True Love Waits

15 0 0
                                    

Hi, Natatandaan niyo pa ba ako?

Ako nga pala ulit si Jell. Yung babaeng na in love kay Vins.

1 Year and 2 Months na kami, akalain niyo yun. Matutuloy parin pala ang love story namin na akala natin na tapos na :)

Pero this time sobrang seryoso na ng mga away namin, di tulad nung dati. Natitiis na namin ang isa't isa na magkagalit ng ilang araw minsan linggo pa. Masyado nang mataas ang pride namin. Sabi nila siguro nag sasawa na kami sa isa't isa, masyado na daw kaming open sa isa't isa alam na namin ang lahat ng kailangan malaman sa isa't isa wala na daw bago samin dalawa. Yung iba naman sinasabi na baka nawawala na yung feelings at may nagugustuhan nang iba..

Month of June

Malapit na ang Anniversary namin ni Vins! Bagong school, bagong kaibigan, bagong mga kaklase. Bakit ako lumipat sa All Girls School? Para kay Vins. Iniwan ko mga kaibigan ko mga kabarkada, ang school ko para sa kanya. Pero habang tumatagal mas nagiging malala lang ang relationship namin.

Meron kasi siyang mga kaibigan sa New School ko. Mga higher batch sila, 3rd year lang ako sila 4th year. Habang tumatagal napapansin ko mas nagiging close si Vins sa kanila. Usually sa Twitter ko nababasa. Secret on lang kasi kami ni Vins eh. Ang alam ng iba wala na kami, matagal na. Pero mali na ba yung magalit at mag selos? malay ko ba kung may gusto sila kay Vins. 

July

Nag away nanaman kami ni Vins, Sobrang nasasaktan na ako sa mga nababasa ko sa twitter. Parang sila sila nalang laging magkausap. Parang wala nalang talaga ako kay Vins. Siguro nawawala na talaga yung feelings niya sakin. Hanggang sa nag away nanaman kami dahil dun. Hinid siya nag sorry or kahit ano. Pride niya yung inuna niya. Wala naman daw silang ginagawang masama. Oo wala nga pero nakakasakit parin. Hindi naman sa sinasabi ko na bawal na siya makipag usap sa mga babae pero sana may limitations parin yung convo nila. Nakakasakit kasi eh. Kasi sa side ko alam ng mga kabarkada ko na kami parin. Proud ako eh, Mahal ko eh.

Hanggang sa umayaw na talaga si Vins. Official na wala na kami.

Days passed sobrang nasasaktan parin ako sa nangyari. Parang di ko kaya ng wala siya. Sobrang daming memories na eh, sobrang naging attached ako sa kanya. Araw araw nalang akong clingy sa kanya. Parang hindi kumpleto yung araw ko kapag hindi ko siya nakakausap.

Lumipas ang ilang linggo, Madaming nag add sakin sa facebook, nag follow sakin sa twitter. Madaming nakipag kaibigan sakin madami din ang umamin sakin na nagkakagusto sila sakin. Oo sinasabi ko sa kanila na Single ako. Pero hindi ako nagpapaligaw kasi hinihintay ko parin si Vins. Ngayon wala parin nangliligaw sakin. Pero mga kaibigan ko parin sila. Sila yung mga nag a-advice sakin kapag nagkakaron nanaman kami ng problema ni vins. 

Meron akong nakilalang kaibigan, Sobrang maka Diyos niya. Aaminin ko hindi ako yung tao na maka diyos o nag sisimba. Bihira lang ako mag simba. Pero etong kaibigan na 'to sobrang dami niyang nabago sakin. Kapag nag a-advice siya sakin gumagaan yung pakiramdam ko. Feeling ko makakahinga na ulit ako ng maluwag. Napaka bait niya, Sobrang faithful, Sobrang bait, gentleman at ayun nga Maka Diyos. 

Dahil dun nagka crush ako sa kanya, humanga ako kasi ang ganda ng ugali na pinakita niya kahit na minsan nagiging masama na ako sa kanya. Pero hanggang dun lang. Kasi kahit gano kasakit yung ginawa ni Vins mahal na mahal ko parin siya.

Sabi ng mga kaibigan ko tanga na daw ako. Masyado na daw akong mapagbigay sa iba na hindi ko na naaalagaan ang sarili ko. Bakit daw kailangan si Vins nalang ang lagi kong uunahin. Madami pa daw iba dyan, madaming nagkakagusto sakin bakit daw di ko kayang pigilan na hindi mahalin si Vins? Ang masasabi ko lang siya ang pinaka unang boyfriend ko na sineryoso ko at siya ang nakasama ko ng napaka tagal. Kung makausap ko lang siya saglit masaya na ako. Pero ngayon bihira nalang kami mag usap, Parang naging busy siya sa ibang bagay. Iniintindi ko nalang siya. Eto. Naghihintay parin ako. Nagbabakasakaling balikan niya pa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon