Chapter 1 - promise

13 1 0
                                    


Chapter 1 - promise



7 years ago


"Ron-ron!" tawag ng isang batang babae sa kalaro nito.

Kaagad namang lumingon ang batang lalaki at ngumiti ng makita siya.Tumakbo ito papalapit sa kanya.

"Bakit Yan?" tanong ng batang lalaki.

"May sasabihin sana ako." sagot naman niya na may bahid ng lungkot sa boses.

" 'Di ba sabi ko sa'yo nun nagbabakasyon lang kami dito? - sabi ng batang babae at kaagad namang tumango ang kalaro. - uuwi na kasi kami sa totoong bahay namin eh." pagpapatuloy nito.


Halatang nagulat at nalungkot ang kanyang kalaro.


"Ganun ba? Ibig sabihin hindi na tayo magkikita Yan-yan? Ibig sabihin walang na akong kalaro?" Yumuko ang batang lalaki at may nangingilid ng luha sa kanyang mga mata, nagbabadyang tumulo.


Naalarma naman ang batang babae sa inakto ng kalaro kaya kaagad niyang pinunasan ang nangingilid nitong luha at nginitian upang hindi ito malungkot.


"Pero promise hindi kita kakalimutan! 'Pag bumalik kami dito hahanapin kaagad kita!" she cheerfully said.

Tiningnan ng batang lalaki ang kalaro sa mga mata hanggang sa gumuhit na ang ngiti sa kanyang labi.

"Talaga walang kalimutan? pinky promise?" he said and showed his pinky finger.

"Huh?" pagtataka naman ng batang babae at tiningnan ang naka-
angat nitong daliri.

"Ganito oh..ayan!" Sabi ng batang lalaki matapos ipag krus ang kanilang mga daliri.




"Pinky promise?" tanong ng batang lalaki na may malapad na ngiti sa batang babae. Making the girl smile widely too.


"Pinky promise!" she answered and giggled with her friend.



We're DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon