Lane Two

26 3 5
                                    

"Ghosts don't haunt us. That's not how it works. They're present among us because we won't let go of them." 

- Sue Grafton, M is for Malice


MEMORY BOX


Tumakbo ako palayo sa mga kaibigan ko. Tumakbo ako ng mabilis palabas ng school. No, no, no. It can't be.

Coding ang isang sasakyan namin na service naming magkapatid kaya nagcommute lang ako papuntang school. Hinihingal akong nakarating sa sakayan ng taxi. Buti na lang walang masyadong tao kaya mabilis din akong nakasakay.

Malapit lang ang subdivision namin sa school kaya mabilis din akong nakarating sa bahay. Si Manang Linda ang nagbukas sa akin. Napansin niya siguro ang pagmamadali ko at namumugto kong mga mata kaya hindi niya na ako inusisa kung bakit maaga akong umuwi.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Mataas ang hagdanan namin at nasa attic ang room ko pero naakyat ko yun ng mabilis lang. Adrenaline rush? I don't know.

Pagdating ko sa kwarto ko, agad ko itong nilock at dumeretso ako sa closet ko. Nasaan na yun? I asked myself.

I am looking for a box. Alam nyo yung malalaking box sa Papemelrotti? I have one of those. The biggest one. Nandoon lahat ng memorabilia na connected sa high school life ko. I almost forgot that I have it until this morning. At isang mukha lang ang hinahanap ko sa box na yun.

I saw it on the top corner of my closet. Maalikabok. Kagaya ng alaala ko. Akala ko matatabunan ko na yun at di na muling maaalala. Pero bakit nangyayari ito? I am hurt because Eli broke up with me. But I suddenly felt nothing against him the moment I saw that face through him. Isang mukha na hindi ko inaasahang bigla na lang susulpot ulit sa kung saan. At hindi ko maintindihan iyon.

Hinipan ko at pinunasan ang alikabok sa paligid ng kahon at ipinatong yun sa aking kama. Umupo ako ng pa-indian sit at huminga ng malalim. I know what I am looking for. And I honestly don't know kung anong mapapatunayan nito sa mga nangyayari sakin ngayon.

My hands are shaking while I am opening the box. At napabuntung hininga ako ulit ng masilayan ang loob nito.

Sa matagal na panahon na nakatago ito, halos hindi ko na maalala na ito pala ang mga laman nito. There is a corsage, rose petals, letters, diary, pictures at kung anu-ano pa. Pictures! Hinalukay ko ang mga litrato and I finally saw what I am looking for.

Isa lang ito sa mga litratong kuha naming dalawa. At kapag sinuswerte ka nga naman, ang una ko pang nabunot eh yung unang picture naming dalawa. When I looked at it, I remember how happy we are that night. That was the night I said yes to him. Acquaintance party iyon para sa bagong school year at second year high school kami nun.

Sunod kong tinignan ang diary. I remember this. Ito ang piping saksi ng mga hinagpis at kasiyahang naramdaman ng puso ko noon. I remember a movie that said, people who write in a diary are those who are alone and lonely. But I don't believe it. Writing your thoughts is one way of coping. Yes, I have friends. Madami sila. Pero kahit na nailabas ko na lahat sa kanila, iba pa din ang ginhawang naidudulot ng pagsusulat ko.

This diary was my security blanket during those times. You can vent out all your anger, feelings or thoughts to your friends but you cannot let them have the burden of looking for you at all times. Kahit pa sabihin na nandyan lang sila lagi para sayo, naniniwala akong kailangan mong limitahan ang sarili mong umasa sa kanila.

I scanned the pages and smiled to myself. Shet. Medyo madami na din pala akong pinagdaanan. Seeing how I am still bubbly, energetic and all? Hindi din ako makapaniwala na maayos naman ako. But not until this morning.

Love LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon