II. Genre

1.2K 52 5
                                    

II. Genre

So, pag-usapan naman natin ang tungkol sa mga genre niyo. Mahalaga sa isang kwento ang genre. Maraming klase ng genre ang mayroon tayo. Romance, Mystery/Thriller, Horror, Paranormal, Humor, Teen-Fiction, Non-Fiction, etc. 

Bakit mahalaga ang genre? Kumbaga sa katawan ng tao, ang genre ay ang puso ng isang kwento. Halimbawa ang genre niyo ay Romance, Humor, at Teen Fiction, kung pwede po ay ‘wag na po tayo magdagdag ng ibang genre. Pwede naman magdagdag kaso, ano ‘yun?

Genre niyo, Romance, Mystery, Teen-Fiction, Horror, Humor, etc. Seriously? Anong kwento na ang ginagawa niyo? Ang genre niyo ay para ring plot niyo, pinag-iisipan dapat. Hindi ‘yung sulat kayo ng sulat diyan, ‘yun pala naiiba niyo na ang napiling genre niyo.

Think twice before you type. Tanungin mo muna ang sarili mo bago magdesisyon.

Ano nga ba ang genre ng gagawin kong kwento?

Ilan kaya ang genre ng kwento ko?

Konektado ba ‘to sa plot na ginawa ko?

Kausapin niyo ‘yung sarili niyo tungkol sa mga plano niyong gawin. Ika nga, kung gusto mong magtagumpay, pagplanuhan mong mabuti. Tanungin niyo lang nang tanungin niyo ‘yung sarili niyo hanggang sa makuha niyo ‘yung sagot. Tamang sagot.

You, as a writer, huwag na huwag mong poproblemahin kung may mali sa gawa mo, tao ka lang din naman, hindi perpekto. Sa tips na ito hindi ko sinasabing maging perpekto na kayong manunulat. But if you want to be successful in writing, you should plan it first, right? Gaya nga ng sabi ko, always think positive.

Huwag na huwag mong poproblemahin kung wala kang readers. You write to express your feelings, not for fame. So, kung binabalak mo ng gumawa ng kwento. Kailangang isipin mo muna ang mga genre at plot nito. Goodluck.

Edited: May 01, 2014

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon