hindi nagsisinungaling ang bata!!!!!!!!!!!!!

334 1 0
                                    

HINDI NAGSISINUNGALING ANG BATA

+++ 1 +++

Si Mia ay isang single mom, kasama nya sa bahay ang 8 yrs old nyang anak na lalaki, si Cyrus. Dahil nagtatrabaho si Mia, kailangan nya magbayad ng yaya para magalaga sa anak nya habang nasa work sya. Masayahin si Cyrus, Madami sya kalaro, at kilala sya ng mga kapitbahay kasi nga bibong bata.

Pero isang araw naiba ang lahat ng maaksidente si Cyrus, nasagasaan sya ng motor, pero di naman malala pero mula non naging tahimik na si sya at hindi palakibo, ayaw na nyang makipaglaro, gusto nya lagi mapagisa. Hindi yun pinansin ni Mia kasi inisip nya natrauma lang ang bata sa aksidente. Lumipas ang araw walang pagbabago kaya nag usisa na sya.

"anak, bakit hindi ka na nakikipaglaro sa mga kaibigan mo?" pero hindi to kumibo. Hinayaan na lang nya.

Isang araw, umuulan. Napansin ni Mia nakatingin sa bintana si Cyrus habang nagdadrawing, tinatanaw nya yung bahay ng kumare nya na ninang din ni Cyrus tas bigla nyang sabi:

"dapat si ninang, di nagpapaiwan mag isa sa bahay"

Nagtaka sya sa sinabi ng anak nya, tinanong nya,

"ano sabi mo?" pero hindi na to nagsalita, binalewala nya yun.

Mga bandang 8:00 ng gabi, tulog na si Cyrus, nagpaalam si Mia sa Yaya ni Cyrus na pupunta sa Kumare nya at may kukunin lang daw, nagulat sya biglang bumangon si Cyrus.

"mommy, hwag kang pupunta dun, madaming bad dun,". Umiiyak si Cyrus habang nakayakap sa kanya. "mommy, hwag kang pupunta don, hwag kang pupunta don! Please mommy wag kang pupunta don, madaming bad don!" nagwawalang sabi ni Cyrus.

Walang nagawa si Mia kundi wag ng umalis, gang makatulog ulit si Cyrus

Kinaumagahan, napag alaman nya na yung kumare nya, pinasok ng mga magnanakaw kagabi, ninakawan, nirape at pinatay. Gulat na gulat sya, hindi nya maipaliwanag pero bigla sya kinilabutan, umuwi sya sa kanila at nagligpit, nakita nya yung mga dinadrawing ng anak nya kagabi, laking gulat at hilakbot nya ng makita ang drawing ng anak, babaeng nakapink, nakabigti, puro pula ang mukha na parang dugo, pati sa katawan ay ganon din. Katulad na katulad ng itsura ng kumare nya ng makita ang bangkay nito, nakapink na damit, nakabigti, duguan ang mukha, at puro saksak ang katawan.

Nanginginig ang katawan nya, ngunit muntik na syang matumba ng makita nya ang sumunod na drawing, babae na nakawhite at blue na short, kamukha ng suot nya kagabi, may parang dugo sa leeg at natatakpan ang mukha ng dugo.

"ikaw dapat yan mommy, buti na lang nakinig ka sa akin.." biglang sabi ni Cyrus na nasa likod pala nya..

+++ 2 +++

Lumipas ang mga araw matapos ang insidente ng pagkamatay ng kaibigan ni Mia, bagamat natatakot sya sa mga nangyari ay inisang tabi na lang nya yun at inisip na baka nagkataon lamang yun.

Naging normal ang takbo ng lahat para kay Mia at sa anak nya ng mga sumunod na linggo, nagtatrabaho sya, iniiwan nya ang anak sa yaya, ngunit talagang hindi na bumalik ang dating sigla ni Cyrus, mas naging mailap pa ito, madalas nagkukulong sa kwarto.

Isang araw habang nasa sala si Mia ay nilapitan sya ng yaya ni Cyrus,.

Yaya: ate may sasabihin sana ako sayo, wag mo sana masamain.

Mia: ano yon ate Mercy? Sige sabihin mo lang.

Yaya: si Cyrus kasi, napapansin ko, dumadalas ang pagkausap sa sarile.

Mia: ano ibig mo sabihin?

Yaya: pano ate, pag nasa kwarto yan, madalas ko marinig na may kausap at parang may kaaway, pero pag tinitingnan ko naman sya lang tao sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

hindi nagsisinungaling ang bata!!!!!!!!!!!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon