9.1

8.4K 243 4
                                    

JUSTIN spent the past few days talking with the corporate lawyer Nathan Sandejas. Nakausap na din niya ang ama ni Lacey, umaasa siyang bilang guarantor ay may kopya ito ng kasunduan ni Nik at ng pinagkakautangan nito. Thankfully, her father had one.

Masusing pinag-aralan at pinagplanuhan nila ni Nathan kung ano ang dapat nilang gawin. They were hoping that they could have at least a week to polish everything. Pero bigla-bigla naman kasing naisipan ni Nik na magtungo sa Aurora. Tuloy ay wala na silang choice kundi ang isagawa agad ang kanilang plano ng mas maaga.

"Saan nga uli 'yung meeting place?" tanong ni Chase habang nagmamaneho.

Nang banggitin niya ang pangalan ng hotel cum casino ay bigla itong napangiwi. "Bakit?"

"I've heard about it. Sigurado ka bang gusto mong ituloy 'to, Kuya? I'm trained in combat but I'm not exactly bodyguard material."

Natawa siya sa tinuran nito. "'Tol, props ka lang naman dun eh. Hindi ka gagalaw at hindi ka din magsasalita. We just have to show these guys that we're not easily spooked. Sabi ni Nate ay makakatulong daw iyon."

"How well do you know this Nate?"

"Hey, 'wag kang mag-alala, he comes highly recommended. Taga-Aurora din siya at dati siyang kaklase ni Pete, so he's okay. And speaking of Pete, darating din siya mamaya."

"Alright."

MEETING a loan shark isn't as scary as Justin initially thought. Pero mabuti na din iyong kasama niya sina Pete at Chase. You'll never know when you need someone to back you up.

"What's this all about?" tanong ni Mr. Montola nang magkaharap silang lahat. Ito ang boss ng mga loan sharks na pinagkakautangan ni Nik.

"Nikolas Lorenzo," sagot ni Justin.

Interesadong tumitig sa kanya ang lalaki. "Yes? What about him?"

"Nabalitaan ko kasi na may malaki siyang utang sa'yo." Tumango ito bilang sagot. "At nabalitaan ko din na pinagtataguan ka niya ngayon."

"Ano pa ang mga nabalitaan mo?"

"Wala na, hindi ako interesado kay Mr. Lorenzo. I'm more interested in Mr. Wilberto Adriano's involvement in the contract," seryoso ang mukhang sagot ni Justin.

"Kung hindi ako nagkakamali, si Mr. Adriano ang guarantor ni Mr. Lorenzo."

Tumango siya.

"We have a proposal for you," singit ni Nate sa usapan at saka iniabot dito ang isang folder.

"This is a contract stating that I, Justin Jade Castillo," itinuro niya ang parte ng dokumento kung saan nakasulat ang kanyang pangalan. "Will buy out Mr. Adriano's involvement in this contract."

"Oh?" nakataas na ang kilay nito habang tinitignan ang hawak niyang dokumento. "Sa tingin mo ay ganito lang kasimple ang lahat?"

"Yes, lalo na at hindi naman binding ang kontratang pinirmahan ni Mr. Adriano." Bumaling si Justin kay Nate upang ito ang magpaliwanag kung paanong nangyari iyon.

Nung una pa mang i-fax ni Justin kay Nate ang kontrata ay tumawag agad ito sa kanya pagkalipas lang ng limang minuto. Sinabi nitong napakadaling lusutan ng kontratang iyon dahil sa dami ng loopholes. Mukhang hindi naman daw pinag-aralan ng isang abogado ang kontrata kaya ganoon.

Justin didn't care to ask for the details anymore. Ang importante ay mailabas niya sa gulong iyon ang kanyang Ninong at matulungan si Lacey sa problema nito. Kung sakali ngang hindi ito magagawan ng solusyon ni Nate ay willing na siyang bayaran na lang ang utang. But thankfully, it didn't have to come to that.

"Tulad mo ay isa din akong negosyante, Mr. Montola," nakangiti ngunit seryosong wika ni Justin nang matapos si Nate. "I think what I'm offering you is already a very generous deal."

Napatango-tango si Mr. Montola habang nag-iisip. "Well, gaya nga ng sabi mo, I'm a businessman, and I know a good deal when I see one," maya-maya ay sagot nito. "You just got yourself a deal, boy."

Escape with Me (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon