Naisip mo ba kung paano ka niya pahalagahan? Yung tipong isang text mo lang nandiyan na siya agad.
Naisip mo ba kung gaano siya kahandang iwan kung ano man ang ginagawa niya para sayo? Yung tipong may klase siya pero handa niyang iwan ito makasama ka lang.
Naisip mo ba kung paano siya mag-alala sa tuwing hindi ka nagte-text sa kanya? Yung tipong halos lahat ng taong kilala niya na pwede mong makasama tatawagan at ite-text niya malaman lang kung okay ka lang.
Naisip mo ba kung paano siya mag-selos sa tuwing sasabihin mong may mas maganda pa kesa sa kanya? Yung tipong kapag sasabihin mong "Ang ganda niya at ang sexy niya pa" pero kapag sa kanya, lalaitin mo pa.
Naisip mo ba kung gaano siya handang masaktan? Yung tipong lahat sila tutol sa inyo pero handa siyang sumugal at ipaglaban ang relasyon niyo. Naisip mo ba yun lahat? Naisip mo ba yun bago mo siya hindi pahalagahan, iwan, hindi magparamdam at hindi ipaglaban? Naisip mo ba yun bago mo man lang siya ipagpalit sa iba? Alam kong hindi dahil iniwan mo siyang nasasaktan!
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
HumorMga hugot ng aking pusong sugatan simula ng iwan at saktan mo, maging na rin ng utak kong ikaw halos ang laman. (frm my fb accnt notes)