Ang hirap pala magmahal?
Halos naibigay mo na sa kanya ang lahat, yung atensyon, oras at maging ang effort mo para mapasaya siya.
Pero in the end sasaktan at iiwan ka rin lang naman niya.
Ang sakit diba? Parang papel na wala nang silbi pagkatapos sulatan o di kaya naman ay nagkaroon lang konting mali sa pagkakasulat ay itatapon lang basta-basta.
Hindi nanghihinayang.
Wala naman kasing taong perpekto, ano? Kung ang lapis nga may pambura para kung sakaling magkamali at maari pang maitama. Ganundin naman sa tao ngunit para maitama mo ang pagkakamali mo yun ay ang aminin mo sa sarili mo na nagkamali ka at handa kang humingi ng tawad sa kanya.
Ang sakit din yung tipong pagkatapos ng pinagsamahan niyo ay hindi ka na niya magawang maalala. Lalo na siguro yung iiwan ka na lang bigla ng walang pasabi o paliwanag.
Ang bilis din masira ang isang relasyon lalo na kung maraming balak sumira nito. Yung tipong wala ka namang balak siyang saktan pero ang mga tao sa paligid mo ang gumagawa ng paraan para saktan siya.
Nagiging komplikado lang naman ang isang relasyon kung maraming nakikialam. Wala silang pakialam, basta ang gusto lang nila ay ang masira kayo. Kung tutuusin hanggat maraming nakakaalam sa relasyon niyo ay maraming makikialaman. Pero mapipigilan mo rin naman yun kung hindi ka magpapadala sa kanila. Kung hindi ka magpapakita nang kahinaan mo at kahit anong gawin nila ay wala pa rin silang balak sumira nang isang relasyon.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
HumorMga hugot ng aking pusong sugatan simula ng iwan at saktan mo, maging na rin ng utak kong ikaw halos ang laman. (frm my fb accnt notes)