Ako si Kathryn. Kate ang tawag nila sakin. Slim ako . payat lang akong tignan . Palibhasa matataba sila. Kagandahan din naman pero hindi pa-chix . Maputi ako. Normal girl lang ako kumilos. Proud to say na Valedictorian ako from Elementary up to High School. Ewan ko lang ngayong College kasi ako na nagpapa-aral sa sarili ko. Medyo mahirap magbalanse lalo na pag mag-isa ka lang sa buhay. I mean, sa bahay. Nakatira lang naman ako sa Caloocan pero dati akong nakatira sa Cebu. Ang layo di po ba?
Nung bata pa ako, naging classmate ko si Denver. Ang taba-taba nya. Very opposite kami. Mayaman sya, mahirap lang ako. Maitim naman sya. HAHAHA over! Moreno naman . Sya ang first crush ko . Magkalapit lang naman kasi ang bahay namin pero sa school ko lang naman nakita yung aura nyang naka-attract sakin. Kahit chubby siya at moreno, naku-kyutan pa rin ako sa kanya. As in, ang sarap kurutin ng pisngi nya. Then nung grade 4 ako ililipat na ako nila Papa sa Cebu. Ouch! Malalayo ako kay Denver-Taba! :(
After 7 years, nakabalik din ako sa Caloocan. Wow! ang daming nagbago. Kahit saang lugar. Pero syempre, nagkita din kami sa wakas ni Denver. Wow ulit! Ang laki ng pinagbago nya pero chubby pa rin sya. At, dito lang naman nagsimula yung story namin.
Pagka-uwi ko galing school, nakita ko sya. Nagba-bike. Hobby nya kasi yun after school, imbis na magreview at mag-browse ng notes. Tinawag ko sya pero hindi nya ako pinansin. Agad-agad? Di ba pwedeng di lang narinig? Pero ako naman si makulit, hinabol sya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko bakit tinatawag ko sya at gustong kausapin. Eh samantalang hindi naman ako ganito kahit makita ko sya sa labas namin. Sa sobrang bilis ng pagkatakbo ko, nadulas ako. Nauna yung butt ko tapos napahiga. Sabay napasigaw na lang ako ng. "denveeeeeeeeeer! tulong!" Napahinto sya sa pagba-bike. At pumunta sa kinaroroonan ko.
"Ano bang ginagawa mo?!" Pasigaw nyang tanong.
"Ano kasi tinatawag kita pero hindi mo naman ako pinapansin." Paiyak na sagot ko sa kanya.
"Eh bakit kasi tinatawag mo ako? "
"Ah ... Eh ... Wala gusto lang kitang makausap. Masama ba? "
"Ay bakit may sinabi ba ako? Bakit importante ba? "
Bigla akong napalunok na parang napahiya na nadismaya . "Uh.. Hindi naman sya ganun kaimportante." Sabay nag-blink sa isip ko na may assignment pala kami sa Social Studies at kailangan by-partner sa isang work. Eh wala pa akong kasama kaya nasabi ko nalang, "Ahh ... Kasi m-may assignment pala sa Social Studies. And .. Then .. d-dapat by-partner per work." Pautal-utal kong sinabi.
"So, anung proposal mo dun?" Sagot nya agad.
"Tatanungin ko sana kung ... Kung may kasama ka na dun? A-ako kasi wala pa eh."
Napaisip siya at natawa. "So, gusto mo akong makasama noh?" Patawa nyang sinabi.
"Ha?! M-may sinabi ba ako? Ang tinatanong ko lang kung may kasama ka na. Napaka-demanding mo naman."
"Hahaha. Joke lang." Sabay ginulo ang buhok ko na parang bata. "Sige, tayo na lang magkasama. Punta ka na lang sa bahay ng mga 3 o'clock kasi may pupuntahan pa ako eh."
"Talaga? S-sige. Pero hatid mo muna ako sa bahay kasi ang sakit ng balakang ko eh." Paawa kong sinabi. Pero kinikilig na ako nyan.
"Ano?! Bakit sinabi ko bang habulin moko?" Paasar nyang sinabi.
"Grabe ka naman! Diba nga gusto kitang makausap? Sige nanga ako na uuwi mag-isa."
"Ano ka ba? Joke lang yun. Sige sakay ka na dito hatid na kita."
At habang nagba-bike kami, syempre kinikilig ako. Alangan! Crush mo sinakay ka sa bike magpapa-choosy ka pa ba? Hihi. Di lang yan. Imbis na iuwi nya ako nilibre na lang nya ako sa tapsilugan. Tapsilog sa kanya at Tosilog sakin. Tapos bumili kami ng meryenda at school supplies tapos pumunta na kami sa bahay nila. O tapos sabi nya may pupuntahan sya. Ibang klase.
BINABASA MO ANG
Mutual Feelings <3
Fiksi RemajaProlougue Yung bang parehas kayo ng nararamdaman. Yung iisa lang ang gusto nyo. Pag galit sya, galit ka din. Pag nasasaktan sya, nasasaktan ka rin. M.U. Ang acronym sa Mutual Feelings. Pero sa mga mahilig maki-mingle, Malanding Ugnayan ang meanin...