a crush on him, sino ba naming hindi magkaka-crush sa lalaking yun? Matalino, Mabait, Gentleman tapos sobrang gwapo pa! kaya nga nung umamin siya na gusto niya din ako bago kami mag simula sa fourth year high school sa harap ng grupo namin sobra akong namula! Literal kasi nga crush ko nadin siya since second year pa lang kami. Pero siyempre hindi ako nagpahalata na kinikilig or what. Nginitian ko lang siya nung gabing yun. Tapos after ng masayang aminan na yun araw araw na kami lagi magkasama. Hatid-sundo niya ako papuntang school kasi two blocks away lang naman ang bahay namin sa bahay nila.

Aaminin ko na din na nagugustuhan ko na siya to the level na parang mahal ko na din siya. Kasi sobra siya magbigay ng effort. May araw na kapag malungkot ako, kahit di ko sinasabi sakanya pupunta agad siya ng bahay para mag bigay ng Pistachio Ice Cream, alam na alam niya talaga lahat ng mga ayaw at favorite ko.

Yes, pumupunta na siya sa bahay kasi kialala naman na siya ng family ko dahil nga madalas ang mga kaibigan ko na pumunta dito. Alam din ni mommy na nililigawan niya ako at okay naman siya dun basta lang daw alam namin ang mga limitations namin.

Lagi niya din ako chine-cheer up everytime na makikita niyang tahimik ako sa loob ng class room, lagi niya pinaparamdam na he's always there for me, no matter what happen. He's always showing me that he's always gonna be part of my team.

Sobrang perfect ng samahan namin, I couldn't ask for more, kung baga perfect package na siya! Tumagal yung ganung set up namin ng ilang months dahil naniniwala ako na hindi naman kailangan madaliin ang lahat ng mga bagay. May nabasa kasi ako na quote ni Mother Theresa,

Be happy in the moment, that's enough. Each moment is all we need, not more.

If its meant to be, it will be. Ayos lang naman sakin ang ganung set up dahil araw araw din naman kami magkasama sa school, lagi nagkakausap at nagkaka-kamustahan, that's why hindi ko rin minadali ang lahat. Ine-enjoy lang namin ang buong ligawan process kasi siyempre hinding-hindi na namin mababalikan yung ganung feeling, yung extra oridinary kiligness na nararamdaman namin every time na magttext kami sa isat-isa ng "good morning" at "kumain ka na ba?"

Isa pa sa mga gustong gusto ko sakanya eh yung pagiging understanding niya lalo na kapag nagiging clingy na siya sa akin at magtatanong kung kailan ko ba daw siya sasagutin, lagi ko kasi sinasabi sakanya na sobrang mahaba pa ang mga panahon namin, we have more than thousand years, kaya hindi namin pwedeng madaliin lahat.

Tonight hindi ko alam kung bakit parang sobrang feeling ko handing handa na ako, Handa na pumasok sa panibagong stage ng pagsasamahan namin.

Sobrang excited ako ngayong gabi dahil iba ang nararamdaman ko, full of excitement. Siya lang ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na yun. Lahat lahat ng mga pwedeng mangyari sa amin pagtanda, sa kung ano ang mga field na papasukin namin sa college, anong magiging trabaho namin after grumaduate. Halo halo ang nararamdaman ko sa mga oras na yun.

Epitome of ForeverWhere stories live. Discover now