Lane One

33 3 1
                                    

"Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it."

- J.K. Rowling, Harry Potter and the Goblet of Fire


SINK IN


Eli: Bel, hindi na ako makakapag-enrol next sem.

Ito ang bungad na text sakin ni Eli sa umagang iyon. Si Eli ang current boyfriend ko. We started as friends, tropa actually. Nag umpisa sa asaran. And the next thing I knew, magka holding hands na kami nung acquaintance party habang tumutugtog ang battle of the bands.

After nun, lalong lumakas ang asaran ng tropa. Biglang nauwi na sa ligawan. Hindi ko alam kung nadala lang siya ng asaran ng tropa o talagang gusto niya na din ako pero bigla na lang kami na. At hindi nagtagal, unti unti ko na din siyang nagugustuhan.

We are just on our 28th day when I received the text. Weekend non at nasa bahay lang ako and nag aayos ng bookshelf ko. Patapos na din ang semester at babalik na lang kami sa school the next week para kumuha ng classcards.

Ako: Ha? Bakit? Anong nangyari?

Itinigil ko ang ginagawa ko at nag focus sa text naming.

Eli: Family problems eh. Dad wants me to shift courses and he wants me to transfer to another school :(

Ako: Dahil lang doon?

Eli: Bel, hindi iyon simple lang. Alam mo naman na broken family kami di ba? Dad suddenly wants to be a father and dictate our lives. Mom don't have a choice but to follow as well. You know, para makuha ulit si Dad.

I sighed. After how many years na binalewala sila ng Dad niya, bigla itong bumalik para diktahan ang mga anak. I can't blame his mom. Nabalewala siya ng mahabang panahon at kung kakampi siya sa dad nila Eli ay posibleng magpabalik ng atensyon sa kanya ng dating asawa.

I jumped when my phone vibrated. Eli is calling.

"What's your plan na? Saang school ka lilipat? Paano na tayo magkikita?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Actually, that is the reason why I am calling you. Ayoko naman sabihin sayo through text. I don't have time to go there na din to say this because we are moving to Dad's house na."

"Eli, you are making me nervous. Ano ba yung sasabihin mo?"

"Bel, I am breaking up with you."

I froze. Tama ba ang narinig ko? Eli is breaking up with me. He is breaking up. With me.

"Bel? Hello Bel? Are you still there?" tawag niya sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan. Totoo bang nangyayari to?

"I'm... still here." I can't breath. I am shocked. I am speechless. "Bakit Eli? Are you serious? Why are you breaking up with me?"

"Look, Bel. I am going to transfer to other school. We will not be seeing each other regularly. What if hindi natin kayanin? What if hindi ko na magampanan ang pagiging boyfriend sayo dahil baka magkulang ako sa time? I think this is the best for both of us."

"You think? Huh? Eli, you think this is the best? Your what ifs are bullshit. You are just making an excuse to dump me. And you are such a coward. Breaking up with a girl through phone. Ni wala kang lakas ng loob to say that to my face. You. Are. Such. A. Jerk." and I hung up.

I run to my bathroom and lock the door. Hindi ako makapaniwala. 28 days. That must be the shortest time I am in a relationship. Hindi niya man lang pinaransa na magcelebrate kami ng monthsary. Dalawang araw na lang. Ganun ba siya kaatat na hiwalayan ako? Pero hindi yun ang nagpapagalit sa akin. The thought na sa phone siya nakipagbreak? Yun ang nagpapangitngit sa akin ngayon.

What is it with boys? Pagkatapos kang pakiligin, kapag unti unti ka ng nagkakagusto sa kanila bigla ka na lang bibitawan? Tapos wala ng sasalo sayo kapag bumagsak ka. We started out as friends. I thought it will be a good foundation. Umasa nanaman ako. Kaya eto, lugmok nanaman ako.

I cried in my bathroom until I am numb to feel my eyes. At hanggang sa wala na akong mailuha. I want to rest. I am closing the door to my bathroom when the door to my room opened. Pumasok si Dean, my brother.

