Give Me All Of You - Part 1

659 13 4
                                    

CTTO 😊

S

"Anak, parang ang saya-saya mo ata ngayon a. Parang bumalik yung dati mong sigla a!"

"Talaga po ba, Daddy?"

"Oo! Anong meron? Break na ba kayo ni Matteo?"

"Daddy!!!"

"Ahahaha Eto naman. Binibiro lang kita."

"Pero sabi nga nila Delfin di ba, jokes are half-meant."

"Woooh... Para namang hindi mo din hinihiling na mangyari yun, Divine."

"Ha? Hindi a! Naku, Anak, wag ka nga makinig dyan sa tatay mo."

"Hahaha Ok lang po yun, Mommy. Ikaw talaga, Daddy... Hayaan niyo na po yung tao. Mabait naman po."

Totoo naman. Mabait naman talaga siya... Kapag hindi siya nagseselos...

"O, narinig mo yun, Delfin? Mabait naman daw."

"Tignan natin... So, bakit ka nga masaya ngayon, 'Nak?"

"Excited yang anak mo."

"Mommy!"

"Excited saan?"

"A, e, wala po, Daddy. Excited lang po ako mag-ASAP ngayon."

"A... Bakit? Anong meron?"

"May production number sila ni Bamboo."

Patay na. Ang daldal naman ni Mommy e!

"Alam mo, galit ako sa kanya."

"Po? Bakit po, Daddy?"

Hala na. Sinabi ba ni Mommy lahat kay Daddy? Mommy naman e... Sa ating dalawa lang yun e!

"Hindi siya tumupad sa usapan namin."

"Po? Ano pong usapan?"

"Di ba nag-usap kaming dalawa noon? Ang sabi ko sa kanya, bantayan ka niya."

"E binantayan naman ni Bamboo si Sarah a..."

"Oo nga, Divine. Wala namang kwestyon yun e. Nakita ko naman ang pag-aasikaso niya sa anak natin."

"O, yun naman pala e. E bakit galit ka sa kanya?"

"Kasi nga, ang sabi ko sa kaniya, bantayan niya si Sarah dun sa Matteo na yun!"

A! So yun pala ang pinag-usapan nila noon. Kaya pala parang bad trip si Bamboo noon pagkatapos nila mag-usap.

"E, Delfin, paano mo naman nalaman na hindi binantayan ni Bamboo ang anak natin kay Matteo?"

"Ano ka ba, Divine? Kung binantayan talaga ni Bamboo si Sarah natin, e di sana hindi sila mag-nobyo ni Matteo ngayon!"

"Daddy! Grabe naman po. Akala ko po ba sinusuportahan niyo ako sa naging desisyon ko."

"E, Anak, sinusuportahan naman kita sa mga desisyon mo. Lalo na kung ang desisyon mo ay bukal talaga sa puso mo."

"E bakit po? Hindi po ba bukal sa puso ko yung pagpili ko kay Matteo?"

"Hindi."

"Ay, ang harsh naman po nun, Daddy."

"Harsh ba? Hahaha Teka, bakit pagpili yung sinabi mo? Bakit? May ibang pinagpilian ka ba noon maliban kay Matteo? Divine, may iba pa bang manliligaw si Sarah noon?"

Down The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon