Tulang alay ko para sayo

6 0 0
                                    


Sa bawat pag-ihip ng hanging malamig sa gabi

Aking ipipikit ang mga matang minsan mo nang pinaluha

Ngunit sa aking pagpikit

Iyong mukhang napaka-amo ang aking nakikita

Iyong mga matang mapupungay

Maging iyong pagtawa ay akin ring naririnig na wari ba'y nakakahawa

Naririnig ko rin ang pagtawag mo sa aking pangalan habang sinasabihan

Nang "Mahal Kita"

At ako naman ay lalapit sayo para yakapin ka't sabihin ring

"Mahal Kita"

At habang yakap kita'y naamoy ko ang iyong pabango na animo'y nakakabaliw

Ngunit habang kita sa aking mga bisig bigla ka na lamang humiwalay

Sapagkat nakarinig ka ng isang tinig na tinatawag ang iyong pangalan

At sa pagkakataong ito ako ay tumatangis, nagmamakaawang

"Huwag mo akong iwan"

Pero ito'y iyong binalewala at tuluyan ka nang kumawala sa aking mga bisig

Ika'y lumayo at nilapitan ang tinig na kanina ka pa tinatawag

Sa pagkakataong 'yon ako'y naiwang mag-isa

Umiiyak, nagmamakawa at umaasang lilingon ka pa sa akin

Upang muli akong hagkan at hindi na bibitaw

Nagkamali ako dahil hindi ka na bumalik

Tuluyan mo na akong tinalikuran, iniwang bigo, durog ang puso ng dahil sayo

Kaya akin nang unti-unting idinilat ang matang iyong binulag

Sa simula nang mahalin kita

At nagising na lang sa katotohanang kahit kailan

HINDI KA NA BABALIK at MAGIGING AKIN MULI.

Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil dumating ka

At binigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka hanggang sa huli.

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon