Chapter 3

5 0 0
                                    

Hay salamat. Sabado na. Wala na rin kaming saturday class. Pero maglilinis naman ako dito sa bahay namin. Si ate George may pasok sila. Sayang daw kasi ang per hour pag sabado. Si Kuya Geoff naman maghapon sa computer shop sa Taft. Kung hindi sa Legarda naman. Ewan. Feeling shoutcaster sa Dota. Gabi na rin yun uuwi. Baka umagain pa nga sya eh. Si Tita naman maghapon din sa Balintawak nagtitinda ng Towels. At syempre si Ninong may pasok rin sa opisina kagaya ni ate George. At syempre ako? Wala eh eSTUPIDyante eh. Kaya iwan ako dito sa bahay pag sabado. Paulit-ulit?

Madali ko lang naman natapos ang chores. Napaliguan ko na din si Blacky. Yung aso naming maingay all-time. Nakapaglaba na rin ako ng mga uniforms ko. Basta! Tapos ko na lahat. Nakahiga na ako. Nagpapahinga. At di ko namalayan na nakatulog na pala ako. At di ko rin namalayan na naiwan kong nakabukas ang pintuan namin.

"Oy! Anong ginagawa mo dito?" Grabe! Anong ginagawa dito ni Denver? Kanina pa ba sya dito? Hala. Grabe naman to. Para talaga tong kabute ever since. Basta na lang sumusulpot.

"Hahaha. Ang himbing ng tulog mo ah. Musta tulog?" Patawa nyang sinabi.

"Hindi ka man lang kumatok o di kaya ginising mo na lang sana ako."

"Kakatok? Nakabukas nga yung pintuan mo. Pinabayaan mo. Buti ako yung pumasok eh kung ibang tao yan. Laspag ka na siguro nang wala sa oras."

"Hala! Over ka ah. Laspag agad? Rape agad?"

"Huh! Hindi mo pa masyado kilala mga tao dito. Tsaka bakit pawis na pawis ka? Anung ginawa mo?" Tapos tumingin sya sa paligid. "Wow ang kinis ng sahig ah. Bagong bunot. Wow ayos na ayos lahat ng gamit. Katulong ka for today?" Patawa nyang sinabi.

"Katulong agad? Palibhasa hindi ka naglilinis sa bahay nyo. Wag mo nga ako ibahin. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ehem. Kung hindi mo naitatanong. Kanina pa ako dito." Huh?! Hala. OM to the GEE! Anong nangyayare kanina? Hala. Grabe Kate ah. Assuming ka nanaman.

"Ha?! Anong ginagawa mo naman nun? Bat di mo ko ginising?"

"Wala pinagmamasdan ka." Totoo Denver? As in? Pakshet. Yung heartbeat ko. Please.

"T-t-talaga? Wag mo nga ako lokohin. Ano palang pinunta mo dito?"

"Hahaha. Yayahin sana kita sa Tapsilugan. Gutom ako eh." Yung totoo Denver, Tapsilog lang ba ang kinakain mo mapa-Breakfast, Lunch, Meryenda at Dinner? Asus!

Dali-dali naman akong nagbihis at sinamahan si Denver sa favorite food porn nya. Mejo di kalayuan sa bahay kasi sa kanto lang naman at kilala si Den ng mga nagtitinda dun.

"Denver, di ka ba nagsasawa sa Tapsilog na yan?"

"Hindi eh. Favorite nga eh! Ikaw ba anong fave mo?"

Wow tinanong nya! Hahaha may idea na sya before nya akong ligawan! Hahaha spell FIL-AM Kate? "Hmmmm pizza lang naman eh. Txka mga pasta wag lang palabok at pancit"

Bigla nagring yung phone ko.

"Hello?"

"Kate, musta ka na? Kiko to!"

"Oh Kiko! OMG kumusta ka na? Namiss kita ah" Pasigaw sa sobrang pagka-excite. Almost half month nang di ko sya nakikita since nung ma-dramang graduation namin sa Cebu.

Bigla na lang kumunot ang noo ni Denver sa narinig nya. "Sino naman yung kiko na yun?" Bulong nya sa isip nya.

"Sige Kiko tawag ka ulet sa bahay mamaya. Bye"

"Oy Kate sino yun?"

"Ah, best friend ko Den." Sabi ni Kate na may ngiting nakatago sa pisngi. "Sige Den, kain ka lang jan"

"Eh bat kung makangiti ka wagas?" Papikon nyang sinabi.

"Huuuh! E syempre best friend ko yun syempre na-excite kasi tumawag." Eh bakit ganyan ka maka-react? Nagseselos ka ba? - pero di ko sinabi yan.

"Henever!" Sabay subo ng kinakain nya. Hahaha affected amp! Ayieeeeh!

Pagkatapos nyang kumain ay niyaya ko sya.

"Uy Den, bat ang tahimik mo yata ngayon?" Kinausap ko sya habang papunta sa isang food cart na may nagtitindang pizza pie.

"Wala. Napadami ko ata ang kain ng Tapsilog at medyo di na ako makahinga." Palusot nya at kunwa'y binaling ang tingin sa iba.

"Gusto mo ba? Tig-dalawa tayo. Libre ko." Alam ko di sya kumakain ng mga ganito palibhasa'y mayaman sila pero...masarap rin kaya to!

"Ayaw ko."

"Ang tamlay mo yata? Ok ka lang ba? Gusto mo hatid na kita sa inyo?" Nag-aalala kong sinabi sa kanya.

"Hatid? Jan nanga lang yung bahay namin eh." Ilang hakbang nanga lang at bahay na nila.

"Oh sige." Sabay kausap sa nagtitinda. "Kuya pakidag-dagan ng dalawa. Take-out!"

"Mauna na ako Kate." Sabi nya na para bang nalugi sa paligsahan? Yun nga ba?

Pag-uwe ko, nilapag ko agad sa sahig ang mga binili kong pagkain sabay nanood ng mga pelikula. Bigla na lang ako napaisip. Bakit kaya biglang nag-iba yung mood nya? Kakaiba kasi yun. Matamlay at parang nagtatampo. Dahil ba kaya ito kay Kiko? Yung pagkatawag nya sa akin? Hahahaha karma nya siguro yun. Masyado kasi nyang nilalaro ang mga bagay-bagay. Baka sineseryoso na nya ang mga tawagan namin. NO! Hindi dapat. Ayoko may kahantungan yang mga labels na yan. Haaaaay. Ikakain ko na lang to.

Mutual Feelings <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon