Una
Normal na araw, dating gawi… gising sa umaga, mag-ayos, then pasok sa school. Ano pa bang bago sa routine ng isang Janela Athena Vilamar, ang boring ng buhay ko gusto ko ng thrill. Pakiramdam ko napaka-perfect ng life ko may mga magulang ako na sobrang mahal na mahal ako, hindi ko din ramdam ang hirap ng buhay dahil pareho naman silang may trabaho. Nag-iisang anak ako kaya nasa akin lahat ng attention nila. Kahit wala akong kapatid masaya naman ako dahil may mga kaibigan akong parang kapatid na turingan namin.
“baby ella, andito na si Mark” Sigaw ni Mommy
“yes mom, wait lang po mabilis nalang to” sagot ko, ang aga naman ng lalaking to.
Siya kasi ang driver ko, hehehe kidding, bestfriend slash bodyguard slash driver slash P.A. ko kasi siya. Every morning dumadaan siya dito sa bahay para sabay kaming pumasok tapos siya din ang maghahatid sa akin pauwi, ang bait lang ng bestfriend ko nalilibre ako may sarili kasi siyang kotse. Kaya mahal na mahal ko yan e, kung wala lang crush yan iisipin ko may gusto na siya sa akin, pero huwag ka, deads na deads yan sa class president namin.
After kong mag-bihis at mag-ayos, lumabas na din ako kwarto at pumunta ng kusina, naabutan ko silang kumakain ng breakfast. Isang rason din to kung bakit gustong-gusto niyang pumunta dito sa bahay, libreng pagkain paano kasi gustong-gusto siya ni mommy kaya every morning madaming pini-prepare na breakfast si mommy.
“hello, Good Morning” bati ko sa kanila, lumapit ako kila mommy at daddy at hinalikan sila sa pisngi.
“Ang aga mo, kainis ka” baling ko kay Mark, saka tumabi sa kanya
“maaga practice namin kaya maaga ako ngayon, ayoko namang mag-commute” sagot niya
“ay ang taray naman, sige na kain na nga muna tayo baka malate ka pa sa practice niyo”
“pwede ka namang magpahatid kay manong Bert a” sabi ni dad, si manong Bert ang driver namin, ayokong may kasamang driver kasi after class dapat na akong umuwi agad. Ayoko nga!
Napatingin naman ako kay mommy, alam kasi ni mommy na ayaw ko na may kasamang diver, at mabuti nalang naiintindihan niya ako.
“Dad, okey naman kay Mark e, diba iho, at saka kailangan mo si Bert paano kung may emergency sa office” hehehe, kampi ko talaga si mommy
“fine fine, baka masyado namang nagiging dependent itong si Ella kay Mark”
“okey lang po tito, baka kapag hindi kami sabay nitong si Ella palagi nang late to” kinurot ko siya feeling to kala ba niya siya ang alarm clock ko “a-aahh” daing niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
“nakakatuwa talaga kayo, hala kumain na tayo at baka ma-late na kayo.. ikaw Dad may meeting ka din diba” Si mommy talaga, masyadong natutuwa sa amin.
After magbreakfast dumiretso na kaming school, sa kotse kulitan pa din kami ng kulitan, mapang-asar kasi to konti nalang mapipikon na ako.
“uy diba may gusto kay Sophia” natigilan naman siya “ crush na rush mo yun e, bakit hindi mo ligawan si miss president, maganda yun, tapos matalino pa” nakakatawa ang itsura niya bigla siyang namula. Ayan ganito ako gumanti sa kanya.
No reaction ang loko, tinamaan nga ata ang loko
“uy, namumula ka, gusto mo ilakad kita, close kaya kami ni Sophia” napatingin naman siya sa akin
“wag ka nga, minamaliit mo naman ako e” sabi niya pero in a serious tone “kung gusto ko liligawan ko, ako gagawa ng paraan mapalapit sa kanya” sabay titig sa akin
“okey okey, chill! Galit ka na?” pang-aasar ko, hahaha pikon na
Nakarating kami sa school, na medyo badtrip siya, kaiinis siya a, joke lang naman yun e.
“see you later” yun lang ang sinabi niya, hindi manlang tumingin sa akin
“good morning” bati ng Professor naming
“good morning maam”
“okey, so malapit na ang sportsfest, kailangan niyong mag usap-usap tungkol sa representative ng klase niyo, sa pageant, sa mga sports event and I hope mag-participate lahat” sabi ni maam
“girl, next month na ata yan e, san tayo, hindi naman tayo sporty e, kaya wag na tayong pumunta” si Nica friend ko din, hindi nga kami mahilig sa sports kapag mga ganitong event hindi kami pumunta usually nasa galaan kaming magbabarkada.
Iniwan kami ni Prof, mag-usap daw kami about sa event, nasa harap si Sophia, bilang President ng klase siya ang in-charge dito
“okey, guys sa pageant muna, sino representative natin, may gusto bang mag-volunterer? Si President yan.
“Dianne”
“Liza”
“Marielle”
Kung sino sino pang sinasabi nila, kami naman dito walang pakialam, nag-iisip kung saan kami gagala.
Lahat ng mga binaggit nilang pangalan, walang pumayag kahit isa, mahiyain ang mga bakla.
“Si Janela” ay kaloka, ako daw? Lahat sila biglang napatingin sa akin
Alam ko namang maganda ako, kaloka pero hindi ako sanay rumampa sa mga pageant pageant nayan, oh no…
“Janela, oo nga ikaw nalang, ang ganda mo te” sabi ng mga kaibigan ko, mygosh. ME?
“So Janela, ikaw na ang representative natin, ayos lang yan kayang-kaya mo yan” sige push pa Sophia, i-push niyo yan
“kapag pumayag si Janela, magvo-volunteer akong partner niya” WHAT?!, nakakaloka ito
BINABASA MO ANG
The Stalker The Secret Admirer
Genç Kurgumay mga bagay na hindi na natin nakikita dahil sa mga bagay na gusto nating makuha isang babae, dalawang lalaki... isang gusto siya at isang gusto niya gaano kakomplikado ang sitwasyon nila?