Chapter 3: Week of Terror

4 0 0
                                    

Stressful ng ng college week. Lalo na para sakin. Nung nalaman kasi ng mga estudyante na magpapaalipin kami sa kanila, tuwang tuwa sila. Syempre never pa nangyare to sa first section eh. Nung nalaman nila na kasama ako sa mga alipin, aba, galak na galak ang mga loko. Kilala kasi ako sa school na babaeng di nagpapaalila sa kahit kanino. Madalas ako ung naguutos, hindi ung inuutusan. Lahat tuloy sila gusto akong alipinin. Parang nagkakaroon daw sila ng immense power kapag napasunod nila ako sa mga utos nila. Potekk, bad idea pala tong ganitong gimmick. Pero sa first day, hindi ko pa gaanong ramdam ang pagaalila kasi busy pa ako sa pagoorganize ng class at student council. Wala si SC president kasi bumibili sila ng mga kulang na ingredients para sa giant pizza.

Takbo dito, takbo jan. Naririndi na ung tenga ko sa tunog ng walkie talkie na nagsisilbing communication namin. Kuripot kasi sa load ang student council kaya ayaw nilang gamitin ang mga cellphone nila.

"MG. Andaming naghahanap sayo dito. Ikaw daw ung gusto nilang alilain. Sabi nila maghihintay daw sila kahit gano katagal. Ang haba na nga ng pila para sayo eh." sabi ni VP Kylie.

"Sabihin mo sa kanila, alam ko na maganda ako at gustong gusto nila ako, pero di ako pwede ngayon. Dahil ngayong araw ako ang maguutos! Alam ba nila na meron akong seventy-three students at my disposal but still kulang pa rin. Kaya wag nila akong istorbohin ngayon. Ok? Ikaw na bahala jan. Kung kelangan akitin mo sila para hindi ako ung hanapin nila, gawin mo. Go!"

"O-Ok. Ako na bahala. Kaso hindi ko ata kayang mang-akit. K-kelanagan ba talaga ganun gawin ko?"

"Kylie, ikaw na bahala. Di ko na kela- Ay baklang kabayo!" Natapilok ako. At parang nagslow motion ang paligid. Ang bagal ng bagsak ko. Ihinahanda ko na ung pwet ko sa sakit na sasapitin nya. Potekkk na high heels yan! Kaso nung ready na ung pwet ko, hindi ako na saktan. Minental checkup ko ung pwet ko kung namanhid lang sya kaya wala akong naramdamang sakit. Feeling ko ok naman pwet ko eh. Wala namang problema. Eh kung ganon, ano ung-

"A-a-lis jan. Ambigat mo at ang sakit ng takong mo!"

Si boy bunggo sinalo ako! Wow kahit papaano useful din naman pala ang pagiging boy bunggo nya. Although hindi naman kami nagkabungguan this time. Nakaupo ako sa hita nya. Ung siko ko nakatungkod sa dibdib nya. Tapos ung isang paa ko na nakabend palikod, nakatapak sa kamay nya. Nararamdaman ko ung hininga nya sa batok ko. Buti nalang patalikod ako bumagsak kundi baka nahalikan pa nya ko. Ugggggh!

"Aaaayy sorry. Bat ba kasi lagi ka nalang nasa likuran ko?" Tumayo na ko.

"So ako pa ang may kasalanan. Eh ikaw jan ung clumsy eh. Walang kaingat ingat. You should thank me. I've just save your butt!"

"Edi thank you!!" Itinapak ko ng madiin ung heels ko sa paa nya tapos tumakbo na palayo.

"Awww. Fu**!" narinig kong sabi nya. Buti nga. Antipatiko kasi. Hahaha! Bat ba andito un? Taga kabilang school sya ah. Wala ba syang klase? Hmm baka cutting sya. Bad!

"Kiss mo nga si Giant Nico!" Nakita kong inuutusan nung taga Class B si Nell. Ang malas naman nya. Si Giant Nico ung dambuhalang lalaki sa Class F na punong puno ng tigidig sa mukha. Wala syang kinakausap na iba kundi sarili nya kaya wala syang kaibigan sa school. Lagi tuloy sya pinagtitripan ng mga schoolmates namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunsets, Clouds, and RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon