Ang mga mata...
Na naghayag ng damdaming kay tagal kinimkim
Nalahad sa isang pagkakataon, dahil sa isang tingin
Pumukaw sa tulog na diwa at emosyong 'di mawaglit
Sana'y mahalin ang katahimikan at tumitig kahit saglitAng mga labi...
Na nagbitaw ng mga matatamis na pangungusap
Sa bawat ngiting ibinigay, sumunod at nangusap
Di man natin pansin, ngunit bahala na ang bibig
Sa nais nitong gawin, sa puso ito'y kakabigAng mga kamay...
Kumaway, noong unang pagkakilala
Humawak sa malamig na palad, iyo pa bang naaalala?Dalawang parteng nagbigay ng iisang kalinga
Sa takot, sa tuwa, sa lungkot at sa t'wina
Ang mga paa...
Na sumunod sa direksyon
Kung nasaan ako, nandun ang tunay na destinasyon
Ang pagsama sa'kin saan man mapunta
Maski walang kasiguraduhan, basta't ikaw ang kasama
Ang puso...
Na humigit sa lahat ng nabanggit
Kayang magpahayag ng mga 'di kayang masambit
Ang nagbigay buhay sa mata, labi, kamay at paa
Ay ang pusong tumitibok, kahit 'di ito nakikita
BINABASA MO ANG
Ang Mata, Labi, Kamay, Paa at Puso
PoetryTunay nga na mas marami pang gustong sabihin ang puso kaysa sa bibig. Maraming bagay ay hindi kayang sabihin, maraming bagay rin ang hindi kayang aminin. Bibitawan mo ba na parang lubid ang mga katagang yan? Ingat ka lang dahil 'pag lalong mahigpit...