Strike 1

1 0 0
                                    

Tsk. Damn that girl. Kaasar siya. Ang sakit kaya. Psh. Wala pang nakakagawa sakin ng ganito. She'll pay for this.

"Oh. Ayan, since you're my trainee, these papers pakibasa na lang. May mga review rin jan at mga stats about sa past development ng company. Ibrowse mo lang para maging familiar ka" sabi ng Amazona.

"Eto lahat. Ang dami naman. Hindi mo ieexplain man lang sakin?"

"Malaki ka na kaya you could understand that thing. Besides, I have more important things to do than to train you" sabi niya sabay harap sa computer niya.

Nandito kami sa may table niya. Hmm, infairness, malalaman mo talaga na organized siya dahil malinis ang table plus wala kang makikita na kalat na papers dahil nakaarranged iyon ng maayos. Pwera na lang sa pinatong niya na mga kalahating ruler na mga papel na gusto niyang ipabasa sakin.

"Oh? Ano pang ginagawa mo jan? Ano pang tinatanga-tanga mo? I told you to read these papers, di ka ba makaintindi ng instructions?"

"Pano ko naman mababasa lahat ng to?"

"Well, that's not my problem anymore. Go on with that stuffs. Ayoko ng may istorbo plus kalat sa place ko. Go" she said at sumenyas pa na umalis ako.

Kinuha ko ng padabog yung mga papel na iyon. Tsk. What a good trainor! Kung di lang siya maganda at hot nako! Yes, i know, inis ako sa kanya but there is something in her that makes me want her. She is really beautiful. She has that long straight hair na nakapony and her eyeglasses even complements her beauty. Okay na sana, she is also sexy or maybe hot instead pero she's dangerous. Isa siyang amazona. Tsk. Hay. San ko kaya to babasahin? Hmm. Sa lobby na nga lang.

Thanks God at wala na ang asungot na iyon. Mapagpapatuloy ko na itong paggawa ng report. Thursday pa naman ang deadline pero I want to finish it para printing na lang talaga ang gagawin ko.

After 3 hours. Coffee Break.

Yes. Wala na yata ang asungot. Makakain na nga muna. Wala na kong kasabay ngayon dahil nakauwi na si Aira. Magkaiba kasi kami ng shift. Pagbaba ko ng lobby, may narinig ako na nagtatawanan. And when I see where it comes from, WTF. Ang harot talaga ng lalaking to. Office hours at naglalandian talaga sila ha. Teka nga. Dumaan ako sa gitna nila ng walang pasintabi. Halata na nagulat ang kolokoy at si Aimee, co-worker ko sa marketing pero mas high ang position ko. Bago ko umalis sa may parte nila, nagparinig ako.

"Office hours landian ang inaatupag. Psh" taray diba?

"Sorry MANANG."

"What did you say?" Aba! Ang kapal ng mukha nito ah.

"Ang sabi ko, Manang, ano ba yan, may pagkabingi ka" Hahaha. Parang gusto ko siyang asarin pa lalo. Lalo siyang gumaganda habang naiinis siya.

"Excuse me, for your information, I am just 20 years old and as far as i know, i don't have any sign of a lady living in the year of the World War. Plus, I am not deaf, I just want to be certain" sabi niya na kitang-kita na asar na talaga siya.

"Hahaha. Ganon ba? Okay. Hmm, Hindi kaya may gusto ka sakin kaya nagreact ka kanina nung kausap ko si Aimee. Are you jealous?" Wala na kasi dito si Aimee, umalis na ng makita siya. Siguro natakot sa amazonang to. Lumapit siya ng konti sakin at ngumiti.

"Really? Ang lakas din ng amats mo noh para isipin na magkakagusto ako sa isang maniac, rude at cassanova na gaya mo. In your dreams!"

Tutal palay na ang lumapit, tignan natin kung di ka talaga naaapektuhan sa presence ko. Yumuko ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya yung 1 inch na lang ang space. Halata na nabigla siya.

"Yeah. Maybe it's a dream. Basta ang alam ko, You with me, is my dream."

Boom!

Game Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon