Mariella

"Mariella" lumingon ako sa kung sino man ang tumawag sa akin.

"Bakit Sapira?" Sapira Bleu, Kilala ang pamilyang Bleu sa Restaurant industry. Nagtatakha man kung bakit niya ako tinawag ay di ko namang sinasadyang mapatingin sa wrist niya.

Nanlaki ang aking mata sa ginagawa niya. "S-sapira anong ginagawa mo?"

Sumenyas siya sa akin na lumapit. Nanginginig akong lumapit sa kanya, di ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at inagaw ko sa kanya yung swiss knife.

"Ano bang problema mo!?" Gigil na gigil siyang lumapit sa akin hanggang sa sinampal na niya ako.

"It feels so good. Mariella please let me hit you one more time. Please I'm begging you" halata sa mukha niya yung pagmamakaawa.

"LET ME GO! ANO BA!!!!!" Napa-sigaw ako wala sa oras at na-itulak ko siya ng marahas. Her sadistic side is showing. Sapira Bleu the Sadistic One, there's a tendency na isa siya sa dalawang hayop na nagbabanta sa amin ngayon.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Tanong ni Romeo, Ang class president he may look like a nerd pero he's a devil behind that.

"S-she pushed me Romeo ng walang dahilan." What the?! Ba't ako ang nababaliktad.

"Siya ang nauna!" Giit ko. Di ako pinansin ni Romeo at tinulungang tumayo si Sapira.

"Kebago-bago mo pa lang dito, wala kang karapatan na saktan ang mga kaklase mo. Naiintindihan mo ba?" Maawtoridad niyang sinabi.

Yumuko na lang ako at tumango, wala rin namang silbi kung makikipagtalo pa ako sa kanya. They're insane.

------------

Nakapitong subjects kami ngayong araw. It means study time is over. Pumunta muna ako sa Refractory para kumuha ng Orange Juice nang Mag-open yung T.V at tumambad sa akin ang taong nakamaskara.

"Good afternoon first section. Alam niyo ba nabuburyo na ako. I wanna kill all of you. And i'm so super excited na to do that" boses babae na ewan. Shamzee.

"I'll definitely kill all of you. Walang matitira walang mabubuhay. Matitikman niyo rin ang pait ng paghihiganti ko sa inyong lahat"

Titig na titig lang ako sa screen na nasa harapan ko. "Maraming salamat din Mariella Moselle at kinumpleto mo kami. Sa wakas magagawa ko na ang dati ko pang nais gawin"

Kusang namatay ang screen. Umalis na ako sa refractory at pumunta na ng dorm.

"Mariella Moselle" basa ko sa pinto. Pumasok na lang ako sa kwarto. Humiga na agad ako sa kama. I feel exhausted. I slowly closed my eyes.

Narrator's PoV

Hingal na hingal na tumatakbo ang isang estudyante na tila ba may humahabol sa kanya.

"PLEASE LUMAYO KA SA AKIN!!!" Sigaw niya. Takbo lang siya ng takbo hanggang sa narating niya ang isang abandonadong gusali.

Nagtago. Tumahimik. Umiyak. Sunod sunod na mga yapak ang kanyang mga narinig. Hanggang sa tumigil ito sa tapat ng kanyang tinataguan. Pigil hininga siyang magdasal at sa wakas nakahinga rin siya ng maluwag ng lumayo na rin ang mga paa. Laking ginhawa niya kaya't agad siyang sumilip na di na dapat niya ginawa.

"Boo. Found ya" isang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan ng estranghero. Agad siya nitong hinawakan ngunit buong pwersa siyang nagpumiglas. Sa buong makakaya tumakbo siya palabas ng abandonadong building at kinuha sa bulsa ang kanyang cellphone. Isa isa niyang tinawagan ang mga nasa contacts niya.

But in vain walang sumasagot sa tawag niya. Napako ang mata niya sa isang pangalan ng contacts. Hindi niya alam kung tatawagan niya ito o hindi. Napalingon siya sa likod. Malapit na sa kanya yung humahabol sa kanya.

Calling.. Mariella Moselle

"Sumagot ka please-"

Mariella's PoV

Nagising ako sa sunod sunod na pag ring ng aking cellphone. Ano ba yan dis oras na ng gabi. Kinusot kusot ko pa yung mata ko at antok na antok na sinagot ang tawag.

"H-hello?"

"Thank goodness you answered!" Kumunot ang aking noo. Inilayo ko ang aking cellphone sa tenga at binasa ang caller i.d

"Ano ba yon? Inaantok na ko huhu"

"P-please mariella. H-help me. Please"

Naidilat ko ang mata ko at napatingin sa Wall clock. 2:49 am

Ang lakas din ng trip niya eh no. "Ano ba sa iba ka na lang mag prank"

Inis kong sabi. "I'm not pranking you mariella! T-this is s-serious. I'm at the East side of SLA near the Science Laboratory. Please mariella. Someone is chasing me"

Puno ng pag mamakaawa ang boses niya. Fudge mukhang totoo na to.

"Please hurry- toot toot"

"Hello?"

Napatingin ako sa caller i.d at End call na ito.

P-Please mariella. H-help me.

Napabangon agad ako sa pagkakahiga at isa isang kinatok ang mga kwarto ng kaklase ko.

At ng lahat sila ay nasa living room na.

"Ano ba yun mariella?" Inis na tanong ng mga kaklase ko.

Huminga muna ako ng malalim at isinalaysay sa kanila ang lahat. Ngunit hindi sila naniniwala sa akin.

"Urgh. Ano ba it's obvious naman na pinagtritripan ka lang niya. C'mon"

"Argh inaantok pa ako"

"Guys c'mon she's just making this up"

Napanganga ako ng isa isa na silang nagsipasukan sa kani kanilang kwarto at naiwan akong mag-isa.

Hindi pwedeng gawa gawa lang ito. Kahit na nilalamig pabagsak kong isinara ang pinto at tinahak ang daan papuntang east side. Dala ang cellphone na nagsisilbing liwanag dahil sa flashlight at isang tubo na napulot ko kanina ay pinuntahan ko ang east side.

Ilang ulit kong sinigaw ang pangalan niya ngunit huni na lamang ng mga pang gabing ibon ang aking naririnig.

I was about to turn around ng may marinig akong ingay galing sa likuran ko bago pa man ako maka-alis isang malakas na hampas ang aking natamo

Ngunit bago magdilim ang lahat, narinig ko pa ang sinabi niya.

"It's too early for you to meddle in our plans. Goodnight for now Mariella"

At doon na nagdilim ang paligid.

---------------------------

Vote, comment and Spread 😂

A Death of CardsWhere stories live. Discover now