Chapter 10 Kataka-takang Krimen

1.6K 76 0
                                    


  Muling hinanap ng magbabarkada ang kaibigang si Angel, subalit halos naikot na nila ang buong lugar ay hindi naman nila ito nakita. Sa ilang oras ng paghahanap ay nakaramdam na rin sila ng pagod. Mag-aalas-diyes na ng gabi nang makabalik sila sa bahay nila Angel para ipaalam na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matagpuan ang kaibigan. Naabutan nila ang mag-asawang Robert at Liza na pinagagalitan ang katulong na si Inday. Napansin naman sila ng mag-asawa kaya naman nilapitan sila ng mga ito.

"Kamusta ang paghahanap ninyo?" tanong ni Mang Robert na mahahalataan ang pag-aalala.

"Tito, Tita, nalibot na po namin ang buong lugar, pero hindi po namin siya nakita," sagot ni Lucy.

"Robert!! Ano ba ang gagawin natin sa batang iyan, hindi rin daw siya mahanap ng mga tanod, e," pagkataranta ni Aling Liza.

"Relax ka lang, okay?" pagpapakalma ni Mang Robert sa asawa.

"Tito, hindi po kaya nagpunta na naman siya sa boyfriend niya?" ani Lyka.

"Iyon din ang iniisip ko, alam n'yo ba kung saan nakatira ang boyfriend niya?" tanong ni Mang Robert sa kanila.

"Hindi po, e, hindi niya pa nga po naipapakilala sa amin iyon." sagot ni Jonas.

"Tsk! Pasaway talaga ang batang iyan!" pagalit na sabi ni Mang Robert.

"A, mabuti pa mga hijo mga hija, magpahinga na muna kayo, halos isang buong araw n'yo nang hinahanap ang batang iyon, e, maraming salamat sa inyo, a," pasasalamat ni Aling Liza sa kanila.

Napakapasaway talaga ni Angel. Kung hindi sana siya umalis ulit ng bahay edi sana nagkita-kita na silang lahat. Kaya ngayon, hindi malaman ng mga magulang niya kung saan na naman siya hahanapin.

"A, sige po, Tito, Tita, mauna na po kami, balitaan n'yo na lang po kami kay Angel," wika ni Jon sa mag-asawa.

Nginitian lang sila ni Mang Robert at Aling Liza. Mukhang kailangan na nga talaga nilang magpahinga muna. Nasayang lang ang oras nila sa paghahanap, akala nila kanina ay madadatnan na nila si Angel pero, hindi rin pala.

Umalis na sila sa bahay nila Angel, habang naglalakad pauwi ay ramdam na ramdam nila ang pagod. Iba naman ang nararamdaman ni Lucy, masama ang kutob niya sa mga nangyayari ngayon subalit hindi niya nga lang maunawaan kung ano ito.

"Makakapasok pa kaya ako bukas? Pagod na pagod ako," biglang sabi ni Lyka habang naglalakad sila.

"Ang daming nangyaring kakaiba ngayon." Napatingin ang tatlo kay Lucy.

"Lucy, sa tingin mo, ano kaya ang ibig sabihin ng nakita natin sa sementeryo kaninang hapon?" tanong ni Jonas.

"Masamang pangitain 'yon, kinikilabutan ako kapag naalala ko 'yong nakita natin kanina."

"Ibig mong sabihin may masamang mangyayari kay Angel?" tanong ni Lyka.

Nagkatinginan sila sa ideyang baka nga may isang pangyayaring darating, pangyayaring makapagpapahamak sa kaibigan nilang si Angel.

"Huwag naman sana," sagot ni Lucy, napansin naman nila na natahimik si Jonas na tila malalim ang iniisip.

"Jonas may problema ba?" Tinapik ni Lyka si Jonas sa balikat, tumingin muna ito kay Jon bago nagsalita.

"Jon, naaalala mo pa ba ang nangyari kay Ate Monica?" nabigla naman si Jon sa tanong ni Jonas.

"Oo bakit?"

"Iyong nangyari kay Ate Monica, ganitong-ganito rin tulad ng nangyayari kay Angel ngayon," napaisip naman si Jon sa sinabi niya.

"You mean..." ani Lucy habang tahimik lang si Lyka na nakikinig.

Ben (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon