Until Forever (Fan Fiction)

6.9K 118 33
                                    

A/N:
"Fan fiction" lamang po itong ginawa ko. Hango lang ito sa kwento ng Until Trilogy. Masyado ko kasing mahal ang lead characters ng Until Trilogy by Jonaxx kaya ko ito ginawa. Sana magustuhan nyo po ito kahit hindi kasing ganda ng gawa ni Ate Jonah. Kung hindi nyo naman gusto ay okay lang din. Hehe

Hi ate Jonah! Sana mabasa mo ito. Isa ako sa mga 'fans' mo. Super galing mo po. Nainspire akong magsulat dahil sayo. Pupwede bang humingi din writing tips sa'yo? Haha forever mo akong magiging fan. Thank you for sharing your stories with us. Sana makita ulit kita pagbalik mo sa Manila. I love you.

-----

Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko habang nakaharap sa malaking pinto ng simbahang ito. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa aking dibdib at huminga ng malalim. Magkahalong nerbyos at excitement ang nararamdaman ko ngayon.

Ginabayan ako ng coordinator na magsisimula na ang seremonya. Ako lang ang nasa labas at aniya ay pagdating ko sa gitna ay doon ko lamang sasalubungin sila Mommy at Daddy. Suot ko ngayon ang isang off-shoulder na wedding dress gawa ng isang sikat na designer. Simple lang ang din design nito. Mala-mermaid skirt ang ibaba at floor length ang haba ng gown. Sakto lang din ang trail nito.

Sa pagbubukas ng malaking pinto ay nasilayan ko kung gaano kaganda ang naging resulta ng pagpaplano sa importanteng pangyayaring ito sa amin. It's really breathtaking.

Iginala ko ang aking mata sa mga dekorasyong nakakabit sa bawat dingding, may mga arranged flowers din na nakadikit sa bawat upuan, ang mga puting rose petals na nakakalat sa red carpet na dadaanan ko at mga nag-gagandahang chandeliers na nagsisilbing liwanag sa loob ng simbahan.

Nagsimula ang isang tugtog na pinili namin mismo ni Elijah. Napangiti ako. Iniisip ko pa lang ang pangalan nya ay napapasaya na agad ako.

This is it, Klare. Go! Walk slowly.

What if I never knew

What if I never found you

I'd never have this feeling in my heart

Damang-dama ko ang nag uumapaw na saya sa puso ko ngayon. Wala na ata akong mahihiling pa sa Diyos. Iginala ko ang mga mata ko sa mga taong nandito ngayon. Ang mga pinsan ko. Kumpleto sila. Nakingiti silang lahat sakin. Ang pamilya ko at ang pamilya ni Elijah, lahat ng mga nagmamahal sa amin ay nandito ngayon.

How did this come to be

I don't know how you found me

Nang nasa gitna na ako ay niyakap ko sila Mommy at Daddy. Pinipigilan kong lumuha pero mukhang traydor ito. Nagpapasalamat ako sa Diyos at sila ang naging mga magulang ko. Dumaan man kami sa hindi magandang alaala, sa huli ay nanatili pa rin kaming pamilya. Pagmamahal at pang unawa. Iyon ang namayani sa huli. Nilingon ko si Charles, Kuya Hendrix at Pierre at nginitian sila.

"We love you, Klare. Kahit na anong mangyari nandito pa rin kami ng Mommy mo. You'll always be my princess, anak. I'm so proud of you." Wika ni Daddy at hinalikan ako sa noo.

"I-I love you both, My, Dy." Paiyak na sagot ko. Pakiramdam ko ay may bumara na kung ano sa lalamunan ko at hindi ko makapagsalita ng maayos.

But from the moment I saw you

Deep inside my heart I knew

Until Forever (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon