Prologue

125 7 0
                                    

St. Lobelia Academy isang prestihiyosong paaralan na kung saan kinikilala ito dahil puro mayayaman ang mga estudyante. Mga anak ng congressman, Mayor, Bigating Artista at kung ano ano pa man. Bukod sa sila ay mayayaman may tinatago rin silang mga sikreto. Kasama na ang FIRST SECTION.

Isang malagim na sikreto ang mabubunyag.

Isang hinding inaasahang pangyayari ang magaganap ng dahil lamang sa kapabayaan.

Isang Tao lang ang may pakana.

ISA NGA LANG BA?
----------
Takbo lang ako ng takbo. Ayaw kong lumingon sa humahabol sa akin.

"You can run but you can't hide!"

Hindi. Hindi ko pa katapusan to. nanginginig na ako. Alam ko ilang sandali na lang at babagsak na ako.

"Huli ka!" hinawakan niya ang aking braso. nagpupumilit akong makawala. gusto ko pang mabuhay.

"M-maawa k-ka" naglabas siya ng isang makinang na bagay at ito'y tinusok sa aking katawan ng paulit-ulit. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagbaon nito sa aking katawan.

Lumingon ako sa paaralan na aking pinapasukan, maraming ala-ala ang hindi ko makakalimutan. Dahil sa larong ito. Unti unti kaming Namatay.

"HAHAHAHAHA! GAME OVER! PAALAM SAYO!" ngumiti siya sa akin bago ako bumagsak sa lupa.

Isang larong nakakamatay
Isang larong maaring sumalba sa buhay
Isang larong maraming biktima
Isang larong iisa lang ang may pakana.

IISA NGA LANG BA?

NOW PLAYING: A DEATH OF CARDS

-------------

<lizzie_Midford4real signing in>

A Death of CardsWhere stories live. Discover now