9.2

8.3K 235 5
                                    

"LACEY, tumigil ka na nga sa pagpaparoo't parito. Nahihilo na kami sa'yo eh," pagkasabi niyon ay bigla siyang hinila ng ina paupo sa tabi nito.

"Kasi naman, Ma, si Justin."

"Bakit? Ano'ng mayroon kay Justin?" singit ng kanyang ama.

"Hindi ko alam pero—"

"Malaki na ang anak ko kaya 'wag kang mag-alala doon," wika naman ng Ninang Lourdes niya.

"Hindi niyo kasi naiintindihan. Pakiramdam ko may binabalak siyang gawin."

"Tulad ng?" tanong naman ni Lucille.

"Hindi ko din alam basta nafi-feel ko lang. Ganyan siya eh kapag may pinaplano. Alam mo 'yun?"

"Hindi ko alam, Ate Lace. Bakit hindi mo ipaliwanag ng maayos?"

"Siya nga naman, anak. Hindi ka na namin maintindihan. Ano ba ang ipinagkakaganyan mo?" muling tanong ng kanyang ina.

"Diba nasabi ko na kanina na bigla kaming napaluwas dito dahil nga sa pagpunta ni Nik doon sa Aurora. Tapos habang nagbibihis ako kanina ay narinig ko siyang may kausap sa phone. Hindi ko masyadong naintindihan pero seryosong-seryoso siya at pinapunta pa niya si Chase. Alam naman natin na hindi niya basta-basta hinihila si Chase kung saan-saan lalo na kapag may drill sila. That's too much coincidence."

"I think I know what you mean, Lace."

"Pa?"

Lumapit ang kanyang ama at saka tumabi din sa kanya. "Tinawagan ako ni Justin three days ago. Napag-usapan namin ang tungkol kay Nik."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapatitig sa mata nito. There was a hint of something there. "Oh no, Papa. Ano'ng sinabi sa'yo ni Justin?"

"Everything." Nahigit niya ang hininga. "Inamin niya sa akin ang tunay na dahilan kung bakit kayo magpapakasal ni Nik."

"Oh god, no."

"Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin ang totoo? We could have done something. Hindi 'yong sinolo mo lang ang lahat."

"Ma, pati ikaw?" gulat na napatingin siya dito. Nahuli niya ang panakaw na sulyap nito sa kanyang Ninang Lourdes. "Si Ninang Lourdes din? So ibig sabihin pati si Ninong Roger ay alam na din."

"Teka, alam niyo ng lahat maliban sa akin?" biglang singit ni Lucille sa usapan pero walang pumansin dito.

"You know I can't keep a secret from your mother," tipid ang ngiting paliwanag ng kanyang ama.

Marahas na napatayo siya sa kinauupuan at muling nagpalakad-lakad. Ang walang-hiyang Justin na iyon, ang akala pa naman niya ay mapagkakatiwalaan ito. He promised her, damn it! He looked straight into her eyes and promised her!

Naikuyom niya ang mga palad. Lacey felt like she wanted to start a fight right there and then. "Argh! Nakakainis!" nagpapadyak siya saka nagmartsa palabas ng bahay. "Uwi na tayo, Ma, Pa!"

PAGKATAPOS ng kanilang "business transaction" with Mr. Montola ay nagpaalam agad sina Nate at Chase. Dahil ang kotse ni Chase ang gamit nila kanina ay nakisabay na lang si Justin kay Pete.

"Pete, remember that partnership we agreed on a few weeks ago?"

"Yeah? What about it?"

"Pwede bang ipa-hold mo muna ang pagpa-process niyon."

"Hmm, I think you need to think about this first. Kapag sigurado ka na ay saka ko na lang tatawagan ang mga abogado namin para i-hold ang pagpa-process."

"Sigurado na ako, pare."

Nang maging pula ang traffic light ay bumaling sa kanya si Pete saka siya pinakatitigan ng husto. Hanggang sa maging green ang traffic light at magpatuloy ito sa pagmamaneho ay hindi parin ito nagsasalita. Justin was starting to feel worried, mabuti na lang at nagsalita na din ito pagkalipas ng ilang minuto.

"Okay, I'll call our lawyers first thing in the morning."

"Thank you."

"Aw, really? Thank you lang ang isasagot mo?" tila hindi nakatiis na bulalas ni Pete. "Ite-turn down mo talaga ang offer ko ng pagiging partner sa mga negosyo namin? Come on, Justin. Alam mo namang mas deserving ka na magmanage ng mga iyon. For one, you live in Aurora."

"That's the thing, pare. Gusto ko sanang umalis muna sa Aurora for a while."

"Wow! You're thinking of leaving that town? Hindi ba first love mo ang Aurora?"

"Ulol, you make me sound like a nut case."

"Seryoso, pare. Partnership na 'tong ino-offer ko sa'yo. Are you really willing to turn that down and throw away all your hard work just for a girl?"

Napailing siya sa tinuran ni Pete. "Hah! Nagsalita ang lalaking ipinagpalit ang kayamanan ng pamilya niya para lang din sa isang babae."

Natawa ito sa tinuran niya. "Well, you do have a point, my friend."

"Pareho lang naman tayo, so no more judgement. Aasahan kong tatawagan mo na ang mga abogado ninyo bukas."

"Alright, but in case you change your mind..."

"Kapag nangyari 'yan, sasabihin ko agad sa'yo."

Escape with Me (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon