1 ~ Wrong Locker

138 3 0
                                    

Dedicated to: Ate Denny the reason why I am so addicted to wattpad stories!

----------------------------------------------------------

Iyan na siya! *tugtog kasal playing sa background* Palapit na siya! Malapit na talaga siya! Sige Kuya pogi lakad pa konti na lang maabot mo na ako!!!

Ooops, wait! Nagtataka siguro kayo kung bakit may tugtog kasal sa background tapos isang pogi na tao yung naglalakad, ano to yung lalaki yung bride ako yung groom? Tsssk =_=

Anyway balik tayo sa planet earth. Sino ba ang gwapo na lalaki na papalapit sa akin? Sino ba ang diyosang magandang kinakausap ka ngayon? Well, ako lang naman po si Erica Joyce Lopez soon to be Alpanta. At yung poging sinasabi ko? Siya lang naman si Jerome "Rome" Alpanta, asawa ko!... Sa future hehe.

Yan tapos na ang simple intro tsurba tsenis ko balik na tayo sa story.

So eto na naman po ang puso kong abno kung tumibok parang nag Milo Marathon lang, kulang na nga lang magmukha akong haggard dito ay kaso hindi mas malala siguro itsura ko, mukha siguro akong natatae.

Why am I nervousing? Because I am kapaling my face so I can confess my love to Rome the love of my life, the straw of my berry, the rasp to my berry, the blue to my berry and other more berry basta gets niyo na siguro na berry berry much ko siyang love no?

Kaya you reader be considerate! Ikaw kayang magtapat na ng feelings sa crush mo hindi ka ba magmumukhang tangeks? Hmmph... >3<

Naramdaman kong may tumulak sa akin. Tiningnan ko ng napakasama si Shanda ang babaeng pinaglihi ng nanay sa mental kaya naging baliw na rin. Kahit kaylan talaga tong lokang to pahamak sa love life ko ay tuluyan na tuloy akong nahulog kay Rome wahaha double meaning yan.

Tumingin sa akin si Rome ng nakangiti waah!!! Ibebenta na ako sa palengke nito ay kamatis lang ang trip >///<

Natawa naman sa akin si Rome yan napanganga naman ako. Shemay kanina kamatis ngayon isda? Punta kayo palengke may nahuling bagong lapulapu nakasama pa sa World Record ang laki eh. Tssk =_=

"May sasabihin ka ba Erica?"-tanong niya with matching smile and twinkling eyes *u*

Tinilapiang shomai eto na yun eh! Dapat talaga kahit minsan nagpupulbos ako double purpose pangiwas pawis at pangpakapal ng mukha.

"A-ano ka-kasi sa totoo lang ma-matagal ko n-na gustong sa-sabihin to." may naintindihan kaya siya doon sa mga pinagsasasabi ko? Mautal ako wagas ay. Anyway, huminga na ako ng malalim, inubusan ko na ng oxgen si Rome para naman makchancing dahil iCCPR ko siya di ba pag nawalan ng malay? Oo ako na masama pero eto na... "Gusto-"

*insert inappropriate words* nagring yung bell! Takte lang ano tayo dito lokohan? Waah yung word na "Kita" na lang yung kulang ay pinagkait niyo pa?! T^T todo crying in the inside dito oh!!

"Nako po, Erica sorry pero kaylangan ko ng umalis next subject ko si Ma'am Sexy patay ako pati na rin yung buong school pag nagwala yun dahil late ako. Alam mo na baka magearthquake at gumuho ang mundo"-Rome

BlackmaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon