Pangalawa
Wala na akong nagawa, ako na daw ang representative ng klase, pero hindi ko kinaya ang pag-volunteer ng Xylem na yun. Napaka-ilap kaya ng taong yun, dalawang taon ko na siyang classmate at huwag ka walang palya lahat ng subject parehas kami ng schedule, ewan ko ba kung coincidence lang o talagang type lang ako ng loko at talagang bet lang niya akong sundan. Pero hindi e, hindi kami close sa dalawang taon na yun wala man lang kaming heart to heart talk I mean never kaming nagkausap ng matino, siguro nagka-usap naman na siguro kami mga tipong “oo, hindi, sige, okey,” mga ganyan lang.
Ayan dahil sa pag-volunteer niya ang mga chismosa ginawan tuloy kami ng issue, kesyo crush daw niya ako, at hindi naman na nakakapagtaka yun ang ganda ko eh, at ang sabi pa ‘baka daw may balak na ligawan ako, ay ang taray lang, ligaw agad
“uy si ateng, iniisip si Mr. Vergara, ikaw a” pangungulit ni Nica
“hindi no, bakit ko naman siya iisipin aber” sagot ko
“malay ko” sabi niya na pangisi-ngisi pa
“ang tagal ni Mark a, gutom na ako” pag-iiba ko ng topic
Lunch break namin, at nagpapahintay si Mark, may practice kasi sila ng Basketball. Tinext ko siya, tapos na daw sila at papunta na sila dito sa canteen. Nakita ko na siya, pero nagulat ako, akala ko siya lang, bakit.. bakit.. kasama sila?
Tinawag sila ni Nica
“hey, sorry ah natagal kami, may mga binilin pa kasi si coach e” sabi niya, napatingin naman ako sa mga kasama niya
“ay si Xylem pala, tapos si Jude teammates ko” nag-Hi naman ang dalawa. si Xylem basketball player din, bakit parang ngayon ko lang nalaman
“hello… moshi-moshi” bati ni Nica, nasabi ko na bang trying hard mag-Japanese ang babaeng ito, mahilig kasi sa anime
“hello, upo na kayo, mabuti nalang pala at medyo malaki itong table na napwestuhan namin tara na gutom na gutom na ako” sabi ko
Nagsi-upuan naman na sila. Sa gitna ako ni Nica at Mark, at kaharap naman naming sila Jude at Xylem
“anong sayo? Ako nalang mag-oorder” alok ni Mark, as usual napa-caring talaga, parang hindi nagalit sa akin kanina e
“ikaw na bahala, thank you” sabi ko
Akala ko ako lang ang maiiwan pero nagulat ako ng hindi umalis si Xylem, at biglang napatingin siya sa akin, nahiya naman ako kasi nakatitig ako sa kanya kanina, para hindi halata kinausap ko nalang siya
“ hindi ka kakain?” tanong ko, conversation starter
“mamaya nalang kapag nakabalik na sila, wala kang kasama e” ngek, ang taray ni koya
Napatawa naman ako, “ano ka ba, wala namang mangyayari sa akin dito, hindi ako mawawala no”
“alam ko naman yun, hintayin ko nalang silang bumalik” sagot niya, ang seryoso naman niya masyado
“a-ah e-eh, ano kasi pwede bang magtanong, hehehe” sabi ko, naba-bother kasi ako sa pag-volunteer niya e, anong pinaglalaban ng isang to
“ano?” ay kailangan talaga nakatitig sa akin, nakakatakot naman
“s-seryoso ka dun sa,a-ano sa pageant,? Nag-volunteer ka talaga para sa akin?” tanong ko, ay parang mali ata yung hirit ko dun a
“oo, para sa klase” sagot naman niya
“oh, okey” sige na nga para sa klase, napaka-seryoso naman neto
“close kayo noh?” bigla naman siyang nagsalita, akala ko ayaw niya akong kausap, hindi ko naman naintindihan yung tanong niya, close kami nino?
Magsasalita na sana ako ng bigla ng dumating yung tatlo
“hindi ka kakain Xylem?” tanong ni Jude
“kakain, hinintay ko lang kayo” sabi niya sabay tayo
After ng lunch, may isa pa akong klase, syempre classmate na naman kami ni Xylem, pero hindi ko na classmate si Nica si Jude naman at Mark ang classmates
“sabay na tayong pumunta sa klase Janela” alok ni Xylem, naramdaman ko naman ang pagtusok ni Nica sa tagiliran ko, kaya ng mapatingin ako sa kanya ang laki ng ngisi ng bruha
“ah sige”
“Classmates kayo?” tanong ni Mark, kakasabi lang e
“oo. lahat ng subject” si Xylem ang sumagot
“hehehe.. galing noh” sabi ko
Bigla naman sumingit sa usapan itong si Nica, “alam mo ba Mark sila ang representative sa sportsfest”
“talaga, ikaw? Sumali ka? hindi ka naman mahilig sumali ng ganyan diba?” baling niya sa akin
“try lang naman” sabi ko nakakahiya naman kay Xylem kung mag back-out pa ako no, sabihin pa niya ayoko siyang partner e
“naiingit naman ako, lipat na ata ako sa college niyo” loko talaga tong Mark na to
BINABASA MO ANG
The Stalker The Secret Admirer
Novela Juvenilmay mga bagay na hindi na natin nakikita dahil sa mga bagay na gusto nating makuha isang babae, dalawang lalaki... isang gusto siya at isang gusto niya gaano kakomplikado ang sitwasyon nila?