Lane Three

20 2 1
                                    

"Scars have the strange power to remind us that our past is real."

- Cormac McCarthy


TIMANG SA NAKARAAN


May mga pagkakataon talaga, na kahit hindi naman maulan eh malungkot at madilim ang mundo mo. Although hindi naman nirerepresent ng ulan ang kalungkutan, aminin na natin madalas may mga nag mumuni-muni kapag ganito ang panahon.

Medyo apat na araw na akong nagkukulong sa kuwarto ko. Tulala, hindi halos kumakain, mugto ang mga mata at mukang ewan.

Sa totoo lang, naiisip ko naman na dapat hindi ako nagkaka ganito. Isang taon na kaming hiwalay ni Ian. Oo, yung lalaking kasama ko sa picture na hanggang ngayon hawak ko pa din, ang pangalan niya ay Ian.

I smiled to myself sarcastically. Mamiristi  (Waraynon expression na parang "pisti"). Napaka common ng pangalan niya, pero yung pinagdaanan ko sa kanya?...

Tinitigan ko yung picture. Hindi ko maisip na ngayon ko lang ipinagluluksa ang puso ko dahil sa kanya. Tama nga ang mommy.

I have been thinking a lot from what she said. That time, after 6 months without having communication, I finally got the chance to text him, blangko lang ako nung aminin niyang meron na siyang iba. I broke up with him through text, dahil ayoko siyang kausapin. He tried to call me, but I turned off the phone.

After that, hindi ko na siya inisip. Galit ako. Sobrang galit na mas ginusto kong hindi mag mukmok. Kaya siguro nakalimutan ko na kung gaano ko siya kamahal. Kasi wala akong ibang nararamdaman kundi ang galit ko sa kanya.

And then I entered college. I met new friends, nalibang ako sa classes, naging busy and there's Eli. And here I am. Mukhang timang.

Gusto ko na nga pagtawanan ang sarili ko eh. Sabagay, tatlong taon din naging kami.

Natapos ko ng basahin yung diary ko, kaya nga maga ang mata ko kakaiyak. Ang pag-iyak na nga yata ang bagong hobby ko ngayon.

Reading the diary, it brought a lot of memories. Masaya at hindi masaya. Naaalala ko na din yung puno't dulo ng kahibangan ko sa kanya. Kung bakit at paano...


****************

Four years ago, I am living my life as a normal 13 years old. Goofy, friendly, girly. Hindi gaanong matalino, pero average naman.

Nagkaisip ako na masagana kami sa buhay. My dad owns a construction company and manager niya si mommy and aside from being the manager of dad, is operating sari-sari stores within the vicinity of our barangay.

Lagi silang wala sa bahay at katulong lang ang kasama namin. Gigising kami ng wala na sila at matutulog na wala pa sila. But on weekends, especially on Sundays, we always go to church in the morning and mag-mall afterwards.

I can say that my family is perfect. I have a dad who is a good provider. He is so hardworking and yung tipong hindi pa namin hinihingi, binibigay niya na. Sobrang bait niya at hindi siya madamot sa pera. Sa mga empleyado nya man sa opisina o sa mga CB (conctruction boy) na workers niya. Lagi siyang naghahanda ng malaki tuwing birthday niya at nag papa summer outing sa lahat ng empleyado at mga pamilya nito tuwing anniversary ng kompanya. Kapag Christmas naman, napupuno ng mga regalo yung ilalim ng Christmas tree namin para sa mga pa raffle. I always admire my dad. He is so humble na kapag hinahatid niya ko sa school nung elementary ako, aakalain mong sya yung driver at hindi tatay ko. Hindi kasi siya pormal manamit.

Ako ang panganay. At gaya ng sabi ng karamihan, iba daw ang connection between a father and his first daughter. Kaya siguro daddy's girl ako. Sa sobrang pag-idolo ko noon sa kanya, I dreamed that someday, when the time comes that I met someone, my dad will be my standard. Funny, humble, kind and loving.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon