Gising na. Gising na! Gising na sabi eh! Gisiiiiiiiiiing!!! Pulis, gising nyo nga to.
"Opo. Eto na po. Gising na po." Napabalikwas ako sa kama at lumingon-lingon sa paligid, hinahanap ung pulis. Naalala ko alarm ko lang pala un. Nagrecord dati si Nell ng boses nya na gumigising sakin tapos ginawang alarm un. "Lesheng Nell yan. Pati pulis binanggit pa."
After 30mins ready na ko. "Mama, aalis na po ako."
"Oh, di ka na kakain?"
Kinuha ko ung dalawang slice ng loaf bread tapos nagpalaman ako ng itlog tsaka hotdog. Tapos kumuha ako sa ref ng Choc-O. "Sa daan ko nalang po kakainin. May meeting po kasi kami sa student council kaya kelangan ko maaga pumasok. Bye po."
Pagdating ko sa school, si Saab kagad ang sumalubong sakin.
"MG. Goooood morniiiing!!" bati nya sabay beso sakin.
"Ui Saby. Good morning."
"Gaaah. I really hate it when you call me like that!"
"Like what?"
"You know what!"
"Oh, you mean Saby? Bakit, cute nga nung Saby eh. Pinaghalong Saab at baby. Diba Saby?"
"You are so nakakainis minsan! Why are you so mean to me?"
"Hahaha. Joke lang. Tara na nga. Male-late na tayo sa meeting."
German ang tatay ni Saab. Pinanganak sya sa germany. Nung 15 yrs old sya, lumipat na sila dito sa pilipinas. Ayaw daw kasi ng nanay nya na tumanda doon kasi daw kadalasan ng mga matatanda doon, nasa home-for-the-aged.
After an hour natapos na ang meeting namin. Ang theme kasi ng college week namin ay giant wonderland. Puro malalaki ung mga gamit. Pinagusapan namin ung tungkol sa kulang na mga materyales na gagamitin na pangdesign ng paligid tsaka ung ingredients para sa gagawin naming malaking pizza sa last day ng college week. Ugggh. Giant Wonderland...Edi giant din ang mga gawain. Kaya nung unang meeting namin tungkol sa theme ng college, tutol ako jan eh.
"Wag na Giant. Candy Wonderland nalang! Kasi ngayong college na tayo, our professors, administrations and council are preparing us for the life of adulthood so I think it would be better if we take our dear students back to their childhood days where nothing really matters, only fun. Nung bata ka, kapag may umaway sayo o nangiwan sayo, anong nagpapasaya sayo? CANDY! Isang lollipop lang titigil ka na sa pagiyak. Let's give this Candy Wonderland to our students as a treat before they face the life of paid employment!" sabi ko nun.
"Oonga Candy Wonderland nalang. Para sweet! Yiiiiie." ang ever loyal supporters ko, laging sang-ayon sakin. Yes!
"I know what you're doing, MG. Ayaw mo ng Giant Wonderland kasi matrabaho. But geuss what, if we do that Candy Wonderland of yours, we'll still build giant candies. So whats the difference? Absolutely none. Don't get me wrong. I want your idea. Ang gusto ko lang, instead focusing only on candies why not widened our range to give them more satisfaction. Kung gusto lang naman natin na dalin sa pagkabata ang mga tao edi sige lets put candies. But not all children want those. Ung iba mas gusto nila ung mga laruan, childrens book etc. That's how I come up with the Giant Wonderland idea."
As usual, tinalo nanaman ako ni student council president, Aya Nadado.
Tama naman sya. Malalaki din naman ung gagawin namin sa Candy Wonderland. Why didn't I think of that. Arrrgh pero kung nabigyan pa ko ng konting time, sigurado nakaisip pa ko ng mas magandang idea, ung hindi nila matatanggihan.
"BFF!" kumakaway sya habang tumatakbo palapit sa akin. Galak na galak ang mukha ah.
"Hoy Lionell Camacho. Di ka nanaman umattend sa student council kanina. Kulang tuloy kami sa creative minds."