"Ate, peram ako nung ano mo -" naputol ang sasabihin niya at napatingin sa akin. "Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?"

Humiga ako sa kama at nagtaklob ng kumot. "Hindi ako umiyak. Nakagat lang ng langgam yung mata ko. Hanapin mo na lang dyan kung anong kailangan mo."

Hindi sumagot si Dean. I just heard how he rummaged through my things. First year high school na ang kapatid ko. At hindi siya tanga para maniwala sa excuse ko kung bakit maga ang mata ko. The hell I care. I just had my heart being broken. I need to rest.

*************

Monday.

I wish I can skip this day. I wish I don't have to be there. But I have to accept the fact na kahit anong iwas ang gawin ko,magkikita at magkikita kami. I cried all weekend. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. I thought I am numb to feel pain. This is not the first time I have been rejected. Iba-ibang experiences, but I felt the same - hurt.

Now what should I wear? I smirked. Nakakatawang isipin. Broken hearted na ako at lahat, problema ko pa din ang isusuot ko papuntang school. Kung sabagay, I am going to face a new enemy. I have to be atleast prepared, right? I have to look okay and make him regret what he did.

I checked my closet and saw one of my blouses na hindi ko pa naisusuot. Tinignan ko ito at nakita kong may price tag pa. Nice. It is a red blouse na mababa ang likod. Hindi naman siya backless, pero kumbaga sa harapan, mababa ang neckline. I can wear this. Naligo lang ako at nag-ayos at dumeretso na papuntang school.

Habanag palapit ako ng palapit sa gate ng school, hindi ko maiwasang kabahan. Heart, please don't stop beating. Unti-unti, parang biglang tumitigil ang oras habang palapit ako sa gate. Pagpasok ko, bumungad kaagad sa akin ang tambayan ng tropa. Kumpleto sila. They are laughing na para bang may napagtripan nanaman sila o ano. And then I saw him. And everything went in slow motion.

Gusto ko siyang sampalin o kaya suntukin. Gusto ko siyang murahin. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano ako nasasaktan. Until my eyes get blurry. Hindi ko na napigilan. Umagos nanaman ang mga luha kong hindi pa napapagod lumabas.

Ni hindi ko na naramdaman ang paglapit at pagtahan ng mga tropa kong babae. At narinig ko ang boses niya.

"Bel..." marahang tawag ni Eli habang papalapit siya sa akin.

Boses niya pa lang ang narinig ko pero nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko. Napansin iyon ng mga tropa kong babae at inilayo nila ako sa tambayan ng tropa. Dinala nila ako sa ibang pwesto at tinanong kung bakit bigla na lang akong nagkakaganon.

"Eli... Si - si Eli... Break na kami..." sabi ko sa pagitan ng pag iyak.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na akong humagulhol. I am aware that I am making a scene. Some of the students are looking at us. Shit pero hindi ko mapigilan. Gusto kong ilabas lahat. Ang sakit sakit. Para akong namatayan kung umiyak. Pero sabagay, meron naman talagang unti-unting namamatay sa akin. Ang puso ko.

"Bel, please. Huminga ka ng malalim. Talk to us." sabi ni Cindy.

"Shit. Eli is coming..." nag aalalang sabi naman ni Mina.

Nakuha nito ang atensyon ko at napatingin sa direksyon ni Eli. But I was taken aback. I am not hallucinating, right? Minumulto ba ako? Buhay pa naman siya ano? Wala pa namang nagbabalita sakin na patay na siya. Pero bakit parang multo ang nakikita ko? Naguguluhan akong tumitig sa kanya. Pero ibang tao talaga ang nakikita ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pag-iyak. I am looking at Eli pero ibang tao ang nakikita ko sa kanya. Ibang lalaki. Isang lalaking ni hindi ko inaasahang maiisip ko pa.

And then it hit me. The most painful and heart-breaking feeling I experienced one year ago is finally sinking in. Tumayo ako at tumakbo palabas ng school. This is not good. This is bad news.


Love LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon