Chapter 9 Ang Sulat

1.6K 78 1
                                    


 Sinubukang tawagan ni Angel ang mga kaibigan subalit hindi na niya ma-contact ang mga ito. Dahil wala na siyang ibang magagawa para makausap ang mga kaibigan ay nagbakasakali siyang makikita niya ang mga ito sa kani-kanilang bahay.

Lumabas siya ng kanyang kwarto, sakto namang umalis ang ina niya at ang kanyang ama naman ay nasa trabaho pa. Tanging si Inday na katulong lang nila ang kanyang kasama ngayon sa bahay.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Inday sa kanya nang mapansing palabas na ng pinto.

"Pupuntahan ko lang ang mga kaibigan ko diyan sa kabilang kalye, babalik din ako agad," sagot niya.

"Hindi ka pwedeng lumabas dahil 'yon ang bilin sa akin ng mga magulang mo."

"Ate Inday, malapit lang naman ang pupuntahan ko, buti nga at nagpapaalam na ko, e."

"Pagagalitan ako ng mga magulang mo, e, bawal ka ngang lumabas ngayon," pagtutol ni Inday.

"Babalik din ako promise." Hindi nagpapigil si Angel sa katulong, mabilis niyang nilisan ang kanilang bahay para puntahan ang mga kaibigan. Wala na ring nagawa pa si Inday nang agad siya nitong layasan.

Alas-siyete na ng gabi, una niyang pupuntahan ay si Jonas dahil mas malapit ang bahay nito sa bahay nila. Mag-isa siyang naglakad papunta roon, pagdating sa harapan ng bahay nila Jonas ay naabutan niya si Aling Mercy na palabas pa lang ng gate. Agad niya naman itong nilapitan.

"Good evening po, Tita Mercy, nandiyan na po ba si Jonas?" tanong niya nang makalapit na siya, tila nabigla naman sa kanya ito.

"O, nakauwi ka na pala, hinahanap ka nila, e," wika ni aling Mercy habang sinasarado ang gate.

"Kaya nga po, e, nakauwi na po ako kanina pa po, hindi pa po ba sila nakakabalik?" tanong niya.

"Ay hindi pa, i-text mo kaya."

"Nasabi ko na po sa kanila na nakauwi na ako," sagot niya.

"A, ganun ba? Baka mayamaya lang ay nandito na si Jonas," ani aling Mercy.

"Sige po."

"Sige na hija, mamamalengke pa ako, e."

"Ingat po kayo." Umalis na rin si aling Mercy, naiwan naman siyang nakatayo roon.

Napabuntong hininga na lang siya, na-realize niya na talagang mahal na mahal siya ng mga kaibigan niya. Nag-abala pa talaga ang mga ito para hanapin lang siya, kaya naman hindi niya maiwasang matuwa, subalit sa kabilang banda ay nahihiya rin naman siya sa mga ito, nalaman niya kasing hindi nakapasok ang mga ito nang dahil sa paghahanap sa kanya. Habang nakatayong mag-isa sa kalagitnaan ng katahimikan ay biglang lumamig ang simoy ng hangin. Dahil doon ay ipinasok niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. Nabatid niya na may laman ang kaliwang bulsa niya, para malaman kung ano ito ay dinukot niya ito at nalaman niyang isa pala itong papel.

Nagtaka siya kung paano nagkaroon ng papel doon dahil hindi naman siya mahilig magsiksik ng kung anu-ano sa kanyang mga bulsa, tanging ang kanyang cellphone lamang at pitaka ang madalas niyang inilalagay rito.

Nang buklatin niya ang papel ay napansin niyang may kung anong nakasulat dito. Parang pamilyar sa kanya ang mga nakasulat dito kaya naman binasa niya ito.

-

Pagninono gn mandilika, uptos luluwaka ko ya as iyo layiania. Hinlad kao sa giyon nakahira. Yabagan om gan kinag napaginlan, kawahan om gan kinag gam yakam, kininang om gan kinag pisi. Pangkahirayang dobyal ay bolokapagi as kina pakatil gn gaptikil gn lirisa gonk hubya. Panug tikamagan as pangma pinag ondum. Pagninono gn mandilika, wananilinan kao as pangkahirayan om.

Ben (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon