Chapter 1: Everything has its beginning

23 0 0
                                    

Title: Sunsets, Couds, and Rains

Bakit nakakainlove ang mga sunsets?

Bakit nakakatuwa ang mga clouds?

Bakit nakakasenti ang ulan?

Bas-taaaa!

Eto ang istorya ng baliw na buhay ng abnormal babaeng si Maria Gertrude Anabelle David sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong sa buhay nya. Sana matuwa kayo kaya aanga-anga lang ung paggawa neto. Salamat! :)

Chapter 1: Everything Has Its Beginning

"Araaay!"

Potekkk ang sakit madapa. Andaming blood. Pero joke lang. Gasgas lang naman eh. Ang hirap talagang maging lampa. Lesheng bato naman kasi yan, ngayon pa naisipang humarang sa dinadaanan ko.

"Oy MG, ano nangyare sayo? Nagaaral ka magdive? Sana sa pool mo ginawa yan para di masakit sa katawan," natatawang tanong sakin ni bff nell.

What a friend! Imbis na tulungan ako, tinawanan pa ko. Wow, sobrang nakakagaan ng loob ah. Eto ang hirap pag lalaki ang bestfriend mo eh. Once in a blue moon lang pagseryoso nya sayo. Madalas pa na pagtawanan ka. Kundi ko lang to bestfriend inumbagan ko na to eh.

"Ha? Ano kasi eh. Napagod ako kakalakad kaya dumapa muna ko para magpahinga."

"Ewan ko sayo. Lika na nga tulungan na kita. Sumasakit tyan ko kakatawa sayo eh."

Yan si bff, ang nagiisa kong bestfriend sa mundo. Lionell Camacho, ang pinakamayabang, pinakabolero, pinaka-pangasar at pinakapanget na lalaki sa mundo. Nell for short. alam nyo, kahit ganyan yun, bestfriend ko yan! Pero ung totoo, mabait naman sya eh, paminsan minsan pag di sinusumpong ng kabaliwan. Gwapo sya. Minsan nga kelangan ko pa makipagbakbakan sa mga ibang babae para lang makalapit ako sa kanya. Iba talaga pag hearthrob ung bestfriend, kalaban ko ang mundo. Pero joke lang.

Anyhow, ako naman magpapakilala. My name is Maria Gertrude Annabelle David. And it's pronounced as Gertrude with a capital "J". Call me MG for short. Kung mejo clever kayo, mapapansin nyo na sa mga first 2 letters ng name ko- except ung Gertrude- mabubuo nyo ang salitang MAGANDA. Yan lang ang natatanging adjective na masasabi ko para mai-describe ko ang sarili ko in one word. Lol. Ok seryoso na, di naman ako panget pero di rin naman ako ganun kaganda. Katamtaman lang. Tamang ganda at tamang panget lang. Ummmm. Ano pa ba? Sa panaginip ko, pang supermodel ang tangkad ko. Pero alam nyo naman ang sabi nila, kabaligtaran ng panaginip ang reality. Kaya wag nyo na itanong kung ano ang height ko.

"Ano ba naman MG? Wag ka kaya mapabigat! Ang hirap mo itayo ah," sabi ni bff habang pinipilit ako itayo.

"Hmmp. Parusa mo yan kasi pinagtawanan mo ko kanina. True friend ka talaga no? Minsan nagtataka ako kung pano mo ko napapayag na maging bestfriend mo eh. Siguro ginayuma mo ko?"

Bigla nya binitiwan ang kamay ko kaya napaupo ule ako sa sahig. "Aray naman. Eto naman, di ka mabiro. Tayo mo na ko dali. Dami nang blood sa tuhod ko oh."

"Asan? Eh kahit isang butil nga ng dugo walang lumalabas sayo eh. Siguro zombie ka no?"

"Muntanga lang, Nell! Dali na oh. Magaan na ko," iniabot ko ang kamay ko sa kanya para hilahin nya.

"Oh ayan na. Tara na nga. Ipalinis natin yang sugat mo kay Doc Ken," umakbay sya sakin tapos pumunta na kami kay doc ken.

**********

Doctor ng mga hayop si doc Ken. Pero sa tuwing may problema kami sa katawan, sa kanya kami pumupunta ni Nell. Sa sobrang close namin kay doc, pati problema sa lovelife at school, sa kanya din namin sinasabi. Parang tatay/barkada na namin sya. All around doc namin yan eh. Hihi. Kung pwede nga lang sya na rin gumamot sa siraulo kong bestfriend eh.

Sunsets, Clouds, and RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon