Chapter 1

25.4K 345 14
                                    

Two months earlier

DAHAN-DAHANG umibis mula sa kotse si Lacey matapos magpark sa kanilang garahe. She was careful not to make any sound as she walked toward the house. Malapit na siya sa pinto nang makarinig siya ng kaluskos.

"Lacey, pwede ka bang makausap?"

Nasapo niya ang kanyang dibdib bago nilingon ang pinanggalingan niyon. Agad na napasimangot siya nang mamukhaan ang anak ng isa sa mga business associates ng papa niya.

"Ano'ng ginagawa mo diyan sa dilim, Nik?" pilit na itinago niya ang iritasyon sa tinig. Sinadya pa naman niyang magpagabi ng uwi mula sa client meeting dahil alam niyang bibisita sa kanilang bahay ang pamilya nito. Isa siyang freelance photographer so her working hours were never normal. Madalas ay nagagamit niya iyong excuse para makaiwas kay Nik. But it looks like tonight was not her lucky night.

"Hinihintay kita," then he smiled that sinister smile that always made her feel uneasy.

"Bakit hindi ka na lang sa loob naghintay?"

"Mas gusto ko dito eh. Saka gusto kasi kitang makausap in private."

Bigla siyang kinilabutan sa pagkakabanggit nito ng salitang private. Lalo pa at nakangiti ito na kamukha ng ngiti ng mga kontrabida sa pelikula kapag may naiisip silang evil plan. Nang una pa man itong ipakilala sa kanya ng ama ay hindi na niya ito gusto. She always tried her best to be polite to him. But she simply felt an unexplainable dislike toward the guy.

"Okay, why don't we go inside and talk?"

"No, I want to talk to you here. O kaya sa garden, kung gusto mo."

Lacey sighed, pagkatapos ay tumango siya bago nagpatiunang maglakad patungo sa garden. Mas mabuti na nga sigurong mag-usap sila nang hindi nakikita ng kanilang mga magulang. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili at bigla na lang niya itong tarayan.

"Alright, what do you want to talk about?" tanong ni Lacey nang makarating sila sa garden. Maingat na iniharang niya ang kanyang bag sa pagitan nila ni Nik doon sa wooden bench.

"Gusto ko sanang humingi ng favor sa'yo, Lacey," walang kaabug-abog na wika ni Nik saka bigla na lang ginagap ang isa niyang kamay.

Mabilis na hinila niya iyon mula dito. Then she looked at him sharply. "What kind of favor?"

Nagkibit ito ng balikat bago sumagot. "Nothing fancy. I just need a little help from you."

She looked at him wearily. "Bakit hindi mo ipaliwanag sa akin kung ano ba 'tong pabor na sinasabi mo? Then I'll see what I can do to help."

Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago sumagot. "Well, the thing is... kailangan ko ng pera. And I kinda need it as soon as possible."

Oh, why didn't that surprise me? tanong ni Lacey sa isip. Sinubukan niyang 'wag magpakita ng kahit na anong emosyon kahit na nagsisimula na siyang mainis dito. "Okay, magkano ang kailangan mo? I can probably lend you a few thousand but that's all."

"No," umiling-iling si Nik. "Actually, malaking pera ang kailangan ko. Mga tipong eight digits."

"Ano?!" kung cartoon character lang siguro siya ay baka lumabas na ang eyeballs niya at lumaki na ang mga butas ng ilong niya habang nagbubuga ng usok ang mga iyon. She mentally counted how many zeroes an eight digit figure had. That's seven zeroes in all!

"Shh!" pigil ni Nik sa kung ano pang sasabihin niya. "Hinaan mo ang boses mo. Baka may makarinig sa atin."

"Nik, I want to help you but I don't have that kind of money!" Kung pwede lang niyang bugahan ito ng apoy ay ginawa na niya. "At kahit pa mayroon akong ganoon kalaking halaga, what makes you think na pauutangin kita ng worth millions?" hindi na niya itinago ang inis.

Escape with Me (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon