"WELCOME LOBELIAN'S!!"
MARIELLA'S POV
Naglalakad ako sa malamig na hallway ng North Building. Masasabi talagang napaka-elegante ng paaralan na ito. Mula sa disenyo, sa paraan ng pagkakagawa at higit sa lahat ang mga estudyante dito.
Napa-sulyap ulit ako sa hawak kong form kung saan ko makikita ang section ko. Nasabi naman na sa akin ng vice principal kung saan ko matatagpuan ang room.
Hinanap ko kaagad ang 4-A sa 6th floor at yon sa vice principal nasa dulo daw ito.
"4-A" basa ko sa naka engraved sa taas ng pintuan pero may nakadikit na note sa mismong pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ko basahin ang note.
"All 4-A students please proceed to the Auditorium right away."
-Principal
Auditorium? Sa pinaka baba pa yun. Buti na lang may elevator sa school na to.
<TING>
"Good Morning Miss" bati sa akin ng isang lalaking mga nasa mid 30's.
"Good morning po" akmang pipindutin ko na yung "G" ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Agad akong nakadama ng takot at kaba.
Biglang tumawa yung lalaki ng pagkalakas lakas."Wag kang matakot miss. Trabaho ko lang ang magtanong kung anong floor kaso nga lang naunahan mo ko sa pagpindot. Sorry miss" napa sigh ako sa ginhawa kala ko kung ano ang mangyayari.
"Sa Ground floor po"
<TING>
"Ingat ka miss. Wag kang magtitiwala kaagad" yumuko lang siya at lumabas na ako. Teka, di ko pala alam ang papuntang auditorium.
"SIR!" Pagminamalas ka nga naman nakasarado na yung elevator.
Kung kani-kanino na ako nagtatanong pero wala man lang sumagot sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa pagtatanong hanggang sa may nagturo na sa akin kung saan ang auditorium.
Habang ako'y naglalakad di ko namalayan na may nabangga akong matandang babae.
"Sorry po" tinulungan ko siyang kunin yung bitbit niyang gamit.
"Salamat ineng" pag angat niya ng ulo para siyang nakakita ng multo.
"Walang pong ano man-"
Bago ko pa man matapos ang aking sasabihin bigla niya na lamang akong hinawakan sa balikat ng sobrang diin.
"Ineng, umalis ka na dito hangga't maaga pa"
"P-po?" Umalis? Kakapasok ko pa nga lang.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Tanong ng guard. Nagulat ako kay manong guard, kelan pa siya nandyan.
"Umalis ka na dito hanggat maaga pa!!! Tiyak na magsisisi ka sa huli. Inen- ano ba!! Nanganganib ang buhay niya!!!" Dinakip siya bigla.
"Ano ba manong nasasaktan siya!" pagpipigil ko pero di ako pinakinggan ni manong guard hanggang sa makalayo sila. Puro mapapahamak siya ang naririnig ko. Natatakot man dumaretso pa din ako sa auditorium.
<Auditorium>
Malapit na ako sa auditorium ng makaaninag ako ng isang tao sa likod ng puno. Nakatingin lang siya sa mga taong pumapasok sa auditorium. Lumapit ako sa kanya. Out of curiosity e.
"Hi" bati ko, halatang nagulat siya. "Sorry, nagulat ata kita. Ano palang ginagawa mo dyan?" Di niya ako pinansin at umalis ng walang sabi sabi. Ok? This school is pretty weird.
The students are also weird. Even him. Yes lalaki siya. Dumaretso na lang ako sa glass door. Ang laki pala talaga ng auditorium. Kung sabagay isa itong prestihiyosong eskwelahan.
Sa may pintuan may nakita akong dalawang box na may logo ng playing cards. May naka indicate dun na letter.
~Please pick a card~
-Sho&Shamzee
Sho&Shamzee? Tinignan ko na lang yung box na naglalaman ng playing cards. Diamonds and Spade.
Kinuha ko na yung nag-i-isang card sa diamond wala na rin namang card sa spade eh. Pagkakuha ko ng card pumasok na ako sa auditorium. Nagsitinginan ang lahat sa akin na parang galit at yung iba naman ay awa, Ngumiti na lang ako.
I feel the akwardness/tense. Lumapit na lang ako sa kanila para naman maka relate ako kung anong nangyayari. Kinalabit ko yung babaeng nasa harapan ko.
"Miss, Anong meron?" Sambit ko sa kanya, Lumingon lang siya sa akin at sumimangot.
"Kung ako sayo dapat di ka na pumasok dito" napalingon ako sa katabi ko. "Ha? Bakit naman?" Naguguluhan na ako dito. Ano bang meron at pinapaalis ako dito. Ngumisi lang siya sa akin at tumingin na ulit sa harap.
Napa singhap na lang ako.
"Hi! Newbie ka lang? Ay tanga, malamang" hinanap ko kung kanino nanggaling yung boses nasa likuran ko lang pala, Ngumiti siya sa akin. Ang ganda niya halatang friendly siya.
"Hi, ako pala si Mariella Moselle" nilahad ko yung kamay ko at masaya naman niyang tinanggap.
"I'm Angel Jaya. Nice to meet you newbie este Mariella." di ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
Yung mukha niya biglang nagseryoso, creepy i guess. Lumapit siya sa akin at bumulong
"Kung ako sayo dapat umalis ka na habang may oras pa" her voice made me shiver. Pagkatapos niyang sabihin yun bigla na lang dumilim. "Uhm, what happened to the lights?"
"Oops, Times up there's no turning back now. Welcome to First Section new-bie" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at tumingin na lamang ulit sa harapan.
"Good Morning Ladies and Gentlemen!" Bati ng isang tinig.
"THE SHOW IS ABOUT TO START" Di ko na lang pinansin yung sinabi ni Angel at nagfocus na ako sa pakikinig. Tahimik lang kaming lahat.
"13 boys and girls. 25 must die and 1 will survive. Pero mas maganda kung wala ng matitira. Diba?" isang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan niya. Para akong na suffocate at nanghina.
Samo't saring reaksyon ang maririnig mo sa buong Auditorium. Marami rin ang natatakot Mapa lalaki man o babae, kasama na ako. Pero kahit kinakabahan di ako nagpakita ng takot o ano mang emosyon.
"First Section, First Section. Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. You better watch your backs"
"Our beloved First Section. Find us and you'll be saved. Dahil buo na ulit tayo bat' hindi natin ipag-patuloy ang naudlot na laro, isang daan na siglo ang nakakalipas?"
Isang laro na maaring maging sanhi ng kamatayan o buhay man. Isang pagkakamali na lumipat ako sa lugar na ito.
--------
All rights reserved 2016Disclaimer hindi akin ang vid.

YOU ARE READING
A Death of Cards
Mystère / ThrillerIsang larong nakakamatay Isang larong maaring sumalba sa buhay Isang larong maraming biktima Isang larong iisa lang ang may pakana. IISA NGA LANG BA? NOW PLAYING: A DEATH OF CARDS