"Dalawang pancit canton, ay tatlo pala para kay Ate George at Kuya Geoff. Tapos halagang 20 pesos na pandesal. Hmmm then isang keso, ay dairy creme na lang kaya? Favorite ni Ninong yun eh. Tapos. Teka! Baon ko nga pala sa lunch mamaya. Isang tocino na lang. Tapoooooos, wala na. Yes kumpleto na." Hahahaha pasensya na. Mahilig lang talaga ako magsalita mag-isa pag madaling araw. Tulog pa kasi sila Tita at Ninong eh. Si ate George naman mamaya pa ang gising mga alas 7 kasi may work na sya. Ganun din si Kuya Geoff kaya paglulutuan ko na lang sila. Para pag gising nila kakain na lang sila.
Lalabas na ako at bibili. Ang lamig sa labas. Malamang madaling araw pa lang. Mejo tahimik ang kalye kasi wala na yung mga bampira at aswang. Alam na! Hahaha. Pero may mga bukas nang store sa paligid at dun ako pupunta ngayon.
"Ate pagbilan nga po!"
"Ano yun magandang dilag?" Sabi ni Tita Punching.
Grabe ha! Magandang dilag. May muta pa ba to sa mata at kung ano-ano nakikita sakin hindi pa tirik ang araw. "As usual tita. Meron ba?"
"Oo naman ganda. Lahat meron uli kami. Ang aga-aga mo naman gumising."
"Oo naman tita ganda." Hahaha sipsip ang peg. "Eh kasi may pasok eh kailangan maaga."
"Tama yan! O eto na yung pandesal na 20 pesos. Yung Pancit Canton mo na Calamansi flavor. Alam kong peborit mo yan. Tapos dairy creme. At isang tocino." At biglang napatingala si tita. "Teka! May nakalimutan ka yata ah."
"Ano yun tita?" Napaisip din tuloy ako.
"Yung 3in1 ng Ninong at Tita mo. Jusko!"
"Ay oo nga tita. Salamat." Naku! Muntik na. Hindi pala masarap ang umaga ni Ninong pag hindi 3in1 ang kape nya.
Pag dating ko sa bahay agad-agad na akong nagluto. Pagkatapos inayos ko na yung kama ko sa taas. Ng double deck. Hahaha. Kala nyo may 2nd floor pa noh? Yung totoo nasa 2nd floor talaga ang bahay nila Tita. Pero maliit lang ang espasyo. Animo kwarto lamang. Andun na lahat. Sala, Pagkainan at Kwarto. Sa baba ng higaan si ate George ako naman sa taas na animo parang apartment. May maliit akong lamesa tsaka lamp shade sa taas nito. May maliit idin akong orocan dun lagayan ko ng mga damit, accessories atbp. Sa may hagdanan naman yung lutuan at CR. kahit maliit ang bahay namin, masaya kami.
Paalis na ako ng bahay nang biglang may haliparot na umakyat sa bahay. Bukas na pala yung gate sa baba kaya kahit mga aso makakapasok na dito sa bahay namin.
Pero nung tignan ko naman sa may lutuan wala namang tao.
"Sino yan?"
Hmmm. Walang sumasagot ah.
"Sno ho iyan?" Takot kong pagkasabi. Mga 4:30 pa kaya. At madilim pa sa labas. Baka magnanakaw na to. Haruuuy.
"Hello po!" Sabi ko habang kumukuha ng pamalo.
"Ahhhhh! ANAK NG BAKLANG BABOY." Napasigaw po ako. Hahaha di po ba obvious? "Anak ng! Ginagag* mo ba ako Den? Ang aga mo naman para manakot may gabi naman" pasensya na po. Napamura na. Wala eh. Nabigla. Malamang.
"Hahahaha matatakutin ka pala. Sorry na Kate. Akala ko late na ako. Tara na alis na tayo." Sabi ni Denver na hingal na hingal.
"Grabe! Magagalit sila sa baba ang ingay mo naman umakyat."
"Pero matatakutin ka?" Pang-asar nya.
Sakto naputol ang asaran namin nang nagising na si Kuya Geoff "Oh Kate paalis ka na?"
"Oo kuya kasabay ko palang papasok si Denver."
"Sige ingat kayo."
---
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings <3
Fiksi RemajaProlougue Yung bang parehas kayo ng nararamdaman. Yung iisa lang ang gusto nyo. Pag galit sya, galit ka din. Pag nasasaktan sya, nasasaktan ka rin. M.U. Ang acronym sa Mutual Feelings. Pero sa mga mahilig maki-mingle, Malanding Ugnayan ang meanin